Chapter Five

4.9K 195 32
                                    

NEVADA decided to stay in her parents house for the meantime. At ilang linggo na siyang tumatambay lang doon at hindi lumalabas. Wala siyang ginawa kundi kumain, manood ng fashion and talk shows sa cable at mag-dvd marathon. Lahat na yata ng mga US tv series ay naubos na niyang panoorin. Hindi siya nagbukas ng kahit anong social networking sites sa internet. Nakapatay din ang cellphone niya para hindi siya matawagan ng mga reporters at chismosang gustong makisawsaw sa nangyari sa kanila ni Fonzy. Mabibilang lang sa isang kamay niya ang nakakaalam kung saan ang bahay ng parents niya pati ang kanilang private landline kaya wala talagang nakaistorbo sa kanya. And she's grateful because she was able to relax after what she's been through.



"Tama lang ang ginawa mong pakikipag-break kay Fonzy. And you don't need to explain anything to anyone," wika ng mommy niya one time over breakfast. "Saka ang kapal ng mukha ng Amanda Carlson-Moran na yun nasiraan ka sa lahat ng tao! Hindi siya magaling na artista no! Saka, ano ba ang akala niya sa anak niya, perfect at kandidato para maging santo sa Vatican?"


Natawa siya sa mommy niya kahit papano. Mas ito ang naghihimutok dahil sa nangyari. Lahat na yata ng puwedeng i-comment nito ay nasabi na. Ultimo ang pagpapa-botox ng mommy ni Fonzy ay hindi pinalampas!


"Totoo naman ah. Bakit, sa tingin mo ba, kung hindi yan nagpapa-derma linggo-linggo saka nagpapa-botox, magmumukhang bata pa rin yang si Amanda? Nagkataon lang na artista siya kaya na-maintain ang mukha niya para magmukha pa rin siyang maganda kahit may edad na."


"Hayaan mo na sila. Ang importante, hiniwalayan na nitong anak mo yung lalakeng yun. Mag-move on na lang tayo," sabad naman ng daddy niya na kanina pa nakikinig sa mommy niya habang kumakain.


"Naiinis lang kasi ako kapag naiisip ko yung ginawa nung Amanda dito kay Nevada. Nawalan tuloy ng mga kliyente itong anak mo."


"Okay lang mommy, hayaan mo na," pahayag niya. "At least lumabas ang tunay na ugali ng ibang kliyente ko."


"Mabubuhay ka naman na wala sila," wika ng daddy niya. "It's not as if Isent you to school para lang mamili ka ng mga damit nila. You have a degree in Business Management, kaya may iba ka pang options."


"Pero alam naman po ninyong sa fashion and showbiz ako masaya, dad."


"I know pero tingnan mo naman ang nangyari." Tiningnan siya ng kanyang ama. "The people in that industry are ungrateful."


"Hindi naman po lahat dad, nagkataon lang na marami sa mga clients ko ang kaibigan ng mommy ni Fonzy. Baka naipit din sila."


"Wala kamo silang backbone," nakasimangot na wika ng daddy niya.


"I'll be honest, anak--" sabad ng mommy niya. "I never really liked Fonzy. Polite lang ako at marunong makisama but hindi ko talaga kayo nakikita na magtatagal. Never."


"Akala ko nga ang magiging boyfriend nito e si Fontano Almeda the third," pahayag ng daddy niya."


"Si Tres?" Napataas bigla ang boses niya. "E mas mahaba pa po sa LRT and MRT combined ang listahan ng mga babae ni Tres!"


"Baka noon pa yun. Siyempre, kapag estudyante, mahilig magdate-date yan," depensa ng daddy niya. Anak kasi ng kaibigan nito si Tres. "Ang alam ko, nagre-review na siya sa bar ngayon. Desididong maging abogado."


"I heard from his mother na gusto ng ilang kamag-anak nila na i-groom siTres na pumasok sa pulitika," komento ng mommy niya.


"Mas lalong malabo na maging boyfriend material yung ganun. Chickboy plus politician is a bad combination," wika niya.


The Cavaliers: JUNIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon