WHOLE day na wala sa office si Nevada dahil nag-pull out siya ng mga damit from different sponsors and boutiques na gagamitin ng mga models para sa susunod na pictorial ng magazine. Kaya naman almost five na nang makabalik siya sa office. Ganun na lang ang gulat niya nang makasalubong si Freya Benitez sa lobby.
"Vee!" It was too late for her to turn around dahil agad siyang nilapitan ng babae.
"Miss Benitez!" She forced herself to smile bagama't labag sa kalooban niya.
Isang linggo niyang pilit kinalimutan si Freya at ang mga sinabi nito para hindi na niya maisip na may gusto ito kay Junie. But just when she thought na successful siya sa pag-block ng memory niya, eto at nakatayo pa sa mismong harap niya ang babae.
"It's so good to see you!" Niyakap siya ni Freya. It was a warm, friendly hug pero imbes na gumanti siya ng yakap ay tinapik lang niya ito sa likod saka pasimpleng kumalas.
"How are you?" It was the safest thing that she could ask. Alangan namang tanungin niya kung kumusta ang naging date nito with Junie?
"I'm happy. Everything's excellent." Ngumiti si Freya. At ayaw man niyang aminin but the woman radiates a certain kind of glow.
Bumagay sa babae ang suot nitong long sleeves polo na puti na tinernuhan ng fitting na maong pants at white stiletto. May bitbit itong limited edition na light pink Louis Vitton bag. Naka-bun naman ang mahaba nitong buhok kaya kita ang stud earrings nito.
Simple but elegant. Yun ang tawag niya sa ganung style. Napansin niyang hindi maburluloy si Freya unlike the other socialites na kilala niya. Maging ang make-up ng babae ay natural look lang din.
Ganyan kaya ang type ni Junie, di niya napigilan ang sarili. Pero naisip niyang halos pareho lang din sila ng style ni Freya. Hindi din siya mahilig magsuot ng mga flashy na damit at mga alahas. Natural look lang din ang gusto niya.
"That's good to know," sagot niya. "And I like your outfit. Bagay sa'yo," aniya.
"Thank you." Ngumiti sa kanya si Freya. "You look nice too."
Napatingin siya sa suot niya. It was wearing black skinny jeans, gray off-shoulders na blouse and black wedge. Gray din ang dala niyang Kate Spade na handbag.
"Salamat," sagot niya.
"By the way, nakita ko na ang mga photos ni Junie. They're all amazing. I can't wait for the billboards to come up!"
"Saan nga pala ang mga location ng billboards?"
"Well, apat ang pinahanda ko initially. Isa sa Guadalupe, isa sa Magallanes-South Super Highway, isa sa may SM North Edsa and one in Quiapo area. Gusto ko ding magpalagay sa may North Luzon Express Way and sa South Luzon Expressway."
"Wow." Nalula siya sa handang ilabas ng kumpanya nina Freya for the campaign of Rugged Feat. Bigla niyang naisip na lalong dadami ang makakakilala kay Junie.
"You know what, why don't you join me for dinner? Para makapagkuwentuhan pa tayo," narinig niyang wika ni Freya.
"Ha? Well... susunduin kasi ako ni... Fonzy. Magdi-dinner kami."
"That's perfect! Magdi-dinner din kami ni Junie. Let's have a double date!"
"What?" Bigla siyang nataranta. Hindi yata niya kayang makipag-double date kay Junie! Baka lalong sumama ang loob niya. "H-huwag na. Nakakahiya naman."
"Nonsense. Anong nakakahiya dun? It's just meal in a nice restaurant."
"Baka kasi---"
"Please Vee. Minsan lang ako mag-request and I won't take no for an answer!" Ikinawit pa ni Freya ang kamay nito sa braso ni Nevada. "Call your boyfriend na and sabihin mong mag-dinner tayong apat."
"Baka mailang lang yun at di pumayag."
"Papayag yun, I'm sure. Tell him ako ang nag-insist."
Tatanggi talaga sana siya pero nakita niya si Shane na palapit sa kanila and mukhang narinig nito ang inuungot ni Freya. Sumenyas sa kanya si Shane na mag-yes na. Kaya naman kahit labag sa loob niya ay napilitan siyang umoo.
IT WAS SURREAL. And awkward. Pakiramdam ni Junie ay nasa isang tv show siya at napapanood ang sarili na hindi alam kung ano ang gagawin.
Gusto niyang mainis dahil feeling niya ay na-ambush siya that night. Ang usapan nila ni Freya ay magdi-dinner sila sa Roxas Boulevard pero eto at nasa isang restaurant sila sa Edsa Shangri-La Plaza sila at kasama pa sina Nevada at Fonzy.
Ni hindi na niya halos nalasahan ang mga pagkaing inorder ni Freya. For him, everything tasted bland dahil nawalan talaga siya ng gana.
But out of politeness and respect, hindi na siya nagreact. He acted normal kahit halos manigas na ang panga niya sa kakapigil sa sarili na huwag sumimangot. Pilit niyang kinakalma ang sarili and he felt miserable inside. Nasa harap niya si Nevada pero ibang lalake ang katabi nito at wala siyang magawa.
Clueless naman si Freya sa tabi niya na panay ang kuwento. Hindi naman niya masita ang babae dahil mabait ito at natural na friendly sa lahat. Kahit wala silang relasyon ay nae-enjoy niya ang company nito dahil madaling pakisamahan at hindi maarte. Para nga itong si Mags- sosyal at mayamang version nga lang.
"I'm glad we're having this dinner," narinig niyang wika ni Fonzy. "It's a chance for us to forget the past, move on and start fresh."
Pagtingin niya ay nakita niyang nakatingin sa kanya si Fonzy at nakataas ang wine glass nito.
"Forget the past? Why?" tanong ni Freya. Napatingin ito kay Fonzy. "May nangyari bang hindi maganda in the past?"
Kitang-kita ni Junie na pasimpleng siniko ni Nevada si Fonzy sa tagiliran. Alam niyang nasaktan ang lalake pero ni hindi ito kumurap o nagpahalata.
"Sa amin ni Vee ang ibig kong sabihin. I mean... we had some... issues. But I'm glad we're moving forward," mabilis na paliwanag ni Fonzy kay Freya. "I want to start fresh and since you two are here---"
Biglang kinabahan si Junie nang makitang may inabot sa bulsa si Fonzy. But before he could say anything, muli nang nagsalita ang lalake habang nakatingin ito kay Nevada.
"Kayo ang makaka-witness nitong gagawin ko." Sa isang iglap ay nailabas ng lalake ang isang singsing at inialay kay Nevada. "Vee, please marry me."
"OH MY GOD!" Bulalas ni Freya nang makita ang ginawa ni Fonzy. Napahawak ito sa kamay niya na nakalapag sa may mesa.
Nagmukha tuloy na magka-holding hands silang dalawa sa ibabaw ng mesa! And to his horror, nakita niyang tumango si Nevada.
"Yes," sagot pa nito. Mabilis na isinuot ni Fonzy ang singsing kay Nevada at niyakap ito.
Shocked si Junie! Biglang nanikip ang dibdib niya at feeling niya ay puputok na yun anumang oras!
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: JUNIE
RomanceThe fly boys are back. Meet Junie, one of the Cavaliers and a member of the Philippine Air Force.