Epilogue

6K 206 21
                                    

ONE YEAR LATER. 


"NEVADA! Andito na ang kapatid mo," tawag ng mommy niya. 

"Hayaan mo siya!" biro niya. Pero mayamaya lang ay lumabas na siya para salubungin ang kapatid. 

"Chewy! Kumusta?" Niyakap siya ng mahigpit ni Dallas. "Na-miss mo ba ang guwapo mong kapatid?"

Hinampas niya ang braso ni Dallas. "Mayabang ka pa din!"

"Hoy, huwag mo akong awayin at may pasalubong ako sa'yo."

Umismid lang siya sabay talikod. "Hmp! Baka kung ano na naman yan!"

"Hindi ano, kundi... sino."

Bigla siyang napalingon sa sinabi ng kapatid. And there he was, standing behind Dallas. 

"Junie!" Halos hindi lumabas ang boses sa lalamunan niya. 

Imbes na sumagot ay niyakap siya ng lalake. Mahigpit na mahigpit. 

"O tama na yan. Tanghaling tapat," reklamo ni Dallas saka hinila si Junie. 

"Teka kuya!!!" angal niya. 

"Aagawan mo na naman ako ng kaibigan e!" biro ni Dallas na binitiwan ang kamay ni Junie.

Sumunod sa kusina ang lalake kaya silang dalawa ni Junie ang naiwan sa sala. 

There was an awkward silence. 

"So---" halos sabay pa nilang nasabi. Pareho din silang natawa. 

"Si... Si Freya, hindi mo kasama?"

"Kasabay namin siya sa flight pero dumiretso sa kanila."

Tumango-tango lang siya then tumahimik uli. 

"Alam mong magkaibigan lang kami ni Freya, di ba?" 

Tumango uli siya. "Sinabi nga niya sa akin."

Another awkward silence. 

"A-alam mo bang... nag-break na kami ni Fonzy?"

Si Junie naman ang tumango. "Sinabi sa akin ni Dallas."

"We broke up after you left for the states."

"Alam ko."

"Bakit hindi mo ako kinontak?"

"May schooling ako e. Hindi ako puwedeng mawala sa focus. Baka kasi kapag nakausap kita, gustuhin kong bumalik sa Pilipinas."

"Ganun ba yun?" Tumango si Junie. "Paano kung pagbalik mo dito e may iba na ako?"

"Liligawan ko na talaga si Freya."

"What?" Nahampas niya sa braso si Junie. "Akala ko ba friends lang kayo?"

"E sabi mo may iba ka na, e di maghahanap na din ako ng iba."

"Wala nga! Hinintay kita ng one year o!" kunwari ay umirap pa siya. 

Nakita niyang ngumiti si Junie. Saka lumapit ito sa kanya. 

"Almost twenty years nga kitang hinintay, hindi naman ako nagreklamo e."

Magsasalita pa sana si Junie pero niyakap na niya ito. 

"Hindi ako nagrereklamo. Kahit matagal pa akong maghintay, basta alam kong babalik ka sa akin, kakayanin ko."

"Sure yan? Di magbabago ang isip mo? Baka naman---"

"Hinding-hindi. Gusto mo, pakasal na tayo bukas e."

"DALLAS!!!" sigaw bigla ni Junie "Nagpropose sa akin si Chewy!!!!" 

Dali-daling napatakbo sa sala si Dallas. "Huwag mong tanggapin! Pahirapan mo!"

"Mommy si kuya!!!!" sigaw din niya. 

Napahalakhak lang si Dallas saka iniwan na uli sila. Niyakap siya ni Junie saka hinalikan. Napapikit siya. She waited for this moment kaya hindi niya napigilan ang maluha. 

"O, ngayon ka pa ba iiyak?"

"Gusto ko ng military wedding ha?" ungot niya kay Junie. 

"Kahit sampung military wedding pa ang ibigay ko sa'yo sa lahat ng kampo!"

Napangiti siya. Muli niyang niyakap si Junie. 

Wala na siyang balak pakawalan pa ang lalakeng ito. 

The Cavaliers: JUNIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon