Kabanata : 23 - End?

8.1K 187 2
                                    

Tanghali ngayon pero nakatulala lang ako habang nakaupo dito sa balcony at habang tinatanaw ko ang view na nakikita ko.
Kanina pa ako nandito. Nilock ko ang pinto at hindi pinapapasok ang kahit na sino mang kumakatok.

Ansama ko. Kritikal ngayon ang lagay ng fiance ni Symon sa hospital. Dahil dun ay di na ako lumabas ng kwartong 'to. Gusto ko na lang mamatay. Pa'no kung lumala yun tapos mawalan sya ng buhay? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Ayokong makulong. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral.

Pumatak na naman ang luha ko. Ano nang gagawin ko?

Kumakalam na rin ang sikmura ko. Pero di ko na lang iniinda.

"Di mo yun ginusto.." Muntik na akong mapalundag dahil sa gulat.

Napatingin ako sa likod ko.

Genie..

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.
"Genie.. Ayoko ng mabuhay. Ansama-sama ko. Nakasakit ako ng kapwa ko.. Ayoko na.." Umiiyak na sabi ko kay Genie habang nakayakap sa kanya.

"Sshh.. It's okay Ellaine.. It's not your fault. So, please stop crying.." Sabi naman nya.

Kumalas ako sa yakap at umiiyak pa rin.
"Pero ako ang gumawa nun."

"Di mo yun kasalanan okay? Di mo naman alam na mangyayari ang bagay na yon." Sabi naman nya.

Di na lang ako nagsalita.

"Lika.. Kumain ka na sa baba. Tanghali na." Sabi nya pero tumungo lang ako.

"Ayoko.. Baka nandyan ang kuya mo." Sabi ko gamit ang mahinang boses.

"Hindi pwede Ellaine. Kelangan mong kumain kahit pa nandyan si kuya. Ano bang pakialam nya? E hindi mo naman sinasadya ang bagay na yon!" Sabi nya at hinila na ako. Nagpahila na lang din ako.

Ng makarating kami sa sala ay nandun si Harry at Symon na nanunuod ng T.V.
Napatingin ako kay Symon. Ng biglang tumingin sya sakin. Napaiwas ako bigla.

"Genie.. San mo naman yan dadalhin?" Tanong nya kay Genie na para lang akong isang bagay na binitbit ni Gen.
Kumirot tuloy ang puso ko.

"Pupunta kami ng kusina. Di pa sya kumakain." Cold naman na sagot ni Genie at hinila na ulit ako.
Pero bago pa man kami makapunta ng kusina ay nagsalita na naman si Symon.

"At sinong may sabi sayo na pwede mong pakainin sa mansyon ko ang babaeng yan na muntik pang makapatay sa fiance ko?" Sabi nya.

Okay..

Husto na yon.

Bumitaw ako sa hawak ni Genie sa braso ko. At papunta na sana ako sa hagdan ng mapansin ko si Harry.

"Harry! Mag-impake ka! Aalis na tayo rito sa mansyon ni Symon!! Bilisan mo!" Sigaw ko kay Harry na agad rin namang tumayo.

At tumaas na kami ng kwarto saka nag-impake.

Ito yata ang gusto ni Symon. Sige , pagbibigyan ko sya.

×××

"Ellaine, hindi nyo naman kelangan umalis. Akin rin ang mansyon na 'to. Hindi lang ito kay kuya." Nagmamakaawang sabi sakin ni Genie.

Humarap ako sa kanya at niyakap sya.

"Genie.. Salamat sa lahat. Salamat.. Pero kelangan na rin naming umalis dito kase mas mabuti ng malayo ako kesa naman lagi kong maririnig ang masasamang salita ng kuya mo." Sabi ko naman sa kanya.

Huminga sya ng malalim.
"Hay. Kung ganon. Hintayin nyo ako.."
Sabi nya at mabilis na nawala.

Naghintay namn kami ni Symon.
Mabilis din naman na nakabalik si Genie.
At may dala syang maleta.

Kumunot ang noo ko.
"San ka naman pupunta?"

"Sasama ako sa inyo." Nakangiting sabi nya.
"Ha? Genie hindi pwede.. Baka mas lalo pang magalit ang kuya mo." Sabi ko naman.

"Wala akong pake. Tara na." Sabi nya at nauna ng maglakad.

Napabuntong hininga na lang ako. Kulit talaga ng isang 'to.

"Genie! Hindi ka pedeng umalis ng mansyong 'to! Hayaan mo na nga sila!" Napahinto kami dahil sa sigaw ni Symon.

Humarap kami sa kanya.

"Alam mo kuya? Hindi ko alam kung bakit ganyan ka! Hindi ko alam kung anong tumatakbo dyan sa isip mo! Sana lang ay hindi mo pagsisihan yang ginagawa mo!" Sabi naman ni Genie at nauna ng umalis.

Tumingin ako kay Symon. Tumingin rin sya sakin ng seryoso. Ako na lang ang unang umiwas at sumunod narin kay Genie na kasama na pala si Harry. Bale, nahuli ako ng sunod sa kanila.

×××

"Hays. San tayo pupunta nyan? Nakakainis lang kase wala pa tayong nakikitang bahay. Malayo pa yata tayo sa bayan e. Madilim na. Pano na?" Nag-aalalang sabi ko sa dalawa.

"Hindi ko rin alam." Sagot naman ni Genie.

"Genie, diba may power speed kayong mga bampira?" Tanong ni Harry kay Gen. Wow naman! Wala ng ate e. Tsk. Walang hiya talaga 'tong kapatid ko.

"Oo. Meron, kaso bawal kong gamitin yun dito. Dahil mararamdaman yon ng kalaban namin. Atsaka, iisipin nilang sinugod ko sila. Mahirap na. Baka madamay pa kayo." Sabi naman nya.

Tumango na lang ako.
"Pero posible parin ba nila tayong saktan ngayon?" Tanong ko.

"Oo. Posible yon. Lalo na at nakabantay lang sila ngayon sa malayo habang pinagmamasdan tayo. Nararamdaman ko 'yun." Sabi ni Genie na nakapagpataas ng balahibo ko. Shocks!

"Aish! Genie, wag ka ngang magbiro ng ganyan!" Suway ko sa kanya.

"Di ako nagbibiro Ellaine. May mga bampira talagang kahit wala naman tayong intensyon na sugudin sila ay sasaktan parin nila tayo kahit wala tayong ginagawang masama sa kanila." Sabi naman nya.

Nakaramdam ako ng takot.

"Tara na nga. Pagpatuloy na lang natin ang paglalakad." Sabi ko at naglakad na.
Sumunod naman sila.

Tanging ilaw lang sa flashlight ang nagsisilbing liwanag namin sa daan.
Habang patagal ng patagal ay lalong dumidilim ang paligid. Hays. Wala kaming sasakyan dahil siguradong hindi rin naman papayag si Symon.

"Anlakas naman ng loob nyong maglakad sa gitna ng gubat na ito ng ganito kadilim?"

Napatigil kami sa paglalakad. Inilawan ko ang taong nasa harapan namin. Tatlo sila. Puro lalaki. At masasabi kong wala silang magagawang matino.
Nakaramdam ako ng takot ng makita ko ang pangil at namumula nilang mga mata. Bampira..

Humarang si Genie sa may harapan ko. Bale, nasa likuran ako ni Genie habang nasa likuran ko naman si Harry.

"Hindi kami naghahanap ng gulo kaya paraanin nyo kami." Mahinahon ngunit matapang na sabi ni Genie.

Nakailaw parin sa kanila ang flashlight ng cellphone ko.

"Scott.." Sabi nung nasa gitna at ngumisi. Naglabas sya ng kutsilyo at alam ko na ang gagawin nya kaya mabilis akong humarang sa harapan ni Genie.

"ELLAINE!/ATE!"

Naramdaman ko na lang ang unti-unting paglagpas ng kutsilyo sa tiyan ko.

At unti-unti rin akong nanghina sabay napabagsak sa kalsada.

Ito na ba ang katapusan ko? ...








**************************************************************************************

-LonelySilent [AteVam]

Loving The Vampire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon