NATIGILAN si Nevada nang makitang parating si Junie. May kasama itong babae, hindi ang ex na nakita niya sa kampo. Lalong hindi din si Addison na kaibigan ni Dallas. Besides, bumalik na sa LA ang kapatid niya kaninang madaling araw kasama ang mga kaibigan.
Mula sa kinatatayuan ay kitang-kita niya na hinawakan pa ni Junie sa may siko ang babae para alalayan. Pero imbes na humanga siya sa pagiging gentleman ng lalake ay inis ang naramdaman niya.
Sino ba itong binitbit niya dito sa pictorial? For some strange reason ay naiirita siya dahil feeling niya ay lumalabas na ang tunay na kulay ni Junie. Chickboy!
Nakita niyang binati nina Rye at Shane si Junie. Ipinakilala ng lalake ang kasama nito sa dalawa. Nagkunwari siyang busy pero ang totoo ay pasimple niyang tiningnan ang babae.
Naka-shorts ito ng white, powder blue na off-shoulder blouse saka wedge sandals na white. May dala itong maliit na powder blue handbag. Ayaw man niyang aminin pero maganda ang style ng babae- it is something na ipapasuot niya sa mga models nila sa magazine.
Baka model din ito? Saan kaya siya nakilala ni Junie? Curious siya pero hindi niya magawang magtanong dahil baka magmukha siyang interesado!
"Vee, our new endorser is here!" narinig niyang wika ni Shane. Agad siyang nagready ng smile para hindi mahalata na kung anu-ano ang iniisip niya.
"Hello," masigla niyang bati kay Junie. Nagsmile din siya sa babaeng kasama nito. Bakit pamilyar ang itsura niya?
"Hi," narinig niyang sagot ng lalake. His voice sounded flat and cold. Ni hindi siya tiningnan.
"Hi Vee. Kumusta?" Ngumiti sa kanya ang 'babae' ni Junie. Bigla siyang nagtaka kung bakit parang kilala siya nito.
Oh my God. Kinwento kaya ako nitong hudas na ito sa babae niya? Kapag nagkataon ay baka masuntok niya sa mukha si Junie!
"Ako si Mags, remember?" wika ng babae. "Nag-meet na tayo sa Villamor Air Base."
Muli niyang tinitigan ang kasama ni Junie. Ang mga nakilala lang niya sa Villamor Air Base ay ang mga kapwa opisyal ng lalake na puro piloto. Ni wala siyang maalalang female staff or civilian na nakilala.
"Ako yung mistah ni Junie na Air Force din," paalala nito sa kanya. Ngumiti ito kaya saka lang niya narealize kung bakit ito familiar. Ito ang laging kausap noon ng lalake.
"Ikaw pala yun!" Naalala na niya. Ikaw yung kinikindatan ni Junie noong pictorial, gusto niyang idugtong. "Sorry, hindi agad kita nakilala. You look different."
"Hindi kasi ako naka-uniform," ani ni Mags na bahagyang natawa.
"Saan puwedeng magbihis?" sabad ni Junie bago pa siya nakasagot kay Mags. Pormal ito saka ni hindi nakangiti.
"Doon ang wardrobe area," itinuro niya sa lalake ang direction.
"Maganda dito ha." narinig niyang wika ni Mags. It was obvious that the woman was trying to make a conversation. "Ngayon lang ako nakaakyat dito kahit lagi kong nadadaanan."
Nasa pool area sila ng One McKinley Place sila sa BGC. Iyun kasi ang piniling lugar for photo shoot ng client nila.
"Buti pinayagan kayong mag-photo shoot dito."
"Dito gusto ng client. Sa kanila yata ang penthouse."
"Big time yung client ninyo no? Nabasa ko ang background e."
"Pinabasa sa'yo ni Junie?" She was suddenly curious. Mukhang talagang close si Junie kay Mags.
Tumango si Mags. "I read his contract bago siya pumirma. Sabi ko nga magandang opportunity."
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: JUNIE
RomanceThe fly boys are back. Meet Junie, one of the Cavaliers and a member of the Philippine Air Force.