Chapter Sixteen

3.8K 168 18
                                    

BAKIT ba ako kinakabahan?  Ramdam ni Nevada na palakas ng palakas ang kabog ng dibdib niya habang papasok sa Villamor Air Base. Parang pagpapawisan siya kahit malakas naman ang aircon ng kotse niya.

Hindi ako dapat kabahan. Si Junie lang yan, ano ba,  she reminded herself. Binagalan niya ang pagda-drive para kalmado na siya kapag bumaba ng kotse later. 

Ang problema, pagpark pa lang niya ng kotse ay agad niyang namataan ang lalake na naglalakad sa di kalayuan. Kasama nito ang bading na make-up artist ng Sparkle Magazine at ang writer na si Apple. Junie was wearing a white V-neck shirt and bukas ang flight suit nito. Naka-shades din ito and kaswal na nagkukuwento kay Apple na halos malaglag na ang panga at mga mata habang nakatanga sa lalake. Na-curious tuloy siya kung ano ba ang sinasabi ni Junie sa writer nila.

Guwapo siya ngayon, in fairness, komento ng traydor niyang isip. Agad niyang sinaway ang sarili na huwag mag-isip ng kung anu-ano.

Hinayaan muna niyang makalayo sina Junie. Then saka siya huminga ng malalim bago bumaba ng kotse.

"Miss Vee?" Nagulat siya nang may tumawag ng pangalan niya. Paglingon niya ay nakita niya ang isang sundalo na may nakalagay na MP sa braso.

Military Police, sa loob-loob niya.

"Yes?" She locked her car.

"Ako po ang mag-escort sa inyo sa standby area ninyo," wika ng sundalo. "Doon po banda, ma'am." Itinuro nito ang direksyon kung saan nagpunta sina Junie.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Nakangiting tanong niya saka sumabay sa military police.

"Na-briefing po kami ni Lt Alfonso kahapon. Pinakita pa po niya ang picture ninyo para alam daw po namin." Bahagyang tumaas ang kilay ni Nevada sa narinig pero tumahimik lang siya. "Saka sabi po ni Sir Junie, huwag na huwag po kayong pababayaan pag dumating."

"Talaga lang ha," nasabi na lang niya.

"Yes ma'am. Ano daw po kasi kayo---" Hindi agad naituloy ng sundalo ang sasabihin kaya napatingin sa kanya si Nevada.

"Ano?" Ayaw niya ng nabibitin!

"Kayo daw po ang VIP sa buhay niya," napangiting wika nito. "Binibiro nga po namin si sir, dahil ngayon lang po siya nagbilin sa amin ng matindi. Mukhang mas mataas pa ang ranko ninyo sa commanding general namin!"

Naubo si Nevada sa sinabi ng sundalo. Pero bakit ganun, kinilig siya?


NAPANGITI si Junie nang makatanggap ng text message. Nasa loob na daw ng air base si Nevada. Tamang-tama. Tapos na niyang kausapin ang writer ng magazine na si Apple na maagang dumating. Ngayon nga ay sabay silang pupunta sa standby area na ini-request ng mga mistah niya para magamit ng mga taga-Sparkle Magazine for the photo shoot. Function hall yun na may katamtamang size, kalimitan nilang ginagamit kapag may briefing or conference. Malapit lang iyun sa flight line kung saan sila nagpapalipad ng mga military aircraft at kung saan sila magpo-photo shoot.

Pero agad na nawala ang ngiti niya nang makita ang loob ng standby area! Hindi lang siya nagulat, bahagya pang napaatras!

"Bok, anong nangyari dito?!" tanong niya agad kay Zack na kampanteng nakaupo malapit sa pinto.

Shocked siya dahil naka-display sa loob ng function hall ang mga pictures niya, citations at kung anu-ano pa! Pati ang mga pictures na hindi pa nakikita ng nanay niya ay naroroon. Tuwing may misyon kasi siya ay kinukunan siya ng pics ng ibang mistah bago lumipad sa battlefield. Ganun din kapag bumabalik from the battlefield.

"Bakit parang may exhibit?! Bakit naka-display ang mga combat pictures ko?! Ano to, may sarili akong Aerospace Museum?"

"Ano ka ba bok, ganyan talaga. If you have it, flaunt it," pabulong na wika ni Zack. "Madami ka naman talagang accomplishments as a combat pilot. It's about time na malaman naman ng iba."

The Cavaliers: JUNIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon