INAKBAYAN ni Zack si Junie habang palabas ito ng barracks.
"O, alam mo na bok kung ano ang gagawin ha?" wika nito sa kanya habang palapit sila sa kotse niya. "Imbitahin mo siya para sa annual gathering ng air force ha?"
"Kakausapin ko pa nga e. Sana pumayag," aniya habang hawak ang susi ng kotse. Sana natatandaan pa ako, sa loob-loob niya.
"Hindi ba talaga kami puwedeng sumama? Wala naman kaming gagawin dito," apela ni Zack. "Para makita din namin ng personal."
"Nakakahiya kasi ako lang ang inimbitahan. Baka magulat sila na dala ko ang buong air force!"
"Pa-picture ka bok!" Paglingon niya ay nakita niyang nakatayo si Lester sa may pinto ng barracks. May dalawa pang piloto na nakikiusyoso din.
"Oo nga. Tama si Lester. Pagbalik mo dito mamaya, dapat may maipakita kang picture ninyong dalawa. Proof or the dinner did not happen," wika ni Zack.
"Kayo na lang kaya ang pumunta?" tanong niya. "Tutal mukhang mas excited pa kayo kesa sa akin."
"Ayos yan... excited ka! Pero huwag kang masyadong magpahalata na excited ka ha? Alam mo na, baka sabihin e easy to get ka bok. Alam mo naman tayong mga pilots... may image tayong dapat i-maintain ha."
Natawa siya sa sinabi ni Zack then napailing na sumakay sa kotse. Alas siyete pa naman ang dinner at alas-singko pa lang ng hapon. He had enough time to drive from Villamor Air Base in Pasay City to Cubao in Quezon City. Okay na sa kanya ang mapaaga, huwag lang ma-late. As a military man, sanay siyang laging on-time, if not early.
SI ATTY Manzanares, ang sumalubong sa kanya pagdating niya sa bahay nina Dallas. Agad niyang napansin ang two extra cars na nasa driveway pagpasok niya. Ibig sabihin ay nasa loob ng bahay si Nevada. Kinabahan siyang bigla pero hindi siya nagpahalata.
"How have you been, hijo? I heard na nasa Air Force ka daw?" tanong sa kanya ni Atty Manzanares habang papasok sila ng bahay. "I'm proud of what you've achieved ha."
"Thank you po." Ngumiti siya sa daddy nina Dallas.
"Junie!" Agad na yumakap sa kanya si Mrs Manzanares. "I'm so happy na nandito ka. Come, nandiyan na si Nevada.."
Dinala siya ni Mrs Manzanares sa dining room saka pinaupo sa tabi ng kabisera kung saan nakapuwesto si Atty Manzanares. Kakahawak pa lang niya ng table napkin nang pumasok si Nevada. Feeling ni Junie ay bahagyang tumigil ang inog ng mundo at nag-slow motion ang lahat. First time nilang magkita uli ni Nevada after so many years. Hindi siya makapaniwalang ito ang batang dati lang ay tinutukso pa niya at inaasar.
Mahaba ang buhok ni Nevada, straight na brown ang kulay at may highlights na light brown. Naka-tshirt lang ito ng white saka naka-maong shorts. For a stylist ay wala itong masyadong burloloy sa katawan. Wala din itong make-up but she was radiant, mas maganda pa kesa nung mapanood niya ito sa tv. Agad na tumayo si Junie para ilahad ang kamay.
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: JUNIE
RomanceThe fly boys are back. Meet Junie, one of the Cavaliers and a member of the Philippine Air Force.