Chapter Seven

4.5K 170 15
                                    




MAY sampung minuto nang nakatingin si Junie sa tatlong iba't ibang kopya ng Sparkle Magazine na nasa table niya. Kanina pa siya nakatayo at nakatunghay pero hindi niya magawang damputin at buksan ni isa... dahil sa kaba.

Gusto tuloy niyang matawa. Sa mga combat missions niya ay buo ang loob niya at hindi nakakaramdam ng takot. Kahit alam niyang may posibilidad na mamatay siya in the line of duty ay hindi kumakabog ang dibdib niya kapag nagpapalipad ng military aircraft. Pero eto siya ngayon at halos pagpawisan habang nakatingin sa Sparkle Magazine.

"Ano na bok, kailangan mo pa yata ng orasyon bago mo basahin ang mga yan!" Napatingin siya kay Zack na nakasilip sa may pinto ng kuwarto niya."Hindi naman nangangagat yang mga magazine."

Imbes na sumagot ay humiga siya sa kama at napatingin sa kisame ng kuwarto.Tuluyan namang pumasok si Zack sa kuwarto saka kaswal na kinuha ang isa sa mga magazines at umupo sa gilid ng kama.

"Tingnan mo to bok o, makikita ka namin dito kapag nagkataon," wika ng lalake habang tinitingnan ang mga pahina ng magazine.

"Yun nga ang iniisip ko e. Anong mangyayari kapag inilagay ako diyan? Saka, bakit ako?"

Tumigil sa pagbubuklat ng magazine si Zack at napatingin sa kanya. "Actually, yun din ang tanong ko bok. Bakit ikaw? E hamak na mas guwapo naman ako sayo---"

Binato niya ng unan ang mistah. "Tinatanong ko lang kung bakit ako, di ko sinabing laitin mo ako bok!"

Natawalang si Zack sa kanya. "Nagsasabi lang ako ng totoo."

"Gusto mo ba, ikaw na lang?" tanong niya.

"Hala! Ayoko nga. Ano naman ang gagawin ko diyan?" tigas sa pagtanggi si Zack. "Saka baka magselos pa si Hazel."

"SinongHazel? Di ba si Tintin ang girlfriend mo?" gulat niyang tanong.

"Bok, last month pa kami nag-break ni Tintin," paliwanag ni Zack. "Bagong girlfriend ko na itong si Hazel."

"Ha?!"

"Oo. Parang gusto ko ngang magsisi kasi mas matindi pa 'to sa tactical officer kung magbantay. Pati social media posts ko, inaabangan!"

"Bakit ganun?"

"Wala daw kasi siyang tiwala sa akin dahil nga malakas ang appeal ko. Sabi ko nga sa kanya hindi ko naman din kasalanan na ipinanganak akong guwapo. Pero para nga wala nang gulo, ako na mismo ang umiiwas sa mga bagay na puwede niyang ikaselos."

Natawa siya ng malakas sa mga sinabi ni Zack. "Lakas din ng tama mo bok," aniya.

"Totoo naman ang sinasabi ko ah! Baka nakakalimutan mo kung gaano kadami ang tumitili sa akin noong mga kadete pa tayo tuwing may basketball game tayo?"

Napahalakhak si Junie dahil pareho silang nasa basketball team ni Zack. "Madami lang talagang mahilig sa basketball."

"Pero ako ang may pinakamaraming natatanggap na love letters, bok. Aminin mo."

"Oo na. Sige na! Ikaw na!" Lalo siyang natawa sa pag-insist ng mistah. "Tutal madami kang fans, ikaw na nga ang sumabak diyan sa Sparkle Magazine na yan."

"Hindi nga puwede. Baka lalong dumami ang magkagusto sa akin. Gulo yun bok!" Tumayo si Zack at ibinalik ang magazine sa table niya. "Saka ikaw ang kinausap ni Vee para diyan."

Nagtungo na sa pinto si Zack pero tumigil ito at lumingon sa kanya.

"Grab mo na yan bok... malay mo----" pabitin nitong wika.

"Malay na ano?" tanong niya habang nakatingin sa mistah.

"Malay mo maging kayo," ani Zack bago tuluyang lumabas ng kuwarto.

The Cavaliers: JUNIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon