DARREN'S POV
I checked my phone, tinignan ko kung may text from Cyrich pero wala. Okay lang kaya siya?
"So how did you know na favorite ni Darren ang cupcakes?" Tanong ni Kyle kay Keren.
Nandito pa nga pala kami sa Secret Room at eto naka hot seat na agad si Keren. Hehe. Kawawa naman. But more na nagtatanong sila sa kanya, the more ko siyang nakikilala. And as expected, ang taong nagbibigay sakin ng cupcakes has a good heart. Hindi naman niya magagawa yun kung hindi galing sa puso niya right?
"Actually, hindi ko talaga alam. I just love baking. Matagal ko nang gusto bigyan si Darren kaso sa daming nagbibigay ng gifts sa kanya, I doubt na mapansin niya pa yung sakin"
Yeah. She's right. Maraming nagbibigay sakin ng cupcakes. Hindi ko paba nasabi? Well now you know.
"But it turns out na sayo yung napansin ko" I smiled at her.
"Oww. Ang sweet naman. Mukhang may namumuong bagong relasyon ah?" Pang-aasar ni Kyle sa amin
"Ikaw ba talaga yung gumawa ng cupcakes?" Tanong ni JK ng may seryosong tono.
Napatingin kami lahat bigla kay JK. Kanina pa kasi siya tahimik kaya nagulat kami kasi bigla siyang nagtanong ng ganyan.
"Y-yes, ako nga. You don't believe me?" Sabi ni Keren
"Well, madaling sabihin na ikaw nga yung gumawa. What's your proof?" Sagot naman sa kanya ni JK
"TAMA! Nasan yung proof mo na ikaw nga?" Dagdag pa ni Ethan
Inawat ko naman agad yung dalawa.
"JK, Ethan please stop!"
"I don't know kung bakit ayaw niyong maniwala sakin pero wala akong kailangan patunayan sa inyo" sagot ni Keren sa kanila.
"Okay if you say so" tumayo si JK
"Hihintayin nalang namin na ipagbake mo ulit kami ng cupcakes. Alis muna ako at matutulog bye" dagdag ni JK
Lumabas ng Secret room si JK. Anong meron dun?
"Darren, hindi ba ako welcome dito?" Tanong sa akin ni Keren
She looked down
"Ha? Oh no. Don't think that way. Wag mong intindihin yun. Ganun lang talaga siya pag hindi masyadong maganda araw niya. Mamaya magsosorry din sayo yun" pagchecheer up ko kay Keren
"Oo nga Keren. Ayos lang yun!" Kyle said
"So, tikman niyo yung cupcakes na bake ni Keren" nilapag ko sa table yung cupcakes and kumuha sila isa-isa.
"Ang sarap ha." Aniya kyle
"Oo nga. Kaso parang may kalasa siya" pagtataka ni Ethan
"Saan ka natuto Keren?" Tanong naman ni Jayce
"Uhm. Nag-aral lang ako mag-isa"
"Wow. Natural talent mo pala yan" sabi ni Jayce sabay bulong kay AC
"Sabi nga nila, a way to a man's heart is through his stomach. No wonder napansin ka ni Darren" dagdag pa ni Kyle
Bigla nalang sumigaw si AC
"Ah!!" Napatingin kaming lahat kay AC.
"AC are you alright?" Tanong ni Kyle sa kanya
"Ah, hehe yes. I'm fine. May naalala lang ako bigla"
"Oo nga pala, maalala ko din. Nung una talaga akala ko si Unicca ang nagbibigay ng cupcakes sayo" sabi ni Kyle sa akin
"Me too, knowing that Unicca loves baking and stuff" pag sang-ayon naman ni Jayce habang nakatingin kay AC. I smiled.
Kahit naman ako. I thought it was Cyrch. And how I wish na si Cyrich nga yun. Kaso bakit naman niya gagawin yun? I love Cyrich eversince kaso I doubt na may nararamdaman din siya para sa akin. Ayoko namang lumayo siya kaya hindi ako umaamin. Nung may nagbibigay ng cupcakes sakin, akala ko siya na yun, but I was wrong. Oo. Ako si DARREN ESPANTO. Pero hindi naman lahat ng bagay pwede kong makuha. Sikat nga ako pero tao parin naman ako.
Well. I guess I need to move on. I have Keren right now. Baka matulungan niya ko. I need to forget Unicca Cyrich Garcia.
-------
A/N: hello pows! 😂😂 so how's the flow of story? Mas gumanda po ba or bumaduy? HAHAHAHAHA. Thank you for voting my story pows!BTW I need names! A boy and a girl. Full name po ha. Just comment belooooooow. Thank you pows!
PLEASE DON'T FORGET TO CLICK THE STAR BUTTON. THANK YOU SO MUCH!!
YOU ARE READING
I fell inlove with a fangirl (A Darren Espanto Story) (COMPLETED)
FanfictionThere's a lot of fangirls that idolizes me. I know that fangirling is never easy that's why I was so shocked when my career gets boom! Look! I don't wanna be famous for the fame. I wanna be famous so I can meet other people. Yes, I'm a singer, dance...