KUNG ang mga mistah niya ay nabigla sa pag-schooling niya sa US, si Dallas naman ay tuwang-tuwa sa kanyang desisyon. Pinadalhan kasi niya ng email ang kaibigan para ipaalam na paalis siya. Ang iniisip niya ay mag-e-email back din ang lalake. But two hours after sending the email ay agad siyang nakatanggap ng tawag mula kay Dallas.
"Kelan ang flight mo? Gaano ka katagal dito? Sinong kasama mong aalis?" sunud-sunod na tanong nito sa kanya.
Natawa tuloy siya habang nagda-drive. Pero isa-isa niyang sinagot ang mga tanong ng lalake.
"Mag-stay ka dito sa akin, malaki naman ang apartment ko. May extra room ako," excited na wika ni Dallas. "It would be just like the old times!"
"Official ang lakad ko diyan, hindi bakasyon. Kaya sa loob ng air base ako titira dahil araw-araw ang training," natatawa niyang sagot. "Saka malayo sa California ang air base na pupuntahan ko."
"Ha? Saan ba banda? Anong state?"
"Sa Alabama."
"Shit. Ang layo nga. More than four hours by plane yan e!" wika ni Dallas."But it's okay. I'm sure may break naman kayo. Kahit weekend break lang. You could take the evening flight ng Friday then balik ka din ng Sunday. Puwede kaya yun?"
"I don't know. Di ko pa alam ang magiging rules and regulations namin."
"Puwede din kitang puntahan. Isang beses pa lang ako nakakapunta sa Alabama so it would be nice to explore the southern state."
"Sige.Saka na natin pag-usapan yan kapag dumating ako diyan."
"I'm excited dude! Kapag nandito ka pa ng July, pumunta tayo sa Comic Con sa San Diego. We could dress up as Han Solo and Luke Skywalker!"
Bigla niyang naisip si Nevada sa sinabi ni Dallas. Mas masaya sana kung kasama nila ang babae sa San Diego Comic Con. After all, Han Solo wouldn't be complete without Chewbacca.
Ikakasal na siya sa iba, paalala ng isip niya. Nakaramdam na naman siya ng lungkot pero ano pa nga ba ang magagawa niya?
Pagkatapos nilang mag-usap ay dumiretso na siya sa resto-bar kung saan gaganapin ang pa-despidida dinner ng mga mistah niya para sa kanya.
MAY dalawang oras na silang naroroon sa resto-bar na iyun. Limang table ang inokupa nila sa pinakadulo at medyo tagong area ng restaurant. Mahigit bente kasing mga mistah niya ang dumating. Maging sina Spike na galing pa ng Bulacan at Drew na kararating mula sa Cebu dahil sa isang presidential engagement ay present.
Tapos na silang mag-dinner at nag-iinuman na nang makita niyang parating si Freya. Bigla siyang napatayo.
"Bok, kayo na ba ni Freya?" pabulong na tanong agad ni Zack.
"Baka yan ang dahilan kaya nag-let go na siya kay Vee," narinig niyang bulong ni Lester.
Alam niyang nakatingin ang lahat sa paparating na babae kaya sinalubong niya ito para hindi mahiya sa dami ng mga mistah niyang nakatingin.
"Hi,"bati niya sa babae. Ngumiti ito sa kanya, then tumingin sa mga mistah niya.
Tila hindi naman alintana ni Freya ang mga nakatingin sa kanya. Ngumiti pa ito sa mga mistah niya.
"Hello," anito at nag-wave. Halos sabay-sabay namang nag-hello din sina Zack.
Alam niyang mabilis nang umaandar ang utak ng mga chismoso niyang mistah. For sure ay kukulitin na naman siya.
"Pasensiya ka na if I came. Alam kong this is your only time with your mistah--"
"No, it's alright. Join us-- kung okay lang sa'yo."
"Thanks, but di din ako magtatagal. Dumaan lang talaga ako. Actually, I'm here with my brother--" lumingon si Freya. Nakita niyang naglalakad palapit ang kapatid nitong si Trent.
Bigla siyang kinabahan. Anong ginagawa ng may-ari ng Rugged Feat saresto-bar na yun? Naisip niya ang kontrata niya sa clothing line.
"Is there something wrong? Akala ko okay lang na mag-schooling ako abroad kahit endorser ninyo ako--" agad niyang bulong kay Freya.
Nagulat siya nang biglang mapahagikhik ang babae sa tabi niya.
"He's not here for you," ani Freya.
"Ha?"Lalo siyang naguluhan. Paglingon niya ay nakita niyang nakatanga din ang lahat ng mistah niya sa kanila ni Freya.
"He's here to see---" tumigil muna sa pagsasalita si Freya saka tiningnanang mga mistah niya. Itinuro nito si Mags na nakaupo sa isang table at pasubo ng chicken lollipop. "Her. My brother wants to see her."
"HUWAATTT???" Halos sabay-sabay na bulalas ng mga mistah na naroroon.
Biglang naibuga ni Lester ang iniinom na beer. Nabitawan naman ni Mags ang hawak na chicken lollipop. Muntik nang masunog ang kilay ni Garic habang papasindi ng yosi dahil nabigla ito habang hawak ang lighter na may apoy.
Bago pa sila makapagsalitang lahat ay nakalapit na si Trent sa kanila.
"Hi. Sorry for dropping by unannounced. I didn't mean to make everyone uncomfortable," anito.
Nakita ni Junie na kay Mags nakatingin si Trent. Ang lahat naman ng mga mistah niya ay natulala at nakatingin lang kina Trent at Mags. Parang nanonood ng teleserye!
"I was just wondering if I could invite you to dinner this weekend. Any restaurant of your choice, here or abroad."
"Ha?"Kitang-kita niyang shocked si Mags sa sinabi ni Trent.
"You don't have to decide now. Here's my card with my direct line and private mobile. You can call me anytime." Inabot ni Trent ang calling card kay Mags saka tumalikod na ito.
"Ano yun?" bulong niya kay Freya na nakangisi pa rin.
"My brother is weird, I know. Please don't take it against me," bulong din ni Freya sa kanya.
Biglang tumigil si Trent at lumingon sa kanila.
"By the way, your dinner and drinks are on me. Everything's been paid for," ani Trent bago tuluyang umalis.
"You heard him," ani Freya. "I'll go ahead. See you tomorrow!"Mabilis na humabol ang babae sa kapatid nito.
Nang umupo siya ay nakita niyang tulala pa rin si Mags habang nakatingin sa calling card.
"Akalain mong may nabulag kay Mags?" pahayag ni Zack nang makabawi sa shock.
"Di ba yun yung may-ari ng Rugged Feat saka yung hotel?" tanong niLester. "Nakita kong in-interview yan sa CNN e."
Kinuha ni Timmy ang calling card na hawak ni Mags saka tiningnan.
"CEO?! Mags, ang yaman pala nun. Big time!" wika nito.
"Magpabili ka ng helicopter, dali!" sulsol naman ni Drew. "O kaya, eroplano na!"
"Di kaya natipos yun? Anong nakita niya dito kay Mags?" komento ni Lester. Nabatukan tuloy ito ni Mags. "Aray ko naman!" Nagtawanan tuloy lahat ng mga mistah na naroroon.
"Bok, dapat pala ay si Freya na lang ang niligawan mo. Mukhang mas kasundo mo pa kesa kay Vee," wika ni Zack.
"Oo nga. Mukhang mabait naman," sang-ayun naman si Timmy.
"Ang tanong, sang-ayon ba ang puso ni Junie?" tanong ni Garic.
Hindi siya kumibo sa mga sinabi ng mistah. Napainom na lang siya ng beer.
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: JUNIE
RomanceThe fly boys are back. Meet Junie, one of the Cavaliers and a member of the Philippine Air Force.