SHOCKED ang mga mistah ni Junie nang sabihin niyang pupunta siya ng US para mag-schooling.
"Bakit hindi ka kaagad nagsabi? Sana sumabay ako!" reklamo ni Zack.
"Kelan ka nagdesisyon nito? Dahil ba to sa engagement ni Vee?" tanong ni Lester.
"Sabi naman sa'yo, ipatumba na natin yung Fonzy, ayaw mong makinig e." si Garic.
Natawa na lang siya sa iba't ibang reaction ng mga ito. "Last year pa ako nag-apply ng schooling, last week ko lang nalaman na approved na pala."
"Wow, hanep sa timing," komento ni Timmy na hindi kumbinsido. "Bakit wala man lang kaming nabalitaan?"
"Hindi naman kasi ako sigurado kung ma-approve. Nawala na nga sa isip ko nung nandito ako sa Manila. Kung hindi ko pa natanggap ang email, hindi ko pa maaalala."
"Para din ba itong feelings mo kay Vee na bigla na lang ding nawala? Matapos mong ilaban? Matapos ka naming suportahan ng todo?" sumbat ni Lester.
"Mga bok, hayaan na lang natin siya. Alam kong nag-effort kayong lahat and na-appreciate ko yun. Kaso, wala e. Mas pinili pa rin niya talaga yung isa. And I want to respect her decision."
"Oo nga, hayaan nyo na muna si Junie," sabad ni Mags. "Bok, mas mabuti ngang mag-schooling ka na lang muna. Para change of environment. Saka huwag ka na din munang mag-social media para wala kang mabasa or makitang kung ano," suggestion pa nito.
"So kelan ang alis mo?" nakasimangot na tanong ni Zack. Halatang masama pa din ang loob nito.
"Bukas na ng gabi."
"BUKAS??!!!" Halos sabay-sabay na wika ng lahat.
"Potek naman. Paano ang farewell party?" tanong ni Lester.
"Paano ang mga mistah na wala dito sa siyudad? Paano sila makakapunta on such a short notice?" si Timmy.
"Saan tayo mamayang gabi?" tanong ni Gibi. "Para magtext brigade na ako."
"Patay ka kay Drew," ani Zack. Kumunot ang noo niya.
"Bakit daw?"
"E na-seen zone mo yata siya sa group chat nung magtanong kung ikaw ang nasa billboard!"
Nagtawanan ang lahat ng mistah na naroroon sa barracks. Kahit nakangiti, deep inside ay nakaramdam ng lungkot si Junie dahil alam niyang mami-miss niya ang mga mistah kapag nag-schooling na siya sa US.
LUNCH time na nang lumabas ng kuwarto si Nevada. Kung hindi pa siya kinatok ng mommy niya ay hindi pa siya magigising.
"Bakit parang lagi ka na lang puyat?" komento ng mommy niya nang makita siya sa komedor. "Saka parang pumayat ka pa lalo? Di ka naman dating ganyan. Baka naman kung anu-anong diet ang ginagawa mo ha!"
"Hindi po ako nagda-diet. Kumuha kasi ako ng online course at sa gabi ko ginagawa," sagot niya sa ina habang nagtitimpla ng kape.
Totoo namang may kinuha siyang online course- pero yun ay dahil hirap nga siyang matulog sa gabi. Kaya minabuti na niyang maging productive habang napupuyat. Binabawi na lang niya ang tulog sa umaga.
"May iniwan nga pala dito si Junie kahapon. Ibigay ko daw sa'yo."
Natigil sa ere ang hawak niyang coffee mug. Agad siyang napatingin sa ina.
"May pinabigay si Junie? Saan? Kelan?"
"Dumaan siya dito kahapon. E di ko agad nabanggit sayo kasi maaga akong natulog. Pero andiyan sa may console table."
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: JUNIE
RomanceThe fly boys are back. Meet Junie, one of the Cavaliers and a member of the Philippine Air Force.