Chapter Six

4.1K 172 21
                                    


KANINA pa nakatingin sa cellphone niya si Junie. Hindi pa rin siya makapaniwala na tinawagan siya ni Nevada out of the blue.


Hindi ba ako nananaginip? It was just a short phone conversation kung tutuusin. Sinabi lang ni Nevada na gusto siya nitong makausap ng personal. He just said yes and even agreed to meet her somewhere.Pati ang oras at specific restaurant ay ang babae ang nagdesisyon.  

"Bok, bakit para kang na-engkanto?" Napaigtad siya nang biglang magsalita si Zack sa likod niya. Napahawak tuloy siya sa may dibdib niya.


"Kung makapanggulat ka naman bok, parang may galit ka sa akin!" angal niya sa mistah. Nakalimutan niyang nakatayo pala siya sa harap ng barracksnila dahil maggo-grocery sana siya.


"Masyado naman to. Hindi kita ginulat no. Tinanong lang kita kung napano ka dahil para kang nanigas na puno sa gitna ng driveway." Humakbang na siya palapit sa kotse. "Sino bang kausap mo sa phone? Masamang balita ba?"


Umiwas siya ng tingin sa mistah saka binuksan ang pinto ng kotse. "Hindi. Customer service lang nitong phone line ko," alibi niya. "Sige bok, mag-grocery muna ako."


Ayaw niyang magsinungaling sa mistah pero ayaw din muna niyang sabihing si Nevada ang tumawag sa kanya dahil baka mangulit na naman ang mistah niya ng proof na kakilala niya ang babae at wala na naman siyang maipakita. Sawa na siyang mabokya!


Palabas na sana siya ng kampo nang may biglang maisip. Itinigil niya sa gilid ng daan ang kotse saka tinawagan ang number ni Nevada. Agad namang sumagot ang babae.


"Yes?" She sounded cold and distant.


"Nevada?"


"It's Vee," pagtatama ng babae sa kanya.


"Okay, Vee..." Bakit ba gusto niyang magtunog bubuyog ang pangalan niya? "Tungkol nga pala dun sa meeting natin--"


"What about it?" Pormal ang tono ni Nevada. "You already agreed to meet up, right?"


"Oo pero--"


"Pero ano?" she demanded.


"P-puwede bang dito na lang sa Villamor Air Base tayo mag-meeting?"


"Why?"Feeling ni Junie ay galit na ang babae sa kabilang linya. Napalunok tuloy siya.


"Kasi ano..." Para makita ka ng mga mistah ko at maniwala silang magkakilala tayo, gusto niyang idugtong. "Naka-red alert kasi kami kaya hindi kami basta-bastang makakalabas or makapunta sa malayo," pagdadahilan niya.


Nakaramdam siya ng guilt pero wala siyang choice kundi subukang kumbinsihin si Nevada. Gusto tuloy niyang pagbabatukan ang mga mistah.


"Fine. Pero saan?"


"Sa golf course!" agad niyang naisip. "Yung golf course dito sa loob ng Villamor Air Base."

The Cavaliers: JUNIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon