Chapter Fifteen

3.9K 177 17
                                    

"BAKIT AKO?" Nakapameywang si Baby Girl habang nakatingin kina Timmy, Zack at Lester. "Bakit hindi si Ate Mags?" Tumingin ito sa babaeng piloto na nakasalampak sa sofa at nakataas ang mga paa.

"Marami akong flights this week. In demand ako," kaswal na sagot ni Mags habang nagbabasa sa iPad nito. "Besides, walang maniniwala na nag-a-apply akong waitress sa restaurant ng Fonzy na yun. Hello, masyado akong sosyal for that."

"Kung makasabi naman 'to ng sosyal, akala mo naman may built-in na kapang ginto saka korona," pabulong na komento ni Lester. Mayamaya ay tinamaan ito ng dalawang butil ng Boy Bawang sa noo! "Aray, Mags! Ano ba! Kung sa mata tumama yun, e di nabulag na ako!"

Umikot lang ang mga mata ni Mags saka ibinalik ang atensiyon sa pagbabasa. Pero halatang nakikinig pa rin ito sa usapan. Tahimik namang nakatayo sa may pinto si Junie, nag-iisip habang nag-uusap ang mga mistah at si Baby Girl.

"Baby Girl, napag-usapan kasi sa meeting kagabi na dapat may makalapit kay Fonzy, yung di paghihinalaan. Ikaw ang perfect choice," mahinahong paliwanag ni Timmy sa nakababatang kapatid. 

"E bakit kelangan pa akong mag-apply ng trabaho dun? Puwede namang punta-punta lang. Chill-chill, ganun."

"Gusto namin na may naka-plantang espiya dun!" sabad ni Zack. "Para malaman namin kung ano ang mga ginagawa ni Fonzy. Na-research na namin siya. Ayun sa nakuha naming intel, dun talaga siya nakababad sa restaurant niya. Kaya kelangan ang close monitoring!"

"E hindi naman ako spy no!" protesta ni Baby Girl. "Buti sana kung set yan ng Korean drama, kahit libre, magkukumahog akong magtrabaho dun sa ngalan ng mga Oppa."

Binalingan ni Zack si Timmy. "Bok, kung di mo lang kapatid to--"

Humugot muna ng paghinga si Timmy bago nagsalita. "Bibigyan kita ng additional allowance na 200 pesos per day for two weeks."

"Five hundred per day for 2 weeks," sagot ni Baby Girl.

"Holdaper ka ba?" tanong ni Zack.

"E di maghanap kayo ng ibang spy. Akala nyo naman kasi madali. Siyempre kelangan kong umakting ng bongga."

"Feeling artista?" komento ni Lester.

"Ako na ang sasagot ng 300 para 500 per day ka," sabad ni Junie. Napatingin sa kanya ang lahat, pati si Mags.

"Bok, may lagnat ka ba?" tanong ni Lester. "Di ba kuripot ka?"

"Matipid lang ako," sagot niya. "Pero this time, gusto ko ding magkaroon ng closer source of info regarding Fonzy."

"O, okay na tayo ha?" Nakangisi na si Baby Girl. "Bigyan nyo na lang ako ng mga listahan ng gagawin ha? Text nyo na lang ako, may nakaready naman akong resume at credentials."

"Bakit parang feeling ko, nadugasan talaga tayo?" wika ni Zack nang makaalis si Baby Girl. Di pa rin ito maka-move on sa 500 per day na additional allowance!

Natawa si Mags. "Malayo ang mararating niyang si Baby Girl. Magaling mag-negotiate."

"E kung di ko nga lang kapatid yun, baka nakalbo ko na e," wika ni Timmy na natatawa din. "Lakas kumikil bok."

"Pansin ko nga," komento ni Lester. Then binalingan siya nito. "O bok, okay na tayo sa spy ha. Yung plano naman nina Garic ang hintayin natin. Magkausap sila ni Tristan kanina e."

"Ayos na yun," sagot ni Mags. "Nakausap ko na kanina si Daddy. Pina-approve na niya." Retired general sa Air Force ang daddy ni Mags at may cabinet position kaya malakas ito.

Touched si Junie sa effort ng mga mistah. "Mga bok, salamat ha."

"Sus, maliit na bagay bok! Ikaw pa ba? E kapag nagkatuluyan kayo, habang-buhay kaming may fashion stylist," biro ni Lester.

The Cavaliers: JUNIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon