ISANG malakas na suntok sa sikmura ang natanggap ni Junie mula kay Nevada.
"Araykupo!" Napatiklop ang katawan niya sa sakit. "Bakit mo ako sinikmuraan?!" Shocked siyang napatingin sa babae. "Nevada!"
"Anong pinagsasabi mong liligawan mo ako? Pinagtitripan nyo na naman ako ni Dallas no?" singhal nito sa kanya.
And before pa siya makapagsalita ay hinampas uli siya nito ng bitbit na handbag!
"Aray! Masakit, ano ba!" Napaatras siya at automatic na itinaas ang dalawang braso para masalo ang mga hampas nito! "Amasona ka ba?!"
"Akala nyo siguro kagaya pa din ako ng dati na puwede nyong lokohin at paiyakin! Pwes, hindi na ngayon!"
"Nevada, I'm warning you. Tama na!"
"Warning ka diyan! Ganyan naman kayo ni Dallas kahit noon pa! Aasarin nyo ako tapos gagalitin. Tapos paiiyakin!"
Akmang hahampasin uli sana siya ni Nevada pero nahawakan niya ang isang braso nito. Saka niya ito hinapit sa may beywang sabay kabig palapit sa kanya. Magpupumiglas pa sana ang babae at magsasalita kaya wala siyang choice kundi gawin ang alam niyang magpapatahimik dito.
He kissed her.
It lasted 5 seconds but it felt like the world suddenly stopped. Pareho din silang natigilan after the kiss. Actually, pareho silang shocked! Without any word ay tulalang pumasok ng gate nila si Nevada. Siya naman ay halos tulala ding pumasok sa loob ng kotse. Ni hindi niya namalayan kung papano siya nakapag-drive mula sa Quezon City pabalik sa Villamor Air Base sa Pasay dahil iisa lang ang nasa isip niya that time. The kiss.
Oh God. What have I done?
ISANG oras nang nakahiga sa kama si Nevada at nakatunganga sa kisame. Hind ipa rin siya makapaniwalang hinalikan siya ni Junie! Tumatambling tuloy ang mga brain cells niya sa kakaisip!
Bakit niya ginawa yun? Bakit niya ako hinalikan? May gusto ba siya sa akin? Was it just some random thing? Ano bang plano niya?
Feeling niya ay hinahalukay ang tiyan niya sa magkahalong pagtataka at kaba. Ayaw din niyang aminin na may nararamdaman siyang excitement dahil sa nangyari. Mamatay na siya, hinding-hindi siya aamin kahit kanino!
Liligawan daw niya ako? Pero bakit? Wala ba siyang girlfriend? Shit, totoo kaya yun?
Hindi niya talaga alam kung nagsasabi ba ng totoo si Junie. Gusto niya itong tawagan at tanungin pero naiisip niya ang halik. Kaya lalo siyang di mapakali!
Ginu-good time kaya niya ako? Pero wala sa itsura ng lalake na nagbibiro ito.
Mayamaya ay hindi na siya nakatiis. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang kapatid sa America! After three rings ay sumagot din ito.
"Chewy. Anong balita?" bungad agad ni Dallas sa kabilang linya. Halatang inaantok pa ang lalake. After all, 6am pa lang sa California kung saan ito naroroon ngayon.
"Kuya, what did you tell Junie? Inutusan mo ba siya?"
"Inutusang ano? What do you mean?" Inosenteng tanong ng kapatid niya. But she knew her brother too well. He's a prank expert.
"May tinanong siya sa akin kanina and alam kong may kinalaman ka. Baka naman inutusan mo siya na asarin na naman ako."
"What am I, five years old?" angal ni Dallas. "Saka ano bang tinanong niya? Bakit mo nasabing inutusan ko? Chewy, busy akong tao, baka akala mo."
Sa inis ay hindi na niya napigilan ang sarili. "Sinabi niya sa akin na.... na kung--" hindi niya maituloy ang sasabihin.
"NA ANO?!" bulyaw ni Dallas sa kabilang linya. "Pa-suspense kang masyado, kutusan kita e! ANO NGA?!"
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: JUNIE
RomanceThe fly boys are back. Meet Junie, one of the Cavaliers and a member of the Philippine Air Force.