Chapter Eleven

3.6K 154 12
                                    

"BAKIT kayo nakatayo diyan? Nakakaharang kayo sa mga customers, ano ba!"

Napatingin si Junie sa nanita. Eto si Mags, ang babaeng pilot na mistah nila at sa Villamor Air Base din naka-assign. Maganda ito, morena at matalino. Kung tutuusin ay papasa itong model dahil may height at maganda ang built ng katawan pero mas ginusto nitong nagpapalipad ng military aircraft, palibhasa ay galing din sa isang military family kaya sanay nang magsilbi sa bayan. Itinuturing nila itong 'one of the boys' at kaya sila nitong sitahin at sindakin. Gaya ngayon.

"Eto kasing si Junie, biglang tumigil," angal ni Gibi sa kanya.


Pero imbes na sumagot ay muli siyang napatingin sa direksyon nina Nevada. Nangyari na yata ang kinatatakutan niya-- nagkabalikan ang dalawa!

"Di ba break na sila ng jowa niyang yan?" bulong ni Lester. "Napanood ko yung interview dun sa mommy ng lalakeng yan e."

"Break na sila. Pero ewan ko ba dito kay Nevada, luka-luka yata. Bakit tinanggap pa," wika ni Junie na bagama't mahina ang boses ay madiin naman ang pagkakasabi. Halatang bad trip.

"Lapitan natin, bok," suggestion ni Zack.

"Sa taas ang table natin, mga sir. Ano pa ang hinihintay ninyo?" Si Mags uli na tumalikod na para umakyat sa second floor ng restaurant.

Dahan-dahang humakbang si Junie, kasunod ang ibang mistah. Para silang nagpu-prusisyon! Nakita niyang nakatingin sa kanila si Nevada. Siya na mismo ang umiwas ng tingin. Ang problema, nakita na pala siya ni Fonzy!

"Hey, I know you!" Tumayo ang lalake at nilapitan siya. "Junie, right? It's good to see you here, man."

Good ka diyan, bigwasan kita e, sa loob-loob niya. Hindi siya makangiti.

"Vee, it's your brother's bestfriend," baling nito kay Nevada.

Ngumiti ng pilit ang babae kaya tumango lang din siya.

"Join us," wika ni Fonzy. Mukhang sincere naman ang lalake sa pagyaya pero mabigat pa rin ang dugo niya dito,

"Salamat. Pero may birthday dinner dini ang kasama namin sa taas," nasabi na lang niya. "Next time na lang."

"Sige bro. See you."

Kinilabutan siya nang marinig ang 'bro.' Binilisan na lang tuloy niya ang lakad. Sunod din agad ang mga mistah niya.

Pagkaupo pa lang niya sa table na naka-reserve para sa kanila ay sunud-sunod na agad ang tanong sa kanya ng mga mistah.

"Bok, bakit nagkabalikan si Vee saka yung lalakeng yun?" Hindi matahimik si Lester habang kumukuha ng beef steak. "Kung anu-ano ang sinabi nung Amanda tungkol kay Vee sa tv no."

"Friends ba kayo nung lalake bok, bakit parang feeling close?" tanong ni Gibi.

"Hindi naman pala guwapo sa personal," komento ni Zack habang kumakain ng spaghetti. "Mas guwapo ka pa bok, in fairness!"

Kahit naiinis ay napangiti siya. "Yan ang gusto ko sa'yo bok. Talagang may sense of loyalty ka." Nagkatawanan silang magmi-mistah.

Napagkatuwaan na din nilang kantahan ng birthday song si Mags kahit nakapag-umpisa na silang kumain. Matapos ang kantahan ay bigla siyang binalingan ng babae.

"May gusto ka ba dun sa babae sa baba, Junie?" prangkang tanong nito sa kanya.

"Wala ha!" mabilis na pagdeny niya. Kapag may inamin siya, baka maging topic siya sa buong Air Force.

"E bakit parang affected ka kanina nung makita mo? Natigilan ka pa?"

"E kilala ko kasi. Kapatid yun ng kababata ko."

"Iba ang tingin sa'yo e," wika uli ni Mags na tila ayaw paawat!

"Anong iba ang tingin?" Bigla din siyang na-curious.

"Masama daw ang tingin bok, gusto kang ipatumba!" hirit ni Garic na minsan lang magsalita pero malakas makasapol. Nagkatawanan uli ang ibang mistah.

"Parang may something kayo," sagot ni Mags na hindi pinansin ang tawanan. "Iba e."

Di niya napigilang mapangiti. Bakit ganun, bigla siyang nakaramdam ng kilig sa sinabi ni Mags? Lakas maka-young love sweet love ang feeling!

"Something?" kunwari ay kaswal na tanong niya. May something ba talaga sa tingin ni Nevada sa kanya? Baka naman tama si Garic-- gusto siyang itumba ni Nevada dahil hinalikan niya!

"Naging kayo ba dati?" tanong ni Mags na nakatingin sa kanya. Lahat ng mistah sa table ay natahimik at napatingin sa kanya- tila naghihintay ng sagot!

"Hindi. Paano naman magiging kami e mga bata pa kami nung magkasama. Elementary lang kami nun no! Saka nung high school ako, lumipat na kami sa Davao."

"Pero given the chance bok, liligawan mo ba?" tanong ni Gibi. Napatingin uli ang lahat sa kanya.

Napalunok siya. "H-hindi ko alam. Ewan ko."

"Ang corny mo naman bok. Di mo pa din alam sa lagay na yan? Ano ka, 10 years old pa rin?" wika ni Lester na tila naubusan ng pasensiya sa pinapanood na teleserye. "Matic na dapat yan!"

Inakbayan siya ni Zack na nakaupo sa tabi niya. "Bok, wala namang masama kung magsasabi ka sa amin. We are more than blood brothers. Susuportahan ka namin all the way!" Napatingin si Zack sa ibang mistah. "Di ba mga bok?"

"Bok, pag ganyan na medyo matindi ang karibal mo-- dapat mong daanin sa ninja moves," suhestiyon ni Garic.

"Planning and strategy ang kailangan," ani Gibi. "Kelangan nating i-assess ang sitwasyon para alam natin ang solusyon."

"Dapat nga gamitin mo yung mga contacts natin sa intel," wika ni Lester.

"TEKA, TEKA!" awat niya sa mga mistah. "Bakit may planning at strategy pa kayong nalalaman? Saka anong intel? Feelings ang pinag-uusapan dito, hindi misyon!"

Natawa lang si Zack. "E di isipin mo na lang na lang sasabak ka sa combat mission tapos kami ang mga back-up mo... may attack helicopter ka na, may search and rescue helicopter ka pa!"

Nagkatawanan na naman ang mga mistah. Napailing na lang si Junie saka mayamaya ay tumayo.

"O, saan ka pupunta?" tanong ni Mags. "Don't tell me, suko ka na agad?"

"Magsi-CR ako, ano ba?" Natawa na din siya.

Pero agad ding nawala ang ngiti niya pagdating sa CR. Dahil akmang papasok sana siya sa men's restroom ay eksakto namang palabas ng women's restroom si Nevada. Dire-diretso sa paglalakad si Nevada- tila hindi siya nakita. Nilampasan pa siya kaya binalingan niya ito saka biglang hinawakan ang kamay.

"What are you doing?" asik ni Nevada sa kanya. "Bitawan mo nga ang kamay ko!"

"Gusto lang kitang makausap. Bakit mo ba ako iniisnab?"

"E sa ayaw kitang makausap, bakit ba? It's my right not to talk to people."

"Grabe naman to. Dahil ba sa hinalikan kita?" Huli na nang maisip ni Junie ang impact ng kanyang sinabi.

"You kissed her?!"

Pareho silang nagulat nang marinig ang boses ni Fonzy. Hindi nila namalayang nakalapit na pala ito sa kanila ni Nevada at masama ang expression nito!

"Hinalikan mo siya, bok?!" bulalas naman ni Lester na sumunod din pala sa may CR.

"Patay," komento ni Zack na katabi naman nito.

The Cavaliers: JUNIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon