Chapter Four

4.3K 170 10
                                    

NAKITA ni Junie na hindi lang gulat si Nevada pagkakita sa kanya. Halatang bad trip ito at mukhang any moment ay kakalmutin siya sa mukha. Like what she did before- when they were kids. Kaya automatic siyang napaatras.


"We're supposed to have dinner," sa wakas ay nasabi niya. "I received a message--"


"What message?!" asik agad nito. "Wala akong message na pinadala sa'yo." Akmang aalis na ang babae pero humarang siya, hawak ang phone while trying to explain.


"I got it from--"


"Clearly a misunderstanding. I never sent any message to you about a dinner. Ni hindi ko alam ang number mo!"


"Yeah but you're here--"


"I'm here to meet a client!"


"But I called--"


Pinutol na naman ni Nevada ang sinasabi niya. Halatang ayaw ng babae na bigyan siya ng chance na makapagsalita man lang.


"I don't care kung sino ang tinawagan mo or kung sino ang tumawag sa'yo. Hindi ikaw ang gusto kong makausap ngayon. Now, will you excuse me?" Hinawi siya ni Nevada para makadaan ito. 


Nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi si Junie dahil sa nangyari. Lalo siyang nakaramdam ng hiya nang makitang nakatingin sa kanya ang ibang kumakain. Napayuko siya at umupo sa table. Wala siyang choice kundi tawagin ang waiter at mag-order ng pagkain para sa sarili niya. Mas nakakahiya naman kung bigla na lang siyang umalis without ordering anything.


Halos di din naman niya nakain ang inorder na carbonara at chicken lollipop kaya pinabalot na lang niya ang mga iyun at inuwi sa barracks. Naabutan pa niya sa may tv area sina Zack at ibang piloto na nanonood ng basketball sa tv. Napatingin sa kanya ang mga kasama nang pumasok siya.


"O, bakit ang aga mo? Akala ko ba may pinuntahan ka?" tanong ni Lester. "Date ba yun?"


"Dinner lang." Feeling niya ay napagod siya sa pag-drive mula sa Manila Ocean Park hanggang sa Villamor Air Base- na kung tutuusin ay halos sampung kilometro lang naman ang distansiya.



"Sino ba ang ka-dinner mo?" tanong ni Zack habang panay ang text nito.


"Wala. Pinsan ko lang," pagdadahilan niya. Hindi siya aamin na pumalpak na naman ang pagkikita nila ni Nevada. Mawawalan na talaga siya ng credibilidad sa mga kasama kapag nagkataon.


"Sinong pinsan?" Usisa naman ni Lester. "Babae o lalake?"


"Lalake." Humakbang na siya patungo sa kuwarto dahil kapag tumagal pa siya, lalo siyang tatanungin ng mga iyun. 


"Ano yang dala mo bok?" tanong ni Zack. Bago pa siya nakasagot ay kinuha na ng mistah niya ang hawak na paper bag. "Uy, pagkain!"

Napailing na lang siya. Hindi lang magaling mag-interrogate ang mga kasama- malakas din talaga ang pang-amoy lalo na sa pagkain!

The Cavaliers: JUNIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon