Kabanata : 18 - Mysterious

8.6K 193 2
                                    

Tuesday..

"Hmmm." Daing ko ng mag-unat ako ng braso. Akala nyo kung ano na no? HAHAHAHA. Okay.. Stop na.. OA na si ako -_-.

Tiningnan ko yung bintana. Anlakas ng ulan. May bagyo ba?

Tumayo na ako mula sa kama at saka lumabas ng kwarto.

Pagkababa ko ay nakita kong nasa sala sina Harry, Genie at Symon. Nakaupo sila sa sofa. Tiningnan ko ang wallclock. Hala! 9 AM na pala.
Lumapit ako sa kanila.

"Huy! Late na late na pala. Bat di nyo ako ginising? Tsaka bakit di kayo nakauniform?" Panic na sabi ko.

"Ate.. Walang pasok.. You see? Anlakas ng ulan sa labas. Kase nga may bagyo.." Sabi naman ni Harry.

"Ay? Ganun ba? Eh bat kayo nandyan? May hinihintay ba kayo?" Curious na tanong ko kase para silang may hinihintay.

"Hinihintay namin sina mommy at daddy. Pupunta daw sila dito ngayon.." Sabi naman ni Genie.
"Ha? Pero may bagyo. Makakarating ba sila?" Kunot-noong tanong ko.

"Tsk. Mag-isip ka nga. May kapangyarihan sila kaya naman kaya nilang pumunta dito in just a snap.." Nakabusangot na sabi ni Symon sakin.
"Aba aba! Para namang pinaparating mo na tanga ako!" Nakangusong sabi ko at nagcross arms.

"Bakit hindi ba?" Bulong nya pero narinig ko naman.

Dinampot ko yung unan na nasa likod ni Harry at binato ko kay Symon. Sapul sa mukha nya.

Tiningnan nya ako ng masama.

"O ano! Sino bang nagsimula!?" Sigaw ko sa kanya.

Magsasalita pa sana sya ng...

"Hey! What's up guys!?"

Napatingin ako sa may pinto at nakita ang parents nina Symon at Genie.
Si Tito pala ang nagsalita.

"Nagbabangayan po sina ate Ellaine at kuya Symon.." Sagot naman ni Harry.
Sinamaan ko sya ng tingin. Sumbungerong bata!

"Ba't naman kayo nag-aaway?" Napatingin ako kay Tita.

"Ahm.. Nang-aasar po kase.." Mahinang sambit ko.

"Symon.. Bakit mo naman inaasar si Ellaine?" Tanong naman ni Tita kay Symon.

"Ma..di ko sya inaasar ah. Medyo may pagkatanga rin sya minsan.." Walang emosyong sabi naman ni Symon.

Kung nakakamatay lang ang tingin malamang siguro ay sobrang saya ko ngayon. Dahil mapapatay ko ang hambog na bampirang si Symon!

"Symon! Watch your words." Saway naman ni Tita sa kanya.
Huh! Buti naman!

Nakasimangot na ako ngayon. Buwisit kase si Harry. Nagsumbong pa!

"Ahm.. Tita , Tito.. Aakyat po muna ako sa taas.." Paalam ko sa kanila.

Tumango naman sila sakin.

***

Tumingin ako sa wallclock! Shocks! Kaya naman pala ramdam ko na ang kalam ng tiyan ko ay dahil 3 pm na pala ng hapon. Ba't naman di ako ginising nina Harry.
Napanguso tuloy ako. Mga buwisit e!
Nakatulog kasi ako ulit kanina nung umakyat ako dito sa kwarto at ngayon lang ulit nagising.

Bumangon na ako at lumabas ng kwarto.

Pagbaba ko ng hagdan ay tahimik.
Umuulan parin ng malakas sa labas. Hays. Nakakatakot ang pagkulog at pagkidlat e.

Pumunta ako ng kusina at wala rin sila.
Nasan kaya sila?
Sobrang tahimik naman dito. Walang ibang maririnig kundi ang lagaslas ng tubig ulan sa labas. Anlamig pa.
Natatakot tuloy ako.

May nakita akong sticky note sa refrigerator.

Ate,
Tulog mantika ka kaya naman ay di ka na namin sinama na pumunta sa rest house nina kuya Symon.. Meron na kaming iniwan na pagkain dyan.. Uuwi rin naman agad kami.. :)

-Harry

Humaba ang nguso ko.. Aish! Bakit kase nakatulog ako ng mahaba e! Kainis! Wala tuloy akong kasama ngayon!

Umupo ako sa silya at tiningnan ang pagkain sa mesa na may takip.

Adobo. At may kanin na rin.

Agad ko namang kinain ito. Shocks! Gutom na talaga si ako!

Nakailang rounds din ako nang kain.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako sa sala.

Umupo ako at binuhay ang T.V

Hays! Wala namang magandang palabas.

No choice. Papanuorin ko na lang kahit hindi naman maganda.

***

6 pm na pero wala parin sila. Natatakot na talaga ako. Literal. Gabi na rin kase tapos mag-isa pa ako dito sa mansyon. Kelaki-laking bahay nento. Baka mamaya, may multo pala dito. Shocks!

Humiga ako sa mahabang sofa at nanood ng T.V.

Hays. Dapat pala di na lang ako natulog ulit kanina.
Edi sana ay nakasama pa ako sa kanila.

Boring! Kasora.

Tumayo na ako ng makaramdam ulit ng gutom. Buti na lang at may natira pang ulam.

Pagkapunta ko sa kusina ay kumain na ako.

After kong kumain ay hinugasan ko na yung mga hugasin..

Pagkatapos ay pumunta na ulit ako sa sala. Anlakas parin ng ulan. Hay! Nakakatakot na talaga.

Humiga ulit ako sa sofa at nanuod ng T.V.

Kinuha ko ang remote at nilipat ng nilipat ang channel. Putek! Walang magandang palabas e.

Pinatay ko ang T.V at pinikit ang mata ko.

***

Naalimpungatan ako ng may marinig akong doorbell sa may gate.
Baka sina Symon na yun.

Dali-dali na akong bumangon at mabilis na kinuha ang payong at binuksan ang pinto.

Naglakad ako papuntang gate at binuksan ko ang gate.

Nakaramdam ako ng kaba ng makitang walang tao.

Isasara ko na sana ang gate ng may matigas na bagay ang tumama sa ulo ko. And everything went black.








*******************************************
-LonelySilent

Loving The Vampire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon