Villamor Air Base
NANINIBAGO talaga si Junie na wala siyang flight ng araw na iyun. Parang hindi siya sanay na hindi lumilipad araw-araw. Although Linggo nga naman at karamihan ay nagpapahinga-- pero alam niyang kung nasa Cotabato lang siya, o kaya ay sa Zamboanga- tiyak na maaga pa lang ay naka-ready na siyang magpalipad ng military helicopter. Walang holiday at weekend kapag nasa Mindanao siya. As a combat pilot ay on-call siya 24 hoursa day. Pero dahil sa Metro Manila na siya naka-assign ngayon, biglang nag-iba ang routine niya. And he is trying his best na maka-cope sa city life.
Katatapos lang niyang mag-lunch at hindi siya makapag-decide kung matutulog na lang or lalabas para manood ng sine. Wala naman siyang kasamang umalis dahil wala siyang girlfriend. Two years na din siyang single.
"Congratulations! Bihira sa showbiz ang tumatagal ng 25 years. Pero kayo-- parang newly-weds pa rin until now!"
Napatingin si Junie sa may tv area. Kasalukuyang nanonood ng isang talk show ang ilang piloto na kasama niya sa barracks. Gusto niyang matawa. Hindi man lang action movie or crime and mystery ang pinapanood ng mga kasama. Talagang showbiz talk show!
"Tell me-- ano ba ang sekreto ng masaya at successful marriage ninyo?" tanong ng tv host sa kanyang guests.
"Uy, bok, wala ka bang lakad?" tanong ni Zack na nakaupo sa sofa at nagtetext pero nanonood din ng tv. Piloto din ang lalake at naging classmate niya sa PMA. Lumapit siya kay Zack at umupo sa tabi nito.
"Wala. Gusto ko sanang manood ng sine. Ano, gusto mong sumama?"
"May formula ba na puwede ninyong i-share sa mga nanonood?"
"Naku bok, maraming tao ngayon. Linggo!" sagot ni Zack na nasa cellphone ang atensyon. "Maganda manood kapag tipong Lunes or kaya Martes para kakaunti ang tao. Siyempre mahirap kapag crowded sa mall. Alam mo na, security risk din."
"Hindi naman puwedeng mag-mall ng weekdays bok. May duty e," sagot niya saka napatingin sa tv screen.
"Sa gabi bok, puwede naman," sagot ni Zack na biglang nagselfie.
"Walang formula. Open lang kami sa isa't isa. No secrets. We see to it na kahit pareho kamingbusy sa showbiz, may time pa rin kami sa family at sa isa't isa," sagot ng lalakeng guest- si Roco Moran. Sikat itong dramatic actor.
"We put God at the center of our relationship. Kahit ang mga anak namin ay ganun din," sagot naman ng babae na dating singer bago naging artista- si AmandaCarlson-Moran.
Kilala ni Junie ang mga artistang nasa screen kahit hindi siya mahilig sa showbiz. Ang mother niya kasi na nasa probinsiya ay mahilig manood ng tv, lalo na teleserye. Kahit hindi siya magtanong ay kinukuwentuhan siya ng mama niya kapag nagbabakasyon.
"Kumusta naman ang anak ninyong si Fonzy? Kelan na siya magpapakasal?" tanong ng tv host na tila nang-iintriga.
"Naku huwag muna siyang mag-asawa! Ang bata pa niya!" mabilis na sagot ni Amanda.
"Bata pa ba ang twenty three? Mag-twenty four na siya, right?" hirit uli ng tv host. "Graduate na si Fonzy and I heard, successful ang business niya. He has a bar and restaurant."
"Sus, hindi na bata ang twenty three oy! Kaya nang gumawa ng bata yan!" komento ng isang piloto na nanonood. Nagtawanan ang iba.
"Masyadong binibeybi bok!" sagot pa ng isa.
"He's just starting," ani Amanda. "I want him to enjoy his life to the fullest."
"Natatakot lang si Amanda na maging lola!" natatawang pahayag ni Roco na inakbayan ang asawa.
"Teka, tanungin natin si Fonzy kung ano ang message niya sa inyong dalawa!" excited na pahayag ng tv host. "Dahil nasa Coron ngayon ang isang team namin para live nating mahingan ng pahayag si Fonzy!"
"What? Kasama nila si Fonzy?" tanong ni Amanda na napatingin sa big screen sa likod niya.
"At kasama din ni Fonzy ang kanyang girlfriend na isang sikat na celebrity stylist!"
"Hi mom... hi dad! Happy anniversary!" Makikita sa screen ang isang guwapo at tisoy na lalake. Na-tshirt ito at naka-shades. Nang tanggalin nito ang shades ay lalo itong gumwapo.
Bored na si Junie sa pinapanood. Tatayo sana siya nang matigilan. Nahagip ng mata niya ang babaeng katabi ni Fonzy kaya napatingin siya ng husto sa screen.
"Thank you anak. Ingat ka diyan," ani Amanda. "I love you, Fonzy!"
"I love you too, mom. I love you dad!"
"Okay lang talaga sa kanila na mag-I love you, I love you sa tv no?" comment na naman ng isang piloto. "Kung ako siguro, ay grabe, nahiya na ako!"
"E kaya nga naging piloto ka at hindi showbiz! Mahiyain ka daw kasi," tukso ni Zack sa kasama nila. Tawanan ang ibang piloto.
"And of course si Vee, baka may message ka sa parents ni Fonzy," wika ng host.
Tila nahihiya ang babaeng katabi ni Fonzy pero ngumiti ito saka nagsalita."Hi Tita Mandy, Tito Roco. Happy wedding anniversary po! More years to come!"
"I know her!" hindi napigilang bulalas ni Junie. "Kilala ko siya!"
Napatingin ang lahat kay Junie. Mapapatingin din si Junie sa lahat ng piloto na nasa tv area ng mga oras na yun.
"Bok, kilala ko din siya," sabi ni Zack. Ipinakita pa nito ang screen ng cellphone dahil tinitingnan pala nito ang social media ng babae. "Siya si Vee. Ayan o."
"No, personal ko siyang kakilala. As in kilala din niya ako." Pero tila hindi kumbinsido ang mga tao.
"Laging ini-interview yan kapag may mga fashion event na kino-cover sa tv. Napanood ko din yan last month," wika ni Lester.
Kay Lester naman napatingin ang lahat- tila bigla silang nagduda!
"Bakit, masama ba kung manood ako ng fashion event?" angal agad ni Lester. "Wala tayong cable dito kaya nagtitiyaga ako kung ano ang palabas!" depensa pa nito.
"Her real name is Nevada," wika ni Junie mayamaya. "Childhood bestfriend ko ang kapatid niya."
"Owwws.Talaga?" Nakatingin si Zack sa kanya. "Baka naman ginu-goodtime mo lang kami bok. Alam mo na, madali kaming maniwala!"
"Pano mo naging childhood bestfriend ang kapatid niyan?" tanong ni Lester. "E di ba sa Mindanao ka lumaki? E taga-dito naman yan sa Metro Manila e."
"Dati bang kadete ang kapatid?" tanong ng isa.
"Hindi." Napaisip siya. "Alam ko nasa abroad."
"E baka naman hindi yan, kamukha lang. Ang ganda niyan e!" si Zack uli. Gusto na niyang batukan ang mistah.
"Siya talaga yan," he insisted. "Hindi ako maaaring magkamali. Naging kapitbahay ko yan dati sa Project 4," aniya.
"O sige, ganito na lang. Para maniwala kami... dalhin mo siya dito!" pahayag ni Lester.
"Ano?!" nabigla siya sa narinig.
"Oo nga. Dalhin mo siya dito bok. Para naman makilala namin."
Gusto sanang magprotesta ni Junie pero nagkaisa ang lahat ng mga pilotong naroroon na papuntahin talaga niya si Vee sa Villamor Air Base. It was the only way para maniwala daw sila. Sising-sisi si Junie kung bakit napadaan pa siya sa tv area kanina. Nagkaroon pa tuloy siya ng problema.
Paano niya mapapapunta sa Villamor Air Base si Nevada? Ang natatandaan niya ay isinumpa siya nito nang huli silang magkita!
Patay. Baka sapakin ako ni Nevada! Sa loob-loob niya.
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: JUNIE
RomanceThe fly boys are back. Meet Junie, one of the Cavaliers and a member of the Philippine Air Force.