Chapter Twenty Six

3.5K 120 12
                                    

"FRANCHESCA Margarita S. Benitez is a New York based fashion designer and socialite from the famous Benitez clan of Northern Luzon. Notable family members and relatives are Ambassador Artemis Benitez (grandfather), Senator Herminia Benitez-Joson (aunt), Shipping magnate Leandro Benitez (father), Hotel owner Trent Benitez, (brother), Philanthropist Rafa Benitez (first cousin) and Tech Genius Lemon Benitez (first cousin).

Tumigil sa pagbabasa sa internet si Zack. Napatingin ito kay Mags na nakaupo sa tabi ni Junie.

"Sigurado kang itong binabasa kong article ay tungkol dun sa babaeng may gusto kay Junie?" tila duda si Zack. Napatingin din ito sa kanya. "Eto ba yun bok?"

Tumango siya. "Brother daw si Trent Benitez. E di yan na nga," wika niya.

Kanina lang niya nakaharap at nakilala si Freya Benitez at ang kapatid nitong si Trent sa pictorial pero bago natapos ang araw ay nasabi na agad sa kanya ng babae na gusto siya nito. Walang pasintabi, walang warning, walang paligoy-ligoy.

"I like you and I want to ask you on a date," wika ni Freya kanina matapos ang kanilang photo shoot.

"Excuse me?" Nagulat siya sa narinig. Nakita niyang nakatingin sa kanila si Nevada na nasa di kalayuan. "Date? As in date?" Sinigurado niyang tama ang pagkakaintindi niya at di siya nag-assume lang.

"Yes, date. Because I'd like to know more about you." Direktang wika ni Freya. "I find you interesting."

"Wow." Yun lang ang nasabi niya. Hindi naman kasi araw-araw na may nag-i-invite sa kanya for a date.

"I'll take it as a yes." Ngumiti ang babae sa kanya. Nahuli niyang nakatingin uli sa kanila si Nevada.

"Okay then." Ngumiti din siya kahit hindi siya sigurado sa desisyon.

Kaya naman mula One McKinkey Place sa BGC hanggang sa makabalik sila sa Villamor Air Base ay panay ang sermon sa kanya ni Mags habang nagda-drive ito.

"Alam mo Junie, marupok ka din e. Niyaya ka lang mag-date, pumayag ka naman agad. Akala ko ba, si Nevada ang gusto mo?" talak sa kanya kanina ng babaeng mistah.

"Siya naman talaga. E kaso nakipagbalikan nga sa boyfriend."

"Sayang naman itong in-effort kong pagbihis at pagdi-display dun. Ang akala ko pa naman ay pagseselosin mo siya. Ikaw naman pala itong tumalon agad sa kabilang ilog!"

"Sa tingin mo ba hindi siya magseselos dun sa Freya kapag nakipag-date ako?"

"So gagamitin mo lang si Freya?"

"Hindi naman." Napailing siya. Sumakit bigla ang batok niya sa kakaisip ng mga pangyayari. "Mukha namang mabait si Freya. Mukha namang okay kausap."

"Okay din namang kausap yung labandera natin sa barracks ah," sarkastikong wika ni Mags. "Ni wala ka pa ngang alam dun sa babae tapos lundag ka kaagad sa date."

"E di i-research natin pagdating sa kampo," wika niya kay Mags.

At yan na nga ngayon ang ginagawa nila-- nagbabasa ng mga articles tungkol kay Freya sa internet!

"Bigatin pala yung Freya, bok," ani Lester. "Nakakalula ang background na pinanggalingan."

"Bakit kaya nagustuhan ka?" Tiningnan siya ni Zack mula ulo hanggang paa then binalingan si Mags. "Bulag ba to?"

"Grabe naman. Nagustuhan lang ako, bulag na kaagad?" angal niya sa mistah. "Hindi ba puwedeng na-impressed siya sa akin?"

"Bok naman, impressive din kami ha!" sabad ni Gibi. "Mga guwapo pa."

"Saka mayayabang," dagdag ni Mags na may binabasa sa iPad nito.

"Puwede ba kaming sumama kapag nag-date kayo?" tanong ni Zack.

"Ayan na naman kayo. Tama na. Huwag na, please. Ako lang muna talaga ang makikipagkita dito."

"So talagang papatulan mo?" tanong ni Lester. "Baka naman psychopath yan ha? Kapag nagalit sayo, baka ipalamon ka sa tigre!"

"Oo nga. Ang mga ganyan kayayaman, kayang bumili ng tigre at leon!" sabad naman ni Garic na nakikibasa sa iPad ni Mags. "O ayan, sabi na nga ba! May sarili silang animal sanctuary o!"

Lahat sila ay napatingin sa binabasa ni Mags. Naroroon nga ang isang article kung saan may private animal park ang mga Benitez sa isang undisclosed location.

"Naku bok, may oras pa para magbago ka ng isip," ani Lester. "Pagpipiyestahan ang katawan mo sa animal park nila kapag nagalit sayo yang Freya!"

"Grabe naman kayo. Hindi naman ako puwedeng umatras dahil nakapag-yes na ako sa date. Saka dinner lang naman yun. Wala naman kaming ibang gagawin. Saka hindi naman ibig sabihin ay magiging kami na agad."

"Bok, huwag mong kalimutang magpagawa ng last will and testament bago ka pumunta sa date nyo ha?" ani Zack.

Natawa siya sa mga sinabi ng mistah niya.


"AYAW mo ba ng pagkain?" narinig niyang tanong ni Fonzy sa kanya. "Puwede nating palitan kung gusto mo."

Pag-angat niya ng tingin ay nakita niyang pinagmamasdan siya ng lalake kaya napilitan siyang ngumiti.

"Sorry, may iniisip lang ako."

"Halata nga," ngumiti si Fonzy saka sumenyas sa waiter na lumapit sa kanila. Humingi ito ng coffee at isang slice ng tiramisu.

Favorite niya ang tiramisu at alam ni Fonzy yun. Kahit papano ay na-touched siya sa ginawa ng lalake. At the same time ay nagi-guilty siya dahil ito ang kasama niya pero si Junie ang naiisip niya.

"How was the photo shoot?" tanong ni Fonzy.

Gusto sana nitong pumunta pero pinakiusapan niyang huwag na. Baka kasi magkagulo na naman bagama't nangako na ang lalake na hindi na mauulit ang nangyari sa Villamor Air Base.

"Okay naman," sagot niya. Pero siya ay hindi okay. Tila naririnig pa rin niya ang boses ni Freya nang sabihin ng babae na gusto nitong maging boyfriend si Junie.

"Ilakad mo ako kay Junie. I want him for real." Yun ang exact words ni Freya sa kanya. Kung hindi lang nila kliyente ang babae ay baka nasupalpal na niya ito.

Anong akala niya, ganun-ganun lang ang makakuha ng boyfriend? Anong akala niya kay Junie, de-lata sa tindahan na puwede niyang bilhin? Nanggigigil na naman siya sa naalala. At kahit papano ay nasaktan siya nang marinig niyang tahasang inimbita ni Freya si Junie!

Pero ang mas masakit ay nang malaman niyang pumayag makipag-date si Junie kay Freya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Dapat kasi ay wala naman talaga siyang pakialam kung sino ang i-date ng lalake but somehow, she felt really betrayed.

Bago umalis si Freya kanina ay muli pa siya nitong nilapitan at niyakap. Ramdam niyang kinikilig ito nang bumulong sa kanya.

"We're going on a date! He said yes to me." Freya giggled like a little girl. "Oh my God, I'm so excited Vee! Kapag nagkatuluyan kami ni Junie, you'll be one of my bridesmaids!"

Right there and then, she wanted to hate Freya, but she couldn't. Sino siya para i-judge ang babaeng in-love?

The Cavaliers: JUNIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon