Kabanata 40 - Enemy no. 1

7.3K 196 9
                                    


Symon's POV

Naalala ko yung nangyari kahapon. Kung paanong ginamit nya ang malakas na kapangyarihang nagmula sa mga kamay nya. Nakita ko lahat. Nakita ko na napakalakas ni Ellaine.

Nung umalis sya kahapon sa kumpanya ay sinundan ko sya hanggang sa tumigil sya dahil may humarang na limang lalaki na bampira. Nalaman kong bampira sila dahil mabilis silang nakaharang sa kotse ni Ellaine. Bababa na sana ako sa kotse ko nang makita kong bumaba na si Ellaine at walang takot na hinarap ang limang bampira. Dahil don ay pinigilan ko na lang ang sarili ko na puntahan sya.

Malayo ako sa kanila kaya hindi nila alam na nandoon ako.

Nang hindi ko makita kung anong ginagawa nila ay bumaba ako sa kotse ko at pumunta sa pwesto kung saan malayo sa kanila pero nakikita ko parin sila at naririnig. Bampira ako kaya matalas ang pandinig ko.

At doon, nakita ko ang lahat ng nangyari. Oo, alam ko ng bampira sya pero hindi ko naman alam na ganoon pala sya kalakas. Hindi ako makapaniwala.

"Hey.. Mukhang malalim yata ang iniisip mo?"

Napatingin ako sa bagong dating na si Hannah pala. Lumapit sya sa'kin at hahalikan sana ako sa labi ng umiwas ako.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.

Nandito ako ngayon sa office ko sa school na pagmamay-ari namin. Nagkunyari akong nag-aayos ng mga papel na nasa lamesa ko.

"Symon.. Pwede mo ba akong samahang magshopping?" Maarteng turan nya habang nakangiti.

"Can't you see? I'm busy Hannah."

Bigla namang nagbago ang expression nya at napalitan ng galit ang mga ngiti nya.

Ibinagsak nya ang dalawa nyang kamay sa lamesa ko.
"You know what!? Simula nang bumalik yung babaeng yon ay hindi mo na ako sinasamahan at pinagbibigyan sa mga gusto ko! I will kill that bitch!" Galit na sigaw nya at pumula na rin ang mga mata nya.

Malamig ang mga matang tiningnan ko sya.
"Go on. Kill her if you can."

"Ofcourse I can! At pag napatay ko sya! Papakasalan mo ako!" May determinasyong sabi nya.

Napangisi ako.
"Sure. I will marry you when you succeed in killing her."

Pagkatapos nun ay taas noo syang umalis ng office ko.

Alam kong hindi nya mapapatay si Ellaine. Kaya nang protektahan ni Ellaine ang sarili nya. Dahil sa nakita ko kahapon ay siguradong hindi sya mapapatay ni Hannah.

Napailing na lang ako sa kahibangan ng kababata ko. Nagsisisi tuloy ako na naging kaclose ko sya nung bata kami.
Kaya nyang pumatay para lang makuha ako. She is too greedy when it comes to me.

Dati, lagi ko syang kinakampihan kahit alam ko namang mali sya. Dahil ayokong nasasaktan sya kapag hindi ko sya kinakampihan pero kung alam ko lang na magiging ganyan sya edi sana ay hindi ko sya kinampihan sa lahat ng bagay noon. Pero iba na ngayon, hindi ko na hahayaang makontrol nya ako.

Sumandal ako sa swivel chair ko at ipinikit ko ang mga mata ko.

I did not know that this situation would have been so difficult.

___

Ellaine's POV

Malapit na.. Alam kong naghahanda na sila. Naghahanda na silang patayin at ubusin kami. But I will not let that happen.

Malapit na ang katapusang mangyayari sa kanila.

Siguro ay nagtataka kayo kung bakit magkakaroon ng labanan sa pagitan namin nung pinuno nung mga bampirang nakaharap ko kahapon.

May kapangyarihang pinag-aagawan. Kapangyarihan na pamumunuan ang lahat ng mga bampira.

At ako? Ako ang nasabi sa propesiya na papatay sa amo ng mga bampirang aking nakaharap kahapon.
Kahit ako ay hindi makapaniwalang sa makabagong panahon na ito ay may propesiya pa palang nauuso? Sinabi nila lahat sa akin nung pumunta ako ng States. At yun din ang dahilan kung bakit noon pa man ay gusto na akong patayin ng mortal naming kaaway.

Pero hindi sya nagtagumpay. At siguradong gumagawa sila ng paraan ngayon para baguhin ang nasabi sa propesiya. Gagawin talaga nila ang lahat para lang mapamunuan nila ang mga bampira.

Natatawa nga ako sa kanila. Kase bakit pa nila susubukan akong talunin kung wala na naman talaga silang pag-asa?
Para lang silang mga baliw.

Pero bago yun ay may kailangan muna akong ayusin na kailangan ko talagang gawin.

"Hello, Ms. Ford."

Napatingin ako sa may pinto nitong office. Inirapan ko sya. Charles Buendia. Do you still remember him? Sya yung lalaking ang pinag-usapan namin ay eskwelahan.

"Napakagalang mo talaga e no? Kakatok lang di pa magawa." Sarcastic na sabi ko.

Napakamot sya sa batok nya at tuloy-tuloy na umupo pa sa sofa na meron dito sa loob ng office ko.

Sinamaan ko sya ng tingin.
"Wag ka ngang feeling close! Tumayo ka dyan sa sofa ko at sabihin mo na kung anong kailangan mo!"

"Wala naman akong kailangan. Maayos naman ang nangyayari sa eskwelahan. Masaya ang mga estudyante. Gusto ko lang pumasyal at dito ko naisipang pumunta.hehe." sabi nya habang nakaupo parin sa sofa ko.

Kung nakakamatay lang ang tingin. Malamang ay patay na siya ngayon
"Umalis ka rito kung ayaw mong mapatay kita dyan mismo sa kinauupuan mo." Matalim ang tingin na sabi ko sa kanya.

"Sabi ko nga e aalis na ako. Hehe. Sorry sa abala." Sabi nya at mabilis na nakatakbo palabas ng office ko.

Pasalamat sya at maganda ang kalooban nya dahil dun sa pinakiusap nyang paaralan para sa mga bata kung hindi baka napatay ko na sya dahil sa kakulitan nya.
Feeling close e. Di naman kami close nun. Tss -_-

Itinalikod ko ang swivel chair ko at iniharap sa glass window. Kita ko ang labas na puro buildings.

Alam kong hindi magiging madali ang mga sitwasyong mangyayari.










××××××××××××××××××××××××××××××××××××

-LonelySilent

×AYRESH🌷×

Una sa lahat at hindi sa huli, maraming-maraming salamat sa mga wattpaders na nanotice itong story ko. Ansaya ko ngayon dahil itong story na 'to ay pang #77 in VAMPIRE ngayon!
Date : September 26, 2017!
Thank you po sa mga nabasa na ito at sa mga magbabasa pa nito. Thank you rin po sa mga wattpaders na isinama ito sa reading lists nila! At maraming salamat din po sa mga nagvote gaya nina ate EXOsehunnielover98 at si ate JenaidaTumanggong at iba pa... Thank you po sa pagvote dito sa story ko at pagbibigay ng advice sakin. Thank you po! At sa mga magvovote pa! Maraming-maraming salamat po! :)
Nakakatuwa po dahil napasama ang story na ito sa ranking. Thank you po sa lahat.♥
Kaya pipilitin ko pong makapagupdate lagi hanggang sa matapos ko po ito! Sana po ay wag kayong magsawa sa pagsuporta!

Love,
LonelySilent ♥

Loving The Vampire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon