Chapter Twenty Three

3.4K 143 4
                                    

AKALA ni Junie ay madali siyang makakapagpaliwanag kay Nevada. He really thought na kapag nagkita sila uli ng babae ay masasabi niyang  hindi naman talaga siya binabalikan ni Genalyn at maipaliwanag na totoong dinalaw lang siya ng ex-girlfriend. Na kahit makipagbalikan pa sa kanya ang dating nobya ay hindi na siya interesado dahil nga may mahal na siyang iba. Hindi niya na-calculate ng husto ang sitwasyon. Naging kampante siya at naghintay pa ng dalawang araw bago nagpakita kay Nevada. 

But he was too late. At ngayon ay sising-sisi siya. 

Alas kuwatro pa lang ng hapon that day ay nasa lobby na siya ng opisina ng Sparkle Magazine. Dala  niya ang document na may pirma ng military officials na nagpapatunay na pinayagan siyang maging endorser ng isang clothing brand. Excited siyang ibigay yun kay Nevada para matuloy na ang photo shoot at makasama niya ito. Pero kaka-hello pa lang niya sa babae ay dumating na din sa Sparkle Magazine si Fonzy para sunduin si Nevada. Nagkatinginan sila ng lalake. Bago pa lumala ang tensiyon sa lobby ay agad siyang hinila ni Shane patungo sa private office nito. Nakita pa niyang nakaakbay si Fonzy kay Nevada nang lumabas ng office. 

"Break na sila ah! Bakit nakaakbay? Bakit sweet?" Ang sama ng loob niya! 

"She gave him a second chance," paliwanag ni Shane nang makapasok sila sa office. "Kahapon ko lang din nalaman. 

"But why?" Gusto niyang magprotesta pero wala siyang magawa. "Saka kelan pa?"

"I don't know. Bakit hindi mo tanungin si Vee?" 

"Hindi na. Nagdesisyon na pala siya e." 

"You want coffee? Tea?" Umiling siya. 

Ang gusto niyang inumin ngayon ay Red Horse. Yung matapang at naninipa! Yung matutumba na lang siya sa kalasingan at makatulog agad para hindi na niya isipin na naunahan uli siya ni Fonzy. 

"Do you want me to call Tristan?" Narinig niyang tanong uli ni Shane. Tumayo na siya. 

"No. Huwag mo na lang ding sabihin sa kanya 'to."

Hindi sa ayaw niyang makantiyawan kundi mas tamang ayaw na muna niyang pag-usapan pa si Nevada at ang kanyang lovelife. Sa dami ng efforts ng mga mistah niya, tapos nauwi lang sa wala. 

"Baka naman umatras ka dun sa endorsement dahil kay Vee? Please lang Junie, huwag mong idamay ang magazine ha."

Napangiti siya kahit pinipiga ang puso niya sa selos at panghihinayang. "Of course not. May isang salita ako, Shane. Just let me know kung kelan ang photo shoot and I will be there."

Nilapitan siya ni Shane at niyakap. "Thank you, Junie."

"Thank you din." Yun lang at lumabas na siya ng office ni Shane-- diretso hanggang sa labas ng building kung saan naroroon ang kotse niya. 

Pero imbes na magdrive pabalik ng Villamor Air Base ay sa Cubao siya napunta. Nadaanan pa niya ang Camp Aguinaldo and for a split second ay naisip niyang puntahan ang ibang mistah para yayaing uminom. But he decided to drink on his own. Mas gusto niyang makapag-isip. 

Sa isang maliit na inuman sa loob ng Cubao Expo ay nakatatlong bote siya ng beer. Kukuha pa sana uli siya ng isang bote nang magdesisyon na pumunta sa dating neighborhood niya. Dalawang beses pa muna siyang dumaan sa tapat ng bahay nina Nevada para bago naisipang magpark malapit sa bahay nito. Hindi niya alam kung makikita niyang umuwi si Nevada that night but he just wanted to stay there for awhile. 

Bandang alas-nuwebe ng gabi nang makita niyang bumaba ng sasakyan ni Fonzy si Nevada. Agad siyang dumiretso ng upo saka hindi inalis ang mga mata sa kinatatayuan ng babae. Mayamaya ay umalis na ang kotse ni Fonzy at pumasok na din ng gate si Nevada. Agad siyang lumabas ng kotse at tumakbo palapit sa gate. Hindi na siya nag-doorbell- kumatok lang siya at nagbakasakaling marinig yun ni Nevada. Hindi naman siya nabigo dahil agad na bumukas ang gate at bumungad sa kanya ang babae. 

The Cavaliers: JUNIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon