Kabanata 39 - Strong

7.2K 174 4
                                    


Genie's POV

Nakatulala lang ako ngayon dito sa botique ng mga dress na pagmamay-ari ko. Ito ang naisipan kong ipatayo tutal ay magaling naman ako sa fashion. Nagtalo pa kami ni kuya tungkol dito noon dahil gusto nyang mamahala din ako sa kumpanya namin pero di ako pumayag. At sa huli ako parin ang nasunod.

"Hey.."

Napakurap ako ng may tumapik sa balikat ko. Tiningnan ko naman kung sino at si Harry pala.

Anlaki ng pinagbago nya. Isa na talaga syang ganap na binata. Simula nung naging bampira sya ay tumaas pa lalo ang IQ nya kaya naman accelerated sya kaya tapos na agad sya ng college.

Naghila sya ng isang upuan at itinabi sa akin saka sya umupo dun sa upuan.

Tumingin sya sa akin.
"Parang anlalim ng iniisip mo kanina. Is there something wrong?"

Umiling ako.
"Naalala ko lang si Ellaine. Andami nyang pinagbago. May pakiramdam ako na may kinikimkim syang galit sa atin." May himig lungkot na sabi ko.

Tumungo si Harry.
Nagsalita sya gamit ang mahinang boses pero narinig ko parin. Bampira ako kaya malamang na matalas ang pandinig ko.

"I miss her. I miss my ate." Sabi nya na bahid ang pagkaulila kay Ellaine.

Tama kayo. Nakakaalala na sya. Simula nang umalis si Ellaine noon ay lagi na lang tahimik si Harry. Tapos makalipas ang isang taon ay tuluyan na syang nakaalala. Kaso lang hindi na umuwi si Ellaine. Hindi na nya kami binalikan. Akala namin noon na namatay na sya kase ilang taon na ang lumipas. Tinanggap na lang namin yun. Pero hindi kami tumigil sa paghahanap sa kanya. Nagbabakasakali parin kaming buhay sya.

Kaya nagulat ako nang makita sya sa labas ng gate namin. At nagulat ako sa pagbabagong nangyare sa kanya. Hindi na sya tulad ng dati. At mas lalo akong nagulat ng anak na pala sya nina Mrs. At Mr. Ford.

"Bakit hindi mo sya puntahan at sabihin sa kanya na nakakaalala ka na?" Suggest ko kay Harry.

Tumingin sya sakin.
"Natatakot ako na baka wala na syang pakialam. Ni hindi nya nga ako kinausap nung nakita natin sya doon sa labas ng gate at doon sa bahay nila."

"Hindi naman siguro. Dahil kapatid ka parin nya at ate mo sya. Mahal na mahal ka ni Ellaine. At siguradong hindi ka matitiis nun." Sabi ko at ngumiti ng tipid.

"Susubukan ko."

Tumango na lang ako.
"Sya nga pala may dala akong flowers for you." Sabi nya na nakapagpangiti sakin ng todo.

Hindi ko nabanggit sa inyo na nanliligaw sakin si Harry. 2 years na syang nanliligaw pero di ko parin sya sinasagot. Trip ko lang. Hahaha.

Tumayo sya at kinuha ang bulaklak sa sofa. Nandito kasi kami sa loob ng office ko dito sa botique.

Lumapit sya sakin at ibinigay sakin ang boquet of flowers.
"Thank you." Sabi ko at saka inamoy ang bulaklak. Mabango.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong nya.

"Oo. Sobra." Nakangiti kong sagot.

Bumuntong hininga sya. Napakunot ang noo ko.
"May problema ba?"

"Kelan mo ako balak sagutin?" Tanong nya.

Nalukot ang mukha ko at ibinaba ang boquet sa lamesa na nasa harapan ko.
"Napapagod ka na bang manligaw?! May iba ka na siguro no!?" Inis na sigaw ko sa kanya.

"Huh? Wala akong iba, okay? Naitanong ko lang kase dalawang taon na akong nanliligaw sayo." Mahinahong sabi nya.

Inirapan ko sya.
"Wag mong itanong yan sakin dahil baka paabutin ko pa ng 20 years yang panliligaw mo!"

Agad naman siyang nagulat sa sinabi ko.
"W-wag naman. O sige na. Hindi na ako magtatanong. Hihintayin ko na lang na sagutin mo ako."

Nagbago agad ang expression ko at nginitian sya.
"Good. Lika, samahan mo na lang ako sa mall. Magdate na lang tayo." Sabi ko saka tumayo at hinila na sya palabas ng office.

×××

Ellaine's POV

Nandito ako ngayon sa office ko habang busy sa pagpirma at pagbasa ng mga papeles.

Nang matapos kong pirmahan lahat ay tumayo na ako. Wala na akong secretary ngayon at hindi na ako kukuha pa. I can handle my own company by myself. Hindi ko kailangan ang iba.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng office. Dumiretso na ako sa elevator.

Paglabas ko ng elevator ay agad akong lumabas ng company. Dumiretso ako sa parking lot at sumakay ng kotse.

Malapit na ako sa place na pupuntahan ko nang may humarang na limang lalaking bampira sa unahan ng kotse ko kaya napatigil ako. I smirked.

Bumaba ako ng kotse at tiningnan sila isa-isa. Nagkatinginan sila at tumingin sakin.

"Anong kailangan mo? Bakit nandito ka sa teritoryo namin?!" Sabi nung isa.

"Kakausapin ko ang pinuno ninyo." Sagot ko.

"Hindi pwede!" Sigaw naman nung isa.

I rolled my eyes.
"Alam nyo? Ang tanga nyo rin e no? Ako ang kailangan ninyo hindi ba? Ako ang gusto nyong patayin diba? Kaya dapat padaanin nyo ako. Edi mas mapapadali ang pagpatay nyo sakin pag nasa loob na ako nun." Sabi ko sabay turo sa mansyon na natatanaw ko mula rito sa kinatatayuan ko.

Magsasalita pa sana ang isa sa kanila nang dumating ang bampirang hinahanap ako at gustong mawala na ako sa mundong 'to.

"Anlakas ng loob mo para pumunta dito ng mag-isa. Kahit na alam mong nangangati kaming patayin ka." Sabi nya at tumawa na parang demonyo.

"Alam mo? Sa lahat ng bampirang nakilala ko. Ikaw lang ang may pangit na mukha." Pang-aasar ko sa kanya at tumawa rin. Kaya naman tumigil sya sa pagtawa at pumula ang mga mata nya at inilabas ang pangil nya.

Susugod na sana sya ng iniharang ko ang kamay ko sa kanya kaya naman hindi sya nakalapit sa'kin dahil may humaharang sa pagitan namin.
May binuo akong harang sa pagitan namin. Yan ang isa sa kapangyarihan ko.
Ginamit ko naman ang isa ko pang kamay at bumuo ako ng kuryente sa kamay ko at ibinato sa kanya na naging dahilan ng pagtilapon nya sa malayo.

I smirked. "Patikim pa lang yan. Pakisabi sa pinakapinuno nyo na hindi na ako makapaghintay sa labanang magaganap." Sabi ko sa kanila at sumakay na ulit sa kotse saka sila iniwan doon.

Yung nakaharap ko kanina ay isa lang sa alagad ng pinakapinuno nila. Sya ang namamahala sa mga kawal katulad nung limang bampirang humarang sa kotse ko kanina. Sya talaga ang hinahanap ko upang maiparating nya sa pinuno nila na hindi ako kalabang basta-basta lang.












××××××××××××××××××××××××××××××××××××

-LonelySilent

×AYRESH🌷×

LS

Loving The Vampire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon