Special Chapter 2

10.9K 262 50
                                    


Ellaine's POV

"Aish. Symon naman e! Tumigil ka nga dyan baka may makakita sa'tin e!" Suway ko kay Symon dahil kanina pa nya ako hinahalikan sa batok. Nakakakiliti kaya.

"Pagbigyan mo na kase ako." Husky ang boses na sabi nya.

"Uy! Tumigil ka nga dyan. Wala na nga tayong pahinga kagabi e."

"Eee! Bilis na kasi!" Parang batang sabi nya.

Natawa naman ako.
Humarap ako sa kanya.

"Tumigil ka nga dyan. Kita mo namang nagluluto ako e." Sabi ko at hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya gamit ang dalawa kong kamay.

Nagulat ako ng halikan nya ako sa labi. Pilit ko naman siyang nilalayo sa'kin pero angkulit talaga nitong asawa KO! Yes! Asawa ko na siya. Hihihi.

"Mom, dad? What are you doing?"

Naitulak ko ng medyo malakas si Symon kaya napalayo sya sa akin. Nagpout pa ang bruho! Aba.

Tumingin ako sa anak naming si Syrick. Buhat buhat nya ang bunso nyang kapatid na si Saddie.
Grade 5 na si Syrick at 8 months old baby naman ang bunso namin.

"Ahm, W-were just p-playing." Palusot ko.

"Playing? Is that a new game, mommy?" Tanong ulit ni Syrick. Shocks! How can I explain this?

"N-no! I mean, this game is just for adults only." Nauutal na paliwanag ko.

Tiningnan ko si Symon at nakita kong nagpipigil siya ng tawa.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman nagseryoso sya agad. Buwisit na lalaking 'to. Dapat nga ay siya ang nageexplain dito e.

"Mom, just tell Syrick that you and daddy were kissing." Singit naman ng anak naming si Serene at umupo sa tabi ng lamesa saka kumuha ng apple.

"Kissing? Oh! Alam ko yan mommy! Ang kiss daw ay para lang sa mga taong nagmamahalan. So, you both love each other, right!?" Masayang sabi ni Syrick.

"Yes baby boy!" Agree naman ni Symon sa kanya.

Tiningnan ko si Serene.
"Where's your brother?" Tanong ko sa kanya. She just shrugged her shoulders habang kumakain parin ng mansanas.

"Hey Symon, nasan ang panganay natin?" Tanong ko kay Symon.

"Baka may ginagawa sa kwarto nya." Sagot naman nya.

"Serene! Bantayan mo yang niluluto ko ha? Malapit na ring maluto yan kaya patayin mo na maya-maya. Tatawagin ko lang ang kuya nyo." Tumango lang naman si Serene.

7 years na kaming kasal ni Symon at meron na kaming apat na anak ngayon. Si Serene (pangalawa sa panganay), Saddie (bunso), Syrick (Pangatlo), at ang panganay naman ay si Sage.

Masaya naman ang naging pamumuhay namin nitong mga lumipas na pitong taon.

Nang makarating na ako sa tapat ng kwarto ni Sage ay kumatok muna ako.

"Sage, kakain na tayo. Open this door for me." Sabi ko matapos kong kumatok.

Agad rin namang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang gulo-gulo pang buhok ng panganay namin habang walang pantaas na damit. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Magbihis ka kung ayaw mong itapon ko lahat ng mga damit na meron ka dyan. Sage naman! Anong silbi nyang mga magaganda mong damit kung hindi mo susuotin? Kung ayaw mo ng damit, sana sinabi mo nang hindi na kita ibili pa!" Sermon ko sakanya.

"Mom, easy ka lang dyan. Magbibihis na nga po ako e." Sabi nya at mabilis rin na nakapagbihis. Vampire Speed.

"Tara na." Sabi ko at hinila na siya papuntang dining area.

Nakita ko namang inihahanda na ni Serene ang mga pagkaing aalmusalin namin ngayong umaga.

Pagkalapit namin ay kinuha ko si Saddie sa pagkakabuhat ni Syrick at dinala ko siya sa crib saka binigyan ng laruan.

Umupo na ako at umupo na rin sila.
Nakauniform na si Syrick at Serene.

Napatingin ako kay Sage.
"Sage, wala ka bang pasok ngayon?"
Takang tanong ko.

"Meron po." Sagot naman nya.

"O e bakit hindi ka pa nakabihis?"

"Mabilis ko nang magagawa yun mommy. Kaya chillax ka lang dyan mom." Sabi naman ni Sage.

Sinamaan ko siya ng tingin.
"Chillax ka dyan! Magmula nang lumabas na yang kapangyarihan mo. May pachillax ka nang nalalaman dyan ha!"

Tinawanan lang naman ako ni Sage.

"Mom, pwede na bang kumain?" Tanong ni Serene.

"Hep! Magdasal muna tayo. Sino nang magdadasal?" Tanong ko sa kanila.

"Ako po, mommy!" Taas kamay na sabi ni Syrick.

Nakangiti naman akong tumango.

After magdasal ni Syrick ay nagkanya-kanya nang kuha ng pagkain. Di rin mawawala ang inumin ng mga bampirang tulad namin. Fresh blood. Galing naman ito sa mga hayop e. Hindi namin pinapakialaman ang mga dugo ng mga tao. Ipinagbabawal ang bagay na 'yon.

At ngayong ako na ang Reyna at si Symon na ang hari ay kami na ang nagbibigay sa kanila ng mga dapat at hindi dapat gawin. Kusa nang nagbitiw sa posisyon ang hari at reyna na ama at ina nina Genie at Symon dahil gusto naman daw nilang magawa ang mga bagay na gusto nila na walang inaalala.

Matapos naming kumain ay inihatid na namin sa labas ng bahay namin ang mga bata.

"Bye mom, dad." Sabi ni Serene.

Kiniss naman nya kami sa cheeks.

"Bye mommy, bye daddy!" Sabi naman ni Syrick.

Umupo naman kami para mapantayan siya. Kiniss rin nya kami sa pisngi namin ni Symon.

"Alis na rin ako, mom, dad." Sabi naman ni Sage.

Tumayo na rin kami ni Symon.
"Sage, wala bang kiss dyan?" Sabi ko kay Sage.

"Mom!" Nahihiyang usal ni Sage.

"Bakit? Samantalang dati, ikaw pa ang gustong-gustong humalik sa pisngi ko. Tapos ngayon, ayaw mo na?" May himig pagtatampong sabi ko.

"Aish. Okay fine." Sabi naman ni Sage at mabilis na hinalikan ako sa pisngi.

Napangiti ako.

"Ingat kayo." Sabi ko sa kanila.

Sabay-sabay namang ngumisi sina Sage, Serene at Syrick.
"Ingat sila samin." Sabi naman ni Serene.

Napailing na lang ako. Wala na talaga akong magagawa sa mga ugali ng mga yan. May iba-iba silang characteristic e.

Si Serene, may maganda at malaanghel na mukha. Pero isa syang matapang at babaeng iba mag-isip.

Si Syrick, matalinong bata. Bata palang siya ngayon pero marami na siyang alam na iba-iba. Syempre, gwapo rin yan katulad ng ama.

Si Sage, syempre gwapo rin 'to. Ang panganay namin. Meron din siyang pinakamalakas na kapangyarihan.

May iba-iba talaga silang kapangyarihan at katalinuhan.

At si Saddie, ang 8 months beautiful babygirl namin.

Niyakap ko si Symon.

"I love you Symon." Sabi ko sa kanya habang nakatayo kami dito sa may pintuan.

"I love you too, Ellaine."
At niyakap nya rin ako ng mahigpit.

Hindi perpekto ang buhay kaya alam kong marami pang problemang dadating sa'min. Pero sisiguruhin naming lahat ng yon ay malalampasan namin.










End.











-LonelySilent [AteVam]

😘

Loving The Vampire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon