Chapter Nine

3.7K 159 27
                                    


WALANG malasahan si Junie sa kinakain niya. Yung steak na inorder niya,natadtad na ng husto at nagmukhang giniling! Hindi pa rin siya mapakali dahil bumabalik-balik sa utak niya ang eksena kanina. Si Nevada, hila-hila palabas ng Sparkle Magazine ang talipandas na si Fonzy. Hindi niya maintindihan kung bakit affected siya ng husto! At hindi lang basta affected kundi nagliliyab na siya sa ngitngit. 

Saan sila nagpunta? Anong pinag-uusapan nila? Nagkabalikan ba sila? Lalo siyang nanggigil sa steak. Matigas din kasi ang ulo nitong si Nevada, sarap batukan!

"Bok, okay ka lang?" Nakatingin sa kanya si Tristan, saka sa pagkain.

"Okay lang ako," mabilis na sagot niya. Sumubo siya ng tinadtad na steak.

"Ayaw mo ba ng food? Matigas ba ang steak?" tanong ni Shane, na nasa mukha ang concern. 

Lasang goma, gusto niyang sabihin. "Ah, ganito talaga ako pag kumain ng steak. Hinihiwa ko ng maliliit para madaling matunaw."

Naubong bigla si Tristan. Pagtingin niya, nakita niyang pigil ang tawa ng mistah niya. Napailing na lang siya kahit gusto niyang batuhin ng tinidor ang lalake.

"Hon, dahan-dahan naman sa pagkain, hindi tayo nagmamadali." clueless na wika niShane kay Tristan. Hinaplos pa ng babae ang likod ng asawa. "Alam mo namang pag may nangyari sa'yo, mas mauuna akong mamatay sa pag-aalala," pabulong na wika ni Shane pero narinig pa rin ni Junie.

Pinisil ni Tristan ang ilong ni Shane saka bumulong din. "At alam mong hindi ko hahayaan yun dahil ikaw ang mundo ko. Magunaw na ang lahat, huwag lang ikaw." Natawa ang babae at kinilig. Si Junie na ang umiwas ng tingin dahil baka magka-diabetes pa siya sa sobrang katamisan ng dalawa. 

For a second ay nakaramdam siya ng inggit sa samahan nina Shane atTristan. The two are obviously crazy about each other. Naisip niyang masuwerte ang mistah sa napangasawa nito. 

Pareho silang masuwerte. Sana may magmahal din sa akin ng ganyan, naisip niyang bigla. 

"Type mo si Vee, no?"

Siya naman ang muntik maubo sa binitiwang bomba ni Shane. Sa gulat niya ay hindi agad siya nakapag-react. 

"Ano, gusto mo siya no? Ang lakas ng feeling ko e," dagdag pa ni Shane na very casual lang. 

Idinaan ni Junie sa tawa ang sagot, saka inabot ang isang basong tubig dahil bigla siyang nauhaw.

"Saan naman galing ang feeling na yan," nasabi niya sabay tingin kay Tristan na nagkibit-balikat lang. 

"Obvious kasi the way you look at her. Napansin ko tuwing susulyap ka sa kanya... iba."

"Ows?" Napangisi siya. "Bok, talented pala nitong si Shane," sinundan niya yun ng mahinang tawa. 

"Siyempre naman bok. Kaya nga ako na-in-love sa kanya e," sang-ayon naman ni Tristan.

Natawa ng malakas si Shane, pero namumula ito. "Hon, huwag mo naman masyadong ipagsabi. Baka madaming maniwala."

Inakbayan ni Tristan si Shane saka hinalikan sa noo. Yumakap naman si Shane sa asawa. 

"Hindi ko na kaya ang ka-sweetan ninyo. Nasa main course pa lang tayo pero dessert overload naman kayo sa harap ko. Konting respeto naman sa walang lovelife!" angal ni Junie sa dalawa na lalong natawa. 

"Sorry bok. Na-carried away lang," ngisi ni Tristan. 

"Kaya Junie, make your move. If you like Vee-- tell her. Ask her out," wika ni Shane. 

The Cavaliers: JUNIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon