CHEWBACCA. Yun ang tawag sa kanya noon ng Kuya Dallas niya at ng bestfriend nitong si Junie. While the two took on the roles of Han Solo and Luke Skywalker kapag naglalaro dahil paborito ng dalawa ang Star Wars, siya naman ay ginawang Chewbacca.
Hindi man lang si Princess Leia. Si Chewbacca talaga! Buti sana kung mukha siyang Ewoks or a hairy and blonditang gorilla, baka natanggap pa niya. Pero hindi e. Sure she was a little heavy when she was a kid at aminado siyang there was a time na parang monay ang hugis ng mukha niya at kapag nilagyan ng red dot ang ilong niya ay special siopao na ang peg niya. Pero hindi naman siya mukhang si Chewbacca! Over the top lang talaga manukso ang Kuya Dallas niya at ang sidekick nitong mukhang tutubi- si Junie nga.
Dallas was savage. Kaya siyang paiyakin ng kuya niya by just using his facial expression. Minsan naman ay garapalan siya kung tuksuhin.Tinatawag siya Oompa Loompa, Batchoy or Baby Buddha. Pero hindi niya kayang awayin ang kapatid kaya napunta lahat ng galit niya kay Junie.How she hated him when she was a kid. Lalo na kapag pinupuri ng parents niya at ni Dallas si Junie.
"Wow ang galing naman ni Junie, first honor!" she remembered how her mother beamed at the news and hugged Junie like he was her own child!
"Congratulations hijo, nag-champion ka daw sa taekwondo," bati naman ng daddy niya one time at inakbayan pa si Junie.
Junie and Dallas were on the same soccer team too. At laging nananalo ang team nila sa mga junior leagues kaya laging bida ang dalawa. Samantalang siya ay wala man lang natatanggap na papuri. She was an average unlike Junie na Class Valedictorian nang makatapos ng grade school Kaya naman halos walang pumapansin sa kanya. She was always the third wheel. Lagi siyang extra o salimpusa ng dalawa at masakit yun para sa kanya. At sinabi niya noon sa sarili na hindi na siya magpapaapi sa dalawa! Isinumpa niya sa murang edad na darating ang panahon, sina Dallas at Junie ang maghahabol para makasama siya!
PERO ngayong kaharap na niya si Junie, lahat ng mga gusto niyang isumbat sa lalake ay hindi niya magawa. She couldn't even look at him. For some strange reason ay nako-conscious siya!
"Magpapakasal na kayo?" narinig niyang tanong ni Junie sa kanya.
Hindi siya sumagot kaya si Fonzy ang sumagot para sa kanya. "Well, eventually of course. Okay naman kami ni Vee. Saka tanggap naman ako nina Tito at Tita, di po ba?"
Nakita niyang tumingin si Fonzy sa parents niya. Ngumiti lang ang daddy niya.
"Of course hijo, tanggap ka namin dito. Kain ka pa," wika naman ng mommy niya.
Awkward na talaga ang pakiramdam niya lalo na at alam niyang panay ang sulyap sa kanya ni Junie. Ano bang problema ng lalakeng ito?
He's so weird, as always, sa loob-loob niya.
She pushed her plate at sinabing tapos na siyang kumain. Nang tumayo siya ay nakita niyang tumayo din si Junie. Tumaas ang kilay niya.
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: JUNIE
RomanceThe fly boys are back. Meet Junie, one of the Cavaliers and a member of the Philippine Air Force.