Kabanata 2

14.7K 350 9
                                    




"Bakit kase hindi na lang kayo umalis doon sa bahay ng tita mo?" Tanong sakin ni Genie. Kaklase ko.

Tanging sya lang ang kumakausap sakin dito sa school. School ng mayayaman tong eskwelahan na pinapasukan ko. Nakapasok ako dito dahil narin sa nakapasa ako sa exam at naging scholar ako rito.

"Genie. Alam mo namang wala kaming mapupuntahan ng kapatid ko diba?" Sabi ko naman sa kanya.

Mayaman si Genie. And guess what? Ang pamilya nya ang may-ari ng school na 'to. Kaya nga walang nagtatangkang mangbully sakin dahil malapit sakin ang anak ng may-ari nitong eskwelahan.

"Ellaine tanggapin mo na kase ang offer ko." Sabi nya.

Matagal na nyang inooffer sakin na tumira na lang daw kami sa bahay nila. Payag naman daw kase ang parents nya. Tsaka lagi naman daw wala ang magulang nya. At tanging sya at ang kuya nya lang madalas ang magkasama sa bahay nila.

"Pero kase Genie nakakahiya naman sa kuya mo."

Huminga sya ng malalim.

"Please Ellaine." Nagpapacute na sabi nya.

Angganda talaga nitong si Genie. Kung hindi ko lang sigurado sa sarili ko na straight girl ako. Malamang tomboy na ako ngayon dahil sa babae na 'to.

Pale white ang kutis ni Genie at natural pink naman ang labi nya. Samantalang ang mata naman nya ay green. Meron syang maiksing buhok na hanggang balikat nya at kulay black. Yung mata nya ay namana daw nya sa mama nya. May lahi kase.

"Sige ganto na lang. Pag hindi ko na talaga kaya ang ginagawa ni tita ay dun na kami titira sa bahay nyo. Deal?" Pinal na sabi ko.

Ngumiti naman sya ng malawak.

"Yehey! Thank you Ellaine." Sabi nya at niyakap pa ako.

Ambait talaga ni Genie. Kinabahan ako bigla. Baka masungit yung kuya nya.

"Ellain naintindihan mo ba?" Sabi nya.

"Ha?"

"Ay. Di ka naman pala nakikinig. Kanina pa kaya ako nagsasalita." Sabi bya at nagpout.

"Ay nako Genie sorry. Ano nga ulit yung sinabi mo?" Nahihiyang sabi ko.

Masyado kase akong nag-isip ng kung anu-ano tungkol sa kuya nya.

"As I was saying earlier. Ibibigay ko sayo ang calling card ko para matawagan mo ako kung titira na kayo sa bahay namin. Para mapasundo ko kayo sa driver." Excited na sabi nya.

Wow? Nagkaroon na agad sya ng plano?

"Di pa naman sigurado ang pagtira namin sa bahay nyo Genie." Sabi ko.

Kinapitan nya ang braso ko habang naglalakad parin kami sa hallway.

"Para incase diba? Di naman yun malabong mangyari kase sa ugali pa lang ng tita mo. Paniguradong mangyayari ang paglipat nyo.hehe." Natutuwa pang sabi nya.

Napangiti na lang ako dahil sa taglay nyang kacutan. Nakakamangha lang kase matatas syang magsalita ng Tagalog.

"Genie." Tawag pansin ko sa kanya.

"Bakit anggaling mong magtagalog?" Tanobg ko.

"Hahaha. Lumaki kasi kami dito sa Philippines . Tapos 2 years lang kami sa ibang bansa. At bumalik ulit kami dito. And ganun din ang naging sitwasyon ng parents ko kaya naman lumaki kami sa wikang tagalog. Kase tagalog rin ang language ng parents ko. Dahil dito rin sila lumaki." Explain nya sakin.

"Ahh. Kaya pala." Tangong sabi ko.

***



"Bye Genie." Paalam ko kay Genie.

Uwian na kasi namin kaya nagpaalam na ako sa kanya.

"Wait Ellaine!" Tawag sakin ni Genie kaya lumingon ako. Konti palang naman ang layo ko sa kanya.

Lumapit sya sakin.

"O bakit Gen?" Takang tanong ko.

"Sumabay ka na samin." Nakangiting sabi nya.

"Ha? Wag na. Magkaiba ang way nating dalawa." Nahihiyang sabi ko.

"Nukaba! Okay lang. Lika na!" Sabi nya at hinila na ako. Wala akong nagawa kundi ang sumunod.

Malayo rin naman ang bahay nina tita mula dito sa school. Kaya magcocommute pa ako. Eh nakakapagod rin naman kaya papayag na ako.

Sumakay na kami sa loob ng kotse at di mawala ang ngiti ni Genie.
Ambait lang. Napangiti na lang din ako.

"Ahm Genie. Hindi na ba napasok ang kuya mo?" Tanong ko sa kanya.

"Napasok parin sya. 4th year College. Pero magkaiba kami ng school. Dun sya napasok sa isang school na pagmamay-ari rin namin." Sagot naman nya.

Tumango na lang ako.

Angyaman talaga nila. Meron pa pala silang isa pang eskwelahan bukod sa pinapasukan ko ngayon.

After some minutes ay nakarating na rin kami sa bahay.

"Salamat Genie ha? Gabi ka na tuloy makakauwi sa inyo." Sabi ko at binuksan na ang pinto ng kotse.

"Naku! Ano ka ba. Okay lang yan. Naitext ko na rin naman si Kuya na gagabihin ako." Sabi naman nya.

"Ganun ba? Salamat ulit ha? Sige. Bye na. Ingat ka sa pag-uwi." Sabi ko at bumaba na ako sa kotse.

"Sige. Bye." Pahabol nya at sinara ko na ang pinto ng kotse.

Hinintay ko munang makalayo sina Genie bago ako pumasok sa bahay ni Tita.

"O andyan ka na pala Ellaine. Hugasan mo na ang mga plato dyan sa kusina." Utos agad sakin ni Tita pagkapasok ko palang sa may pinto.

Bumuntong hininga ako.

"Okay po Tita." Sabi ko.

Pumunta muna ako sa kwarto at binaba ang bag ko sa kama. Nakakapagod!

Sakto namang dumating na rin si Harry.

"O ate. Nandyan ka na rin pala." Bati nya sakin.

"Oo. May inutos ba sayo si Tita?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman ate. Buti nga at busy sya sa pakikipagkuwentuhan dun sa kumare nya."

"Mabuti naman kung ganun. O sige na. Gumawa ka na ng mga assignments o projects mo. Tapos matulog ka na para di ka na mautusan ni tita." Sabi ko.

"Sige ate."

Tumayo na ako at lumabas para maghugas ng pinggan.

Napakagandang buhay. Pagod ka na nga galing school tapos pagagawain ka pa dito sa bahay. Hays.

Loving The Vampire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon