Kabanata : 32 - New Vampire..

7.4K 173 0
                                    


Lahat pala ng nangyari kahapon ay pansamantala lang. Ngayon ako naniniwala na kapag naging sobrang saya ka ay may posibilidad na bukas hindi na. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Kung magagalit ba ako o iiyak na lang dahil sa matinding lungkot.

"H-harry.." Tawag ko sa kapatid ko.

Nakatingin sya kanina sa dalampasigan. Humarap naman sya sakin ng nakakunot ang noo. Nandito parin kami sa resort.

"Kung ipagpipilitan mo na naman sakin na ate kita. Pwes! Tumigil ka na dahil wala akong pamilya. Kaibigan lang ang meron ako. At yun ay sina Genie at Symon pati si Hannah." Sigaw nya sakin na nakapagpatulo ng luha ko.

Pagkatapos nun ay mabilis syang nawala.

Nanlambot ang tuhod ko at napaupo sa buhanginan.
Humagulgol lang ako.

"Ellaine.." Kahit di ko tingnan ay alam kong si Genie yun.

Hindi ako sumagot at pinagpatuloy lang ang pag-iyak ko.

Lumapit sya sakin at niyakap ako.

"Ellaine, magiging maayos din ang lahat. Matatandaan ka rin ni Harry." Sabi nya.

Umalis ako sa yakap nya at tumayo.
Ngayon, ako na ang nakatayo habang sya ay nakaupo sa buhanginan.

"Paano!? Bakit ha!? Sinabi ba ni Hannah na PANSAMANTALA lang na hindi ako maaalala ng kapatid ko!? Hindi diba! Ang sabi nya ay mawawala lahat ng alaala ng kapatid ko tungkol sa kadugo nya! At ako! Ako ang ate nya.." Umiiyak na sabi ko at dire-diretsong umalis doon.

Ng mapadpad na ako sa malayong bahagi ng resort ay naupo na lang ako sa tabi ng dagat habang pinagmamasdan ang papalubog ng araw.

Kagabi lang nangyari ang bagay na yon.

*flashback*

Gabi na at nandito pa rin kami sa tabi ng dagat. Gumawa na lang ng bonfire.

Medyo malamig na rin.

"Kukuha lang ako ng jacket para kay ate." Sabi ni Harry at tumayo.

Wow! Ambait naman yata ngayon nitong kapatid ko. Napangiti ako.

"Oo nga pala, tao ka. Kaya naman nilalamig ka. Nagkaroon pa tuloy ng responsibilidad ang kapatid mo na ikuha ka ng jacket." Sabi ni Hannah at ngumisi.

"Tss. Hindi porke't tao ako ay mahina na ako."

"Wala naman akong sinasabing mahina ka." She said then smirked.

"Pero sa sinabi mo eh parang ganun na rin ang tinutukoy mo." Naiinis na sabi ko.

Loving The Vampire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon