Chapter Twenty Seven

3.5K 129 15
                                    

"IN LOVE?" Are you insane?!" bulyaw ni Trent sa kanya. "Anong love ang pinagsasabi mo, Francheska??" 

Halos maputol ang mga ugat sa leeg ng kapatid niya dahil sa galit. But she didn't care. Iisa lang ang gusto niya ng mga oras na yun- at yun ay ang makilala ang lalakeng nakita niya sa online version ng Sparkle Magazine. 

"But it's true, Kuya. When I saw his photo, kumabog ang dibdib ko at bumilis ang heartbeat ko. Like it was racing for dear life!" 

"Bumilis ang heartbeat mo? Baka nasobrahan ka ng kakainom ng kape!" Namumula na si Trent. "You don't even know that person, how can you even think about love?"

"But remember... it only takes a minute to have a crush on someone.. an hour to like someone and a day to---"

"SHUT UP!" Lalong tumaas ang boses ni Trent. "This is not some silly romantic movie, Freya. So stop firing some stupid lines!"

"How can you say it's stupid? You're being unfair!" Hindi din siya nagpaawat. 

Pero kahit inabot sila ng dalawang oras sa pagsisigawan at pag-away, in the end ay napapayag niya ang kanyang kapatid na kontakin ang Sparkle Magazine dahil gusto niyang makilala si June Maximus Alfonso, ang guwapo at magaling na combat pilot ng Philippine Air Force! 

That was several weeks ago. At kanina nga ay nakaharap na niya si Junie. 

Finally, sa loob-loob niya habang nakatingin sa lalake na kinukunan ng picture para sa gagawin nitong billboard. 

Kung hindi lang sa mga naunang commitments niya sa US ay baka mas napaaga ang pag-uwi niya. But then again, tinapos muna niya ang ilang fashion shows at projects bago tuluyang nakalipad pabalik ng Pilipinas. 

Junie is everything that she imagined. Well-mannered, gentleman, polite and smart. At guwapo talaga ang lalake. Sure, madami na siyang nakita at nakilalang mga guwapo sa ibang bansa. Pero iba ang appeal ni Junie. 

Dangerously handsome, yun ang unang pumasok sa isip niya nang makita niya ito. Since then, wala na siyang ginawa kundi ang kulitin ang kapatid na makuha at makapirma sa kanila ng kontrata ang lalake. Nagtagumpay naman siya kaya masaya siya. But she wanted more. 

Kung noong sa magazine lang niya ito nakita ay naging interesado na siya, kanina nang magkaharap ay parang naplano na niya sa utak niya pati ang magiging future nilang dalawa. She giggled at the thought. 

"Happy now?" tanong ni Trent sa kanya na nakalapit na pala sa gilid niya. May hawak itong coffee. Tumango siya sa kapatid. 

"Yep. I'm a happy bee," ngiti niya. "Kaya lang.... may isa pa akong favor na hihingin."

"Don't tell me may iba ka nang gusto? Ayaw mo na sa kanya?" Umikot ang mga mata ng lalake. 

"Kuyaaaa!!!" angal niya sa kapatid. "Gusto ko pa rin siya at hindi nagbabago ang isip ko," aniya.

"So what is it this time?"

"Do you think na kaya mong akitin yung girl na yun?" Itinuro niya ang babaeng kasama ni Junie na naka-white shorts. Napakilala na sa kanya kanina but she forgot her name. 

"Are you crazy? Anong akitin ang pinagsasabi mo?" Pero nakita niyang napatingin ang kapatid niya sa babae. "She's not my type. Alam mo namang ayoko nang makipag-date sa mga models. I want a woman with substance. Hindi yung puro paseksi lang ang alam," deklara ni Trent. 

"Pag nagpapasexy ba, wala nang subtance? That's harsh, kuya." 

"Okay, I want a partner, not a trophy," pahayag ng kapatid niya. "And again, ayoko sa mga models."

"I don't think she's  a model though," wika niya.

"Her entire get-up is an easy giveaway," sagot ni Trent na uminom ng kape.

"Look at the way she stands. Parang royal guard sa Buckingham Palace. Direchong direcho!" Lihim siyang napangiti nang makitang pinagmasdang mabuti ng kapatid niya ang babae. "I'm sure she's with the military."

"No way."

"Wanna bet?" hamon niya sa kapatid. "Kapag tama ako, you'll throw a big, fabulous party for the launching of Rugged Feat, deal?"

"Sige." Tumango si Trent na nakatingin pa rin sa babaeng kasama ni Junie.


KUNG hindi niya alam na nagkabalikan sina Vee at ang boyfriend nito, iisipin niyang karibal din niya ang babae kay Junie. Which would have been sad kasi gusto niya ang aura nito. And she liked her fashion style. Kaya mabuti na lang at hindi na niya ito itinuturing na threat. At least she could focus on building a friendship with Vee. 

Kaya naman kampante niyang sinabi sa babae na gusto niya si Junie dahil alam childhood friend ito ng lalake. Gusto niyang maka-close ito. 

"We're going on a date! He said yes to meOh my God, I'm so excited Vee! Kapag nagkatuluyan kami ni Junie, you'll be one of my bridesmaids!"  And she meant it. 

"That's good to know. Ang alam ko busy yan lagi e,"  wika ni Vee sa kanya.

"I guess he'll find time for me." Lalo siyang kinilig sa naisip. 


HINDI ini-expect ni Junie na makakasundo niya si Freya. Instead of the usual dinner date na nakasanayan ng babae dahil sa sosyal nitong background ay dinala niya ito sa isang night market kung saan merong mga nagtitinda ng street food at iba't ibang local na pagkain.

Noong una ay kinabahan siya na baka magalit sa kanya ang babae at mag-away sila. Handa naman siyang mag-adjust kung sakaling hindi talaga gusto ni Freya na kumain ng street food. Nakapagpa-reserve naman siya sa isang restaurant sa Greenbelt. But to his surprise, game na sumama ang babae at kumain ng kahit anong ialok niya. 

"Akala ko ay hindi ka kumakain ng mga pagkaing nabibili sa tabi-tabi,"wika niya nang makaupo sila sa isang bench.

"Are you kidding me? I live in New York and street food is part of my everyday survival," natatawa nitong sagot bago kumagat sa hawak nitong barbecue stick. "Mabilis ang buhay sa New York, lahat ng tao ay laging nagmamadali. Most of the time ay wala na akong oras na magluto for myself kaya bumibili lang ako ng sandwich, ng hotdog or kung anong madaanan ko on the way to school or pauwi. It's the same thing nung nagta-trabaho na ako."

"Hindi ka pinadalhan ng yaya ng pamilya mo?" biro niya.

"I wish!" Ngumiti si Freya sa kanya. "But no. I had to do everything on my own."

"You mean... hindi ka spoiled? Hindi ka nag-demand?" Umiling ang babae.

"Kay Trent lang ako spoiled. My brother loves me beyond words. Kaso hindi ko din siya nagawang kumbinsihin na padalhan ako ng maid sa New York. Sabi niya I had to learn to survive on my own. Kaya eto... kahit ano, kayang kainin." Tumawa pa ito. 

Kahit papano ay humanga siya kay Freya sa bagay na yun. After nilang kumain ay dumiretso sila sa isang maliit na bar kung saan may tumutugtog na acoustic singer. And before midnight ay inihatid na niya ang babae sa One McKinley Place sa BGC. 

"Thank you for this night. I had a wonderful time," ani Freya sa kanya. 

"Thank you din. Sinakyan mo ang mga trip ko," sagot niya sa babae. 

"At this point Junie, i'll go wherever you will go." Ginawaran siya ni Freya ng halik sa pisngi saka tuluyan na itong pumasok sa building. 

Habang nagda-drive pabalik sa barracks ay hindi napigilan ni Junie na mapaisip. Natuturuan nga bang umibig ang puso? 

The Cavaliers: JUNIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon