Chapter Thirteen

3.7K 156 7
                                    

KITANG-KITA ni Junie nang yakapin at halikan ni Fonzy si Nevada sa harap ng bahay nito. It was painful to watch but he didn't dare close his eyes nor move his lashes. Baka kasi biglang tangayin si Nevada kapag kumurap siya. 

Gusto na niyang puntahan si Nevada at sumbatan. Bakit ito nakipagbalikan kay Fonzy? Anong meron ang lalake at tinanggap pa rin nito? 

"Di ko na kaya to," narinig niyang wika ni Lester sa likuran. 

"Sugurin na natin bok,' bulong din ni Zack. "Nasasaktan ako para sa'yo."

"Sige, sugurin nyo para kayo naman ang laman ng balita bukas," komento ni Baby Girl sa likod ng kotse. Katabi pa rin nito si Zack. Kampante itong naglalaro ng mobile game sa cellphone. 

Napasimangot si Zack, saka nito tinapik sa unahan si Timmy na nakatingin din sa direksyon nina Nevada. 

"Adopted ba itong si Baby Girl, bok? Isang malaking kontra-nana e. Ibang-iba ang ugali sa'yo." 

"Tado ka bok, baka masapak ka, huwag mo akong sisihin," natawa lang si Timmy. Binalingan nito si Baby Girl sa likod. "Huwag ka na ngang makialam sa diskarte ng mga mistah ko."

"FYI kuya, nakasakay kayong lahat sa kotse ko," kaswal na sagot ni Baby Girl. 

"Magkano ba itong luma mong kotse, bibilhin ko na," sagot ni Zack na gusto nang mapikon. 

"Huwag nga muna kayong maingay, please. Hindi ako makapag-isip ng diretso," nasabi niyang bigla. 

He saw that Fonzy was about to leave. Nang makasakay ito sa kotse at umalis na ay dali-dali niyang kinalas ang seatbelt saka binuksan ang pinto ng beetle car. 

"Bumalik na kayo sa Villamor. Ako na ang bahala dito," aniya saka tumakbo para habulin si Nevada sa may gate. 

Nakita niyang nakapasok na ang babae at isasara na sana nito ang gate nang bigla niya itong tawagin. 

"Nevada!" Kahit hiningal siyang bigla ay wala siyang pakialam. Kahit maubos pa ang lahat ng hangin niya sa katawan. He was just unstoppable. "Mag-usap tayo, please."

"JUNIE?!" Gulat na gulat si Nevada pagkakita sa kanya. "P-paanong---"

Humakbang siya palapit kay Nevada at marahang itinulak ang gate. Sa isang iglap ay magkatapat na sila, halos isang hibla lang ng buhok ang pagitan. 

"Bakit ka nakipagbalikan kay Fonzy? Bakit mo siya tinanggap?"

"Hindi ako nakipagbalikan. We're just friends."

"Kasama na ba sa friendship ngayon ang halikan?" Di niya napigilang manumbat. He sounded childish but he really wanted to know. Saka di pa din siya maka-get over!

"Hinalikan mo nga din ako kahit hindi naman tayo friends!" 

"Ayaw mo kasing maniwala na gusto kitang ligawan."

"Paano ako maniniwala sa'yo? Recently lang tayo uli nagkita after so many years tapos sasabihin mo sa akin na gusto mo akong ligawan? Bakit? Paano nangyari yun?"

"Bakit, impossible ba yun?"

"Junie, hindi ako tanga. Huwag mo naman akong itulad sa ibang babae na puwedeng bolahin dahil basta na lang naniniwala kahit hindi naman totoo!"

"Hindi kita binobola!" 

"Sige nga, bakit mo ako liligawan? Mahal mo ba ako? Ano ang nagustuhan mo sa akin? Alam mo ba kung ano ang paborito kong pagkain? Kung saan ako madalas kumain? Anong nagustuhan mo, yung buhok ko na black or yung may kulay at highlights?"

Hindi agad siya nakasagot sa sunud-sunod na mga tanong ni Nevada. Dahil ang totoo, hindi naman talaga niya alam kung bakit gusto niyang ligawan ang babae! Mismong sarili niya, hindi niya maintindihan!

"See? Your facial expression says it all. You are clueless kung bakit gusto mo akong ligawan or kung ano ang nagustuhan mo sa akin," wika ni Nevada. "Si Fonzy, nanliligaw uli at malinaw ang dahilan niya. Mahal niya ako and he wants me back. Samantalang ikaw, ni hindi mo alam kung gusto mo ba talaga ako or what."

"Bakit, lahat ba ng nararamdaman kailangang may explanation? Kailangan bang i-justify ko kung bakit gusto kita?"

"Siyempre. Paano mo ako makukumbinseng maniwala kung ikaw mismo, walang alam."

Sasagot pa sana siya pero itinaas ni Nevada ang isang kamay nito. 

"Saka mo na lang ako ligawan kung maipapaliwanag mo na," sabi nito. 

Iginiya siya ni Nevada palabas ng gate saka muling pumasok. Isinara ng babae ang gate kaya naiwan siya sa labas. Ni hindi agad siya nakakilos. 


HALOS tumakbo papasok ng bahay si Nevada. She headed straight to the kitchen at mabilis na kumuha ng isang basong tubig. Diretso niyang ininom yun dahil pakiramdam niya ay naubusan siya ng tubig sa katawan. 

Ramdam pa rin niya ang malakas na kabog ng dibdib dahil sa naging usapan nila ni Junie. Ni hindi din siya makapaniwala sa mga nasabi niya sa lalake. Gusto niyang humalakhak. Gusto din niyang magtalukbong ng kumot dahil sa hiya. Minsan kasi, wala ding preno ang bunganga niya. But deep inside ay mas nananaig ang kilig niya dahil mula sa Fort Bonifacio sa Taguig ay sinundan pa siya ni Junie sa Quezon City para lang ulitin ang sinabi nitong gusto siyang ligawan. 

Teka, bakit ako kinikilig e hindi ko naman siya type? Paalala niya sa sarili. 

Ang kaso, nagrewind na naman at nag-auto play sa utak niya ang eksenang hinalikan siya ni Junie. At lalo pang kumabog ang dibdib niya! 


SI LESTER na ang nag-volunteer na magdrive ng sasakyan pabalik sa BGC. Mas pinili ni Junie na bumalik sa puwesto nito sa likod ng kotse kahit masikip. 

"Hindi ka man lang nag-imbento ng mga dahilan kung bakit gusto mo siyang ligawan, bok?" tanong ni Timmy habang bumibiyahe sila. 

"Wala akong maisip e. Masyado akong na-pressure."

"Sana sinabi mong nagagandahan ka sa kanya... fashionable siya. Mukhang model. Ganun." wika ni Zack. 

"Oo nga. Maganda ang buhok.. ang kutis makinis," sabad ni Timmy. 

"Puro physical naman yang binanggit ninyo," komento ni Baby Girl. "Sana sinabi mo ang mga attributes niya na hindi nagbi-base sa physical."

"Nablanko nga ako nung magkaharap kami," angal niya. 

"Love na nga yata yan, bok," wika ni Lester. "Nawawala ka na sa sarili e." Nagkatawanan sila habang patuloy na bumibyahe. 

Bumalik sa utak niya ang mga tinanong ni Nevada. 

"Sige nga, bakit mo ako liligawan? Mahal mo ba ako? Ano ang nagustuhan mo sa akin? Alam mo ba kung ano ang paborito kong pagkain? Kung saan ako madalas kumain? Anong nagustuhan mo, yung buhok ko na black  or yung may kulay at highlights?" 

"Kailangan ko na nga yata ng planning at strategy," wala sa loob na nasabi niyang bigla. "Desidido daw talaga si Fonzy na muling makuha si Nevada."

"Huwag kang mag-alala bok. Mag-VOLT IN kaming lahat para sa tagumpay ng lovelife mo," wika ni Zack. Tutulungan ka namin! 

"Magpapa-meeting tayo para lang dito bok. Hindi puwedeng hindi mo ilaban yang feelings mo!" sabad ni Lester habang nagda-drive.

"Oo nga. Never give up without a fight," sang-ayon din si Timmy. 

"Puro kayo hugot. Sana panindigan nyo," komento ni Baby Girl. "Kuya Junie, huwag lang yung chicks ang ligawan mo. Pati buong pamilya niya, idamay mo na!"

"Yan talaga ang gagawin ko no!" 

The Cavaliers: JUNIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon