Kabanata 9

11.4K 268 3
                                    



Wala namang gaanong nangyare kahapon. Isang normal na araw lang para sa estudyanteng katulad namin. Buti na lang at hindi nababa ang grades namin ni Harry. Di ko na alam ang gagawin ko kung pati ang scholarship ay mawala samin.

Nandito kami sa isa sa mga benches dito sa field. Kasama ko si Genie. Sobrang init ngayon kaya ayaw ni Genie na maggala. Martes ngayon pero wala na kaming klase dahil may meeting ang mga teachers so, tumambay muna kami dito.

Nakakapagtaka lang 'tong si Genie kase nakajacket syang itim na may hood. At nakasunglasses. Tinanong ko sya kanina kung bakit ganun yung outfit nya. Sabi nya lang ay ayaw nyang umitim. Grabe lang! Init-init na nga tapos ganun pa suot. Nakaleather gloves pa na itim rin. At ang malala. Nakapayong pa sya. Di ko talaga alam ang trip nya.

Ang pagkakakilala ko kay Genie ay laging nasa uso ang suot. At may good taste sya pagdating sa fashion. Nakakapagtaka lang na sobrang baduy nya ngayon.

Pede namang payong lang ang gamitin para di maarawan diba?
Weird.

"Ellaine!"

Napatingin ako kay Genie ng tawagin nya ang pangalan ko.

"Kung makatawag ka naman dyan! Uy! Magkatabi lang kaya tayo."

"Ehehehe. Sorna agad. Kase naman tulala ka dyan." Sabi nya.

"Nako. Ikaw naman kase! Bakit ba naman ganyan ang suot mo!" Sermon ko sa kanya.

Andami na kayang tumitingin sa kanya dito. Kung di ko lang 'to kaibigan jusme! Baka nilayuan at iniwan ko na 'to dito. Nakakahiya kaya. Hahaha.

"Nukaba naman. Ayoko ngang maarawan eh." Sabi nya at nagpout pa ang loka.

"Besh. OA naman kase masyado yang outfit mo." Kunot noong sagot ko.

"Eh kase naman ehh! Soon. Malalaman mo rin." Parang batang sabi nya.

"Soon soon ka pang nalalaman dyan! Tara na nga. Umuwi na lang tayo." Sabi ko at tumayo na.

"Uuwi lang pero walang tayo." Sabi nya.

Sinamaan ko sya ng tingin. Nagpeace sign naman sya. Hugot pa!

"Tara na nga! Hugot hugot pa eh!" Sabi ko at hinila na sya.

Binuksan nya muna ang payong tsaka kami umalis na sa field para pumunta ng parking.

Pagkarating namin sa parking ay pumasok agad si Genie ng kotse. Wow! Halatang ayaw talagang maarawan eh.
Pumasok narin ako sa loob ng kotse.

Hinubad naman agad ni Genie ang jacket na suot nya. Himalang hindi sya pinawisan.

Buti na lang at may aircon 'tong kotse. Atleast hindi na mainit.

***

Nang makarating kami dito sa mansyon ay agad naman kaming bumaba.

Asusual , wala pa si Harry.
Sabi naman sakin ni Genie na ipapasundo na lang daw mamaya si Harry.

Pumasok na kami sa loob at nadatnan namin ang kuya ni Genie na nakaupo sa sofa. Tumingin sya sakin kaya naman umiwas agad ako ng tingin. Naalala ko tuloy yung senaryo nung lunes ng madaling araw. Nakakahiya parin.

Tumingin ako kay Genie.

"Ahm Genie. Akyat lang ako sa kwarto. Magbibihis lang ako." Paalam ko.

Tumango naman sya. Kaya dali-dali akong umakyat at pumasok sa kwarto pagkarating ko.

Binagsak ko ang sarili ko sa kama at tumingin sa kisame.

"Pano ko ihahandle ang bagay na 'to? Bakit naman kase tiningnan ko pa ang abs nya?" Sabi ko sa sarili ko.

Napabuntong hininga na lang ako.

Tumayo na ako para magpalit ng uniform ko.

Pagkapalit ko ay humiga ulit ako sa kama. Kinuha ko ang phone ko at tinext si Harry na susunduin na lang sya ng driver nina Genie. Sabi ko rin na magtext sya pag uwian na nila.

Pinatong ko ang phone ko sa table na katabi nitong kama. Pagkatapos niyakap ko ang unan. Hays. Sarap ng ganto. Yung tahimik lang.

Toktok

Napatingin ako sa pinto.

Tumayo ako at pinagbuksan ng pinto yung kumakatok. Bumilis ang pintig ng puso ko ng malaman ko kung sino.

"Symon." Mahinang sambit ko.

Seryoso lang syang nakatingin sakin.

Pumasok sya sa kwarto ng walang sinasabi. At umupo sya sa kama ko.

"Eh? What are you doing here? Do you need something?" Tanong ko.

"Nothing. I just want to see you." Sabi nya na kinabigla ko.

Gusto nya akong makita? OMG! Gusto akong makita ng crush ko!

"Ah. Hehe. Okay."

***


Isang oras na ang nakakalipas at wala kaming ibang ginawa ni Symon kundi ang magtitigan. Or should I say na wala syang ibang ginawa kundi titigan lang ako. Mygoodness! Bakit ba ako nagkagusto sa weirdong 'to??

"Ahm Symon? Ano ba talagang gagawin mo dito?" Tanong ko na. Nakakainis naman kase.

Di ako makapaniwalang tinitigan nya lang ako sa loob ng isang oras. Mygosh!

Nakatayo kaya ako kaya nakakangalay. Sya naman ay nakaupo parin.

"Bye." Sabi nya at tumayo tapos lumabas ng kwarto.

Nakatingin lang ako sa pinto na ngayon ay nakasara na paglabas nya.

Wow! Just wow! Napakaweirdo ng isang 'yon. Parang si Genie lang kanina.
Nako! Magkapatid nga sila!
Grabe langs!

***

Nang magtext si Harry ay agad akong bumaba para sabihin kay Genie. Agad naman nyang pinapunta yung driver nila.

Hinanap ko si Symon pero wala sya. San kaya nagpunta yon?
Hnm.

Maya-maya pa ay dumating na rin si Harry.

"Hi ate." Sabi nya at kiniss ang cheeks ko na kinagulat ko.

Wow! First time!

Tumingin ako kay Harry na naglalakad na paakyat sa kwarto nya.

Ano kayang nakain nun at hinalikan ako sa pisngi. Baka narealize na dapat syang maging sweet sakin. Hahaha.

Umakyat na lang ako sa kwarto ko at nagpasyang matulog.

Loving The Vampire [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon