"OH MY GOD!!! Ang galing!"
"Ayyyy!!! Nakakaloka, bumabaliktad ang eroplano!"
"Diyos Ko, delikado naman yan. Di ko na kayang tumingin!"
Naririnig ni Nevada ang lahat ng sinasabi ng mga kasama niya habang nanonood kay Junie na nagpapalipad ng combat jet nito. Nakatingin din kasi siya sa ere pero ang utak niya ay naka-auto replay- pabalik-balik sa moment na hinalikan siya ng lalake sa harap ng lahat ng tao.
The kiss was brief. But the effect is eternal, naisip niya. At ang totoo, ramdam pa rin niya ang mga labi ni Junie hanggang sa mga oras na iyun.
"Do you like him?" Napakislot siya nang marinig ang boses ni Fonzy. Pagtingin niya ay nakatitig ito sa kanya with a grim expression on his face. "Siya ba ang dahilan kaya hesitant kang makipagbalikan sa akin?"
Gusto niyang tumango pero pinigilan niya ang sarili. It wasn't the right time nor the right place para pag-usapan ang ganung bagay. Besides, naguguluhan din naman siya sa sitwasyon at sa totoong nararamdaman. It was all new and exciting but she was scared.
"Fonzy, I thought we agreed to take it slow and that you will give me time to process everything? Bakit ngayon e para kang nanunumbat?"
"I asked you if you like your brother's bestfriend. Di mo pa rin ako sinasagot."
"I don't have to answer you and I don't owe anyone any explanation," wika niya saka umiwas na ng tingin saka humakbang palayo kay Fonzy.
Nakita niyang palapag na ang military aircraft na pinalipad ni Junie. Nagsimulang kumabog ang dibdib niya dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin kapag nagkaharap uli sila ng lalake. Pagagalitan ba niya ito? Aawayin? Deadmahin? Kaswal lang na parang walang nangyari?
Bakit ba ako napunta sa sitwasyong ganito? She wanted to leave the air base at umuwi na lang pero alam naman niyang hindi puwede.
Nawili siya sa kakaisip at hindi na niya namalayan na papunta na pala sa kinatatayuan niya si Junie. Pero bago ito tuluyang nakalapit sa kanya ay nasuntok na ito ni Fonzy-- much to the surprise of everyone! Nagtilian tuloy ang lahat!
IT WAS all surreal. One minute he was walking towards Nevada, the next minute ay naramdaman na lang niyang may tumama sa mukha niya at natumba siya. Then nakita niyang biglang naglundagan ang mga mistah niya at dinumog si Fonzy- parang pelikula na naka-slow motion ang lahat! By the time na nakatayo siya, hawak-hawak na ng military police si Fonzy at inilalayo. May ilang MP din na nakahawak kina Lester, Zack at Garic at inilayo din sila sa kabilang direction.
Napatingin siya sa grupo ng Sparkle Magazine. Nakanganga ang lahat dahil sa shock! Sinundan na lang niya ang mga mistah. Naabutan pa niya ang mga iyun na nagpupumiglas.
"Bitawan nyo ako, sasagasaan ko ng eroplano yung mayabang na yun!" Namumula sa galit si Lester.
"Sir, tama na po," awat ng isang sarhento.
"Kahit pinanood ko lahat ng pelikula ng mommy niya, kahit gusto kong artista ang daddy niya, bad trip pa rin ako sa kanya!" Si Lester pa rin.
"Tama na nga. Ayun at pinadala ko na sa detention si Fonzy!" sita ni Mags kay Lester. Binalingan siya nito. "Okay ka lang bok?"
"Hindi siya okay! Nasuntok yan nung mukhang tutubi!" angal naman ni Zack na nagpapagpag ng uniform. Galit din ito.
"Kelangan nyo bang pagtulungan yung tao?" Napalingon siya nang marinig ang boses ni Nevada. "Ilan kayo at tapos iisa lang si Fonzy!" Sumunod pala ito sa kanila!
"Teka, huwag ka namang magalit sa amin," ani Garic. Hinawakan niya sa balikat ang mistah para hindi na magsalita. Siya na ang humarap kay Nevada.
"Pasensiya ka na," wika niya.
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: JUNIE
عاطفيةThe fly boys are back. Meet Junie, one of the Cavaliers and a member of the Philippine Air Force.