Kabanata : 15 - Parents

10K 224 4
                                    

"Uyy! Ellaine naman eh! Sabihin mo na kase sakin kung anong sinabi sayo ni Harry!"

Kanina pa ako pinipilit ni Genie na sabihin sa kanya yung sinabi sakin kagabi ni Harry. At dahil sabado ngayon kaya nandito lang kami sa mansyon, nakatambay.

"Yoko." Sabi ko sabay ngisi. "Eehh! Naman Ellaine! Sabihin mo na!" Pagpilit nya parin sakin. Napailing na lang ako sa kakulitan ni Genie
"Gusto mo ba talagang malaman?" Tanong ko.
"Oo." Seryosong sagot nya.

Tapos sinabi ko lahat sa kanya.

"O yan. Alam mo na ang dahilan nya?" Sabi ko.

"Pero. Alam ko naman yon. Hay. Hihintayin ko na lang dumating ang panahon na nasa tamang edad na sya." Malungkot na sabi nya.
Tinapik ko na lang ang balikat nya.
"Alam mo Genie, lahat nagbabago kaya malay mo? Di mo talaga gusto ang kapatid ko. At hindi ka rin gusto ng kapatid ko. Malay mo? Puppy love lang yan." Bitter na sabi ko.

"Bitter mo teh!" Ungos na sabi nya sabay walk out.
Napatawa na lang ako.

Naglakad ako papuntang garden. Pagkarating ko dun ay nakita kong nakaupo si Symon at nakatingin sa mga roses. Hmm? Ako lang ang gumagawa ng ganyang scene ah? Gaya-gaya! Hmp!
Hahaha.

Umupo ako sa upuan na kaharap nung sa kanya.

"Problem?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya.
"Nothing." Sagot nya at tumingin sakin.

"May gusto ang kapatid ko sa kapatid mo? Right?" Sabi nya.
Napatawa ako.
"Yes. Nakakatawa nga eh." Sabi ko.

Kumunot ang noo nya.
"What's funny?"

"Ang bata pa kasi ni Harry. He's just 15 years old. Kaya nakakatawang isipin na nagkagusto sa kanya si Genie." Sabi ko naman.

Napailing sya.
"Di mo dapat pinagtatawanan ang ganung bagay Ellaine. Love is a serious matter." Sabi nya at tumayo saka mabilis na nawala. Bampirapower. Tsk.

"Ano namang problema sa sinabi ko?" Takang bulong ko.

Weird talaga ng mga tao I mean bampira.

***

"Ate san ka pupunta?" Takang tanong ni Harry habang nakakunot pa ng noo.

"Sa impyerno." Asar na sabi ko.

"Beastmode ka ate?" Tanong nya.

"Dami mong tanong. Aalis lang ako sandali." Sabi ko at naglakad na palabas ng pinto ng mansyon.

Gusto ko munang pumunta ng park. Naiinis kasi ako kay Symon. Kanina kasi after naming mag-usap ay umalis sya diba? Tapos nagkita kami sa may kitchen. Kinakausap ko sya pero parang walang naririnig. Nakakabuwisit.
Tapos si Genie naman, ewan ko kung san pumunta yun.

Ng makalabas ng mansyon ay naglakad naman ako papuntang gate.

Pagkalabas ko ng gate ay naglakad na ako palayo.

Puro puno. Shocks! Wala yatang park dito. Pano yan?

Ang ending? Nakaupo lang ako sa labas ng gate. Kainis! Ba't ba kasi ang layo ng bayan dito? Tss. Wala pang mga kapitbahay. Nag-iisa lang tong mansyon.

"Anong gagawin ko? Wala man lang kasing dumadaan na taxi or tricycle man lang. Kainis!" Inis na sabi ko sa sarili ko.

"Tss. Ba't pa kasi aalis?"

Napatingin ako sa kanya at inirapan sya.

"O? Tapos ngayon ay kakausapin mo naman ako?" Naiinis na sabi ko kay Symon.

"Masama ba?"

"Arrgh! Umalis ka nga dito! Lalo mo lang akong binubuwisit!" Sigaw ko sa kanya.

"Okay." Sabi nya saka pumasok ng gate.

"Napakamasunurin naman nun!? Asar!" Gigil na sabi ko.

***

Kanina pa ako nakatunganga dito sa harap ng gate habang nakaupo.
Para na akong baliw na naliligaw. Tsk.

Natatakot naman akong maglakad kung puro gubat ang dadaanan ko. Baka may mga ibang masasamang bampira na bigla na lang akong patayin. Kung bampira sina Genie at Symon. Malamang meron ding iba pang bampira.
At baka masasama ang mga 'yon.

Bumuntong hininga ako saka tumayo. Di na lang ako aalis. Ilang oras na rin akong nakatunganga dito.

Binuksan ko ang gate at naglakad na papuntang mansyon.

Pagkarating ko sa pintuan ng mansyon ay binuksan ko na ito.

Malapit na ako sa sala ng may marinig akong nagtatawanan.

Pagkarating ko dun ay may isang magandang babae at gwapong lalaki na kausap sina Genie at Symon tsaka si Harry na tahimik lang.

Tumingin sakin yung magandang babae na grabe makakapit kay Symon. Tss. Sino naman kaya 'to?
Si Symon naman ay halatang masaya. Tsk!

"O iha. Ikaw ba si Ellaine?" Tanong nya sakin habang nakangiti.

At dahil mabait ako ay ngumiti rin ako kahit gusto ko syang irapan.

"Opo." Sabi ko naman.
Wala akong pakialam kung magmukha syang matanda dahil sa "opo" ko.

Ngumiti sya.
"Maupo ka iha."

Naupo naman ako sa tabi ni Harry.

Tumingin sakin yung magandang babae. Wew. Paulit-ulit ako.

"Ako nga pala ang mommy nina Genie at Symon. Nice to meet you Ellaine." Sabi nya na kinalaki ng mata ko.

"S-seryos po?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Oo iha. Ako. At ito namang katabi ko ay ang daddy nilang dalawa." Sabi nya saka tinuro yung gwapong lalaki.

OMG! Mukha silang binata at dalaga.

"A-ahm ganun po ba. Hehe. Nice to meet you po." Nahihiyang sabi ko atsaka tumungo.

"Naku. Wag kang mahiya samin."
Tumunghay ako at nakangiti sya.

Ngumiti na lang din ako.

***

Nakipagkuwentuhan sakin si Tita Gina na mommy nina Symon at Genie kanina at sobrang bait nya.

Tapos si Tito Syrus naman ay nakipagkuwentuhan kina Harry, Symon at Genie.
Mabait rin sya.

Tapod kanina rin ay umalis na rin sila.
Ngayon ay nakahiga na ako sa kama.

"Mabait sila." Bulong ko at napangiti. Saka ko pinikit ang mga mata ko at nakatulog.

Loving The Vampire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon