KYLE'S POV
Kung kelan naman patapos na. Dun pa ako binigyan ng POV ni otor.
(ay bakit kyle may reklamo ka? Kung bawiin ko nalang kaya?)
Ay di na po otor! Nagbibiro lang naman ako eh. Love you otor!
(Sus! Kung di ka lang gwapo eh. HAHAHAHA)
After sumayaw nila Unicca, nagdecide kami nila JK na puntahan siya sa Dance Studio nila.
"Darren punta muna tayo sa cafeteria. Nagugutom ako eh" -Keren
Tsk. Ang arte.
"Edi pumunta ka dun magisa. Daming alam" bulong ni AC. Natawa naman ako sa sinabi ni AC. Ako lang kasi nakarinig eh.
"May sinasabi ka AC?" tanong ni Keren kay AC.
"Wala. Sige na Darren pumunta na kayo. Baka kasi ano pang magawa ko sa babaeng yan eh" -AC
Ohhh! That's my girllll!! Bumili na din kami ng pagkain at inumin bago pumuntang Dance Studio. Alam naming pagod si Unicca eh. Nagpaiwan naman si Keren at Darren sa cafeteria.
Pagkarating namin ng Dance Studio
"aaaaahhhhhhhhh!!!"
Ano kayang ingay yun? Tinignan namin kung saan banda nanggagaling yung ingay.
"Oh my God! Uniqueeee!" tumakbo si Ylona papunta kay Unique. Sumunod naman kami pati na rin yung mga kagrupo niya.
"What happened?" tanong ko
"Nabigla ata yung paa niya. Idala na natin siya sa Clinic" -Marc Neil
"Kami nalang magdadala sa kanya" tumango naman si Marc Neil.
Binuhat ko si Unique agad at pinunta siya sa Clinic. Bigla naming nakasalubong si Darren at Keren.
"Oh bro. What happened to Cyrich?" nagaalalang tanong ni Darren
"Yung paa niya bro. Di ko alam. Ipupunta ko siya sa clinic. Sumama ka nalang" sabi ko
Sumunod naman agad sakin si Darren. Hindi na sumama si Keren. Masakit daw ang paa. Tsk. Lame reason. Pagkarating namin ng clinic, hiniga ko siya agad sa bed.
"Anong nangyare?" tanong ng nurse
"Nainjured po yung paa niya after the competition bigla nalang daw pong sumakit"
Chineck naman nung nurse yung paa niya.
"Much better kung idala niyo nalang siya sa ospital. Kulang ang gamit dito" -Nurse
"Sige po Nurse cha thank you po"
"Kyle pakitawagan yung driver namin. Tapos itext mo nalang sila Ylona. Sumunod nalang sa ospital." binigay naman ni Darren phone niya.
Si Darren na ang nagbuhat kay Unicca. If I know may gusto talaga tong Darren na to kay Unicca eh. Hay ako talaga. Wala paring malay si Unicca. Hay. Makulit din kasi to eh. sinabi ng 1 month and a half ang pahinga pero nagpasaway pa rin hays.
UNIQUE'S POV
Pagkamulat ko puti lang nakikita ko sa paligid ko. Nasa langit naba ko? Noooooo!! Iginalaw ko yung kamay ko.
"Cyrich? Gising kana pala"
Familiar yung boses niya. Di ako pwedeng magkamali. Si Darren yun. Siya lang naman ang nagtatawag sakin ng Cyrich.
"Anong ginagawa ko dito? Anong nangyare?" tanong ko kay Darren
"Pagkatapos ng competition niyo, bumalik kayo sa Dance Studio tapos bigla ka nalang daw sumigaw at nahimatay. Pinunta kapa namin sa clinic pero sabi ng nurse much better kung sa ospital ka nalang namin dalhin kaya ka nandito ngayon" pagpapaliwanag ni Darren
Hays. This is all my fault. Kung di kasi naging pasaway, edi sana hindi ito nangyare.
"Kasalanan ko to" bulong ko
"Pasaway ka kasi Cy eh. Diba sabi ng doctor noon 1 month and a half mo ipapahinga yang paa mo? Tapos ngayon 1 month palang, sumayaw kana. Tapos ang lalala pa ng stunts mo. Naku talaga. Tss" Sabi ni Darren
Ano bang pakialam niya? Bat ganyan siya umasta? Tatay ko ba siya? Tsk!
"Eh sa gusto ko ng sumayaw eh. Nahihiya na ko sa mga kagrupo ko kasi di na ko nakasayaw nung audition" pagdepensa ko. Napa tss na naman siya dahil sa sagot ko.
"Bat mag isa mo lang nagbabantay sakin dito? Nasaan sila?"
"Lumabas sila. Kumain. Sabi itake-out'an nalang tayo. gutom ka na ba?" Umiling lang ako. Yoko kausapin si Darren ngayon.
After 30 minutes dumating na din sila AC.
"Oh Unicca. Gising kana pala. Kamusta? Masakit paba paa mo?" tanong ni JK
"Medyo nalang. di na gaano" sagot ko kay JK
"Buti nalang sinundan ka namin agad sa Dance Studio. Kung hindi, di namin agad mababalitaan yung nangyare. Tsk." sabi ni Kyle
"Sorry na guys. Di na mauulit promise"
Konting makatahimikan.
"Guys may sasabihin ako" pagbasag ni Ethan sa katahimikan. Napatingin naman sa kanya lahat.
"Ano yun Ethan?" -Jayce
"May plano kasi ako next week, since wala naman na tayong exam. Gusto ko sana makapagenjoy naman tayo after ng hell week" -Ethan
"So what are we gonna do?" -AC
May nilabas si Ethan sa pocket niya.
"Oh myyyyyyyy!!!! STAR CITY TICKEEEEEETS!!!" sabi ni Ylona with matching patalon talon pa
"Yeah. So sa mga celebrities naming mga kaibigan-" -Ethan
"Makacelebrities naman to" Binatukan ni Kyle si Ethan
"Hahahaha. Anong gusto niyo? Oh sige. Kyle, Ylona, AC, Darren and JK. May mallshow, tour or guestings ba kayo next week?" -Ethan
"Wala. Puro school kami until next month"-JK
"Pero pano si ate Unique?" -AC
"Magaling na ko nun ano ba kayo. Di naman ako baldado. Pilay lang to"
"Sabagay" -Jayce
"So tutuloy tayo? Yeeey! Ngayon lang ulit ako pupunta sa star city emegeeeed" sabi ko
I'm so excited!!! Sana di masira yung araw ko non.
------PLEASE DON'T FORGET TO CLICK THE STAR BUTTON
YOU ARE READING
I fell inlove with a fangirl (A Darren Espanto Story) (COMPLETED)
FanfictionThere's a lot of fangirls that idolizes me. I know that fangirling is never easy that's why I was so shocked when my career gets boom! Look! I don't wanna be famous for the fame. I wanna be famous so I can meet other people. Yes, I'm a singer, dance...