BIGLANG kinabahan si Nevada sa sinabi ng kasamang piloto ni Junie.
"What do you mean na nasa Mindanao? Doon na ba siya naka-assign?" Nasa Villamor Air Base kasi siya dahil gusto niyang makaharap si Junie dahil feeling niya ay iniiwasan siya ng lalake.
It's been a week since she said yes to Fonzy's surprise marriage proposal. At nakita niyang nagulat nung gabing iyun si Junie pero wala siyang narinig na protesta o reklamo mula sa lalake. Sa halip ay ngumiti pa ito at kinamayan sila ni Fonzy.
"Congratulations and best wishes." Then niyaya na nito si Freya na umalis. For some strange reason ay nakaramdam siya ng guilt and lungkot when she saw him left. But she never had the chance na habulin ito para kausapin.
Aminado siya sa sarili niya na nabigla din siya sa bilis ng pangyayari at na-overwhelmed pero naka-oo na siya sa boyfriend. Oo, hindi pa siya ready pero paano pa niya mababawi ang desisyon?
Ilang araw na din siyang balisa at hindi mapakali. Mabuti na lang at pumayag si Fonzy na huwag munang ipaalam kahit kanino na tinanggap niya ang marriage proposal nito. Nagdahilan na lamang siya kay Fonzy that she wanted to take it slow at nangakong sabay nilang ia-announce ang kanilang engagement when the time comes. Pero ang totoo, she felt like kailangan muna niyang kausapin ng masinsinan si Junie before she makes her engagement public. Kung bakit ay hindi din niya alam. Basta ang alam niya, she's trapped in the middle of conflicting emotions.
But since the night of the proposal ay wala na siyang narinig mula kay Junie. Ni tawag or text ay wala din. She tried reaching out to him but naka-off ang phone nito kaya naman napilitan siyang puntahan ito sa kampo. Pero wala din pala doon ang lalake.
"Nag-file siya ng emergency leave para umuwi sa kanila sa Davao. May aasikasuhin daw."
"Nagsabi ba kung kelan siya babalik?"
Umiling ang kausap niya. "Pero nabanggit niya na a-attend siya ng event sa Sabado. Yung sa launching yata ng Rugged Feat kaya for sure ay pabalik na din yun. If not today, baka bukas."
"Ganun ba? Sige, salamat." Matapos magpasalamat ay umalis na din siya.
Naisip niyang tama ang kausap dahil Huwebes na din naman. Baka nga anytime ay bumalik na si Junie. She could only hope.
PERO dumating na ang Sabado pero wala pa rin siyang naririnig from Junie. Hapon na ay hindi pa rin niya makontak ang lalake. Worried na siya kaya kinausap niya sina Shane at Rye. Kasama kasi ang magazine nila sa launching ng Rugged Feat.
"He's going to come," kaswal na sagot ni Shane nang sabihin niyang baka hindi makarating si Junie sa event nila.
Sa pinakamalaking ballroom ng Grand Pacific Luxury Hotel na pag-aari ng mga Benitez gaganapin ang launching ng Rugged Feat. Isang fashion show ang magaganap bago ang party.
"Impossibleng hindi siya dumating," sabad naman ni Rye. "Siya ang main feature no!"
"Sigurado po kayo? Ang alam ko nasa Mindanao siya."
"He's back in Manila," ani Shane. "At nakausap ko kaninang umaga si Freya Benitez. Sabay daw silang darating sa event mamaya."
Kumabog ang dibdib niya nang malamang nakabalik na ng Maynila na si Junie. Matapos mag-excuse ay agad niyang tinawagan ang mobile number ng lalake pero naka-off pa din yun. Ilang beses pa niyang sinubukang tawagan ang number pero wala talaga.
Naka-blocked kaya ako sa phone niya? Ano pa ba ang puwede niyang isipin? Nakokontak ng iba si Junie pero siya ay hindi.
Pilit na lang niyang kinalma ang sarili dahil ayaw na niyang dagdagan ang stress niya that day. Minabuti na lang niyang magbihis na din. Lihim siyang nagpasalamat na lang siya na generous si Trent Benitez na may-ari ng hotel dahil lahat silang taga-Sparkle Magazine na kasama sa preparation ng event ay binigyan ng complimentary rooms. At least di na niya kailangang makipagbuno sa traffic papunta sa event.
Dito din kaya naka-check in si Junie? Hindi niya napigilang ma-curious. Sana ay magkaroon kami ng chance mamaya na makapag-usap.
Pero hindi nangyari ang hiling niya dahil pagpasok pa lang niya sa ballroom ay agad siyang sinalubong ng mga kakilalang reporters. They all wanted to know kung totoo bang engaged na siya kay Fonzy. She tried her best na hindi sagutin ang mga tanong in a polite way.
"Hey, tonight's event is not about Vee's lovelife," narinig niyang wika ni Freya na nakalapit na pala sa kanila. Inakbayan pa siya ng babae at hinarap ang mga reporters. "Alam nyo bang hindi lang goodie bags of Rugged Feat items and gift certificates ipamimigay namin tonight?"
Biglang natigilan ang mga reporters sa sinabing yun ni Freya kaya natuwa si Nevada. Sinulyapan pa siya nito at pasimpleng kumindat.
"We have a raffle especially for the media. From what I heard, mamimigay si Trent ng malalaking cash prizes and a trip to Hong Kong. Kaya please don't forget to put your names dun sa reception table sa may pinto."
Sa narinig ay biglang nagmadaling umalis ang mga reporters. Saka lang nakahinga ng maluwag si Nevada.
"Thank you," wika niya kay Freya.
"Don't mention it," sagot ng babae. "Now, excuse me at kakausapin ko muna si Trent. Baka mabigla ang kapatid ko kapag nalaman niyang kailangan niyang maglabas ng kalahating milyon tonight for a raffle hindi niya alam."
"Oh my God," nasabi niya. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Freya.
"Hey, money is not the issue here. Wala namang problema dun. It's just that, kakailanganin pa niyang magpakuha ng cash sa vault dahil puro cards lang ang dala niyan lagi."
Bago pa siya nakapag-react ay nakalayo na ang babae.
Nung hahanapin naman sana niya si Junie ay dumilim na ang buong paligid dahil nagsimula na ang fashion show. Halos magkandahaba ang leeg niya nung naglalakad na ang mga models. Pero wala sa mga rumampa si Junie. Nakita na lang niya ang lalake na nakatayo sa may stage after ng fashion show. Nasa malaking screen sa likod nito ang picture ng billboard na nasa Guadalupe Bridge. Nagpalakpakan ang mga tao nang mag-bow ang lalake.
She felt proud while watching Junie. And at the same time ay nakaramdam na naman siya ng lungkot. Kaya naman after ng fashion show ay sinubukan niyang makalapit sa lalake para kausapin ito pero lagi itong napapaligiran ng mga tao at sa dami din ng mga kumakausap sa kanya sa party ay laging nawawala sa paningin niya si Junie. Hindi na tuloy niya namalayan ang oras.
"Girl, magpahinga ka na kaya? Mukha ka nang zombie," wika ni Rye sa kanya nang makasabay niya itong kumuha ng tubig sa waiter.
"Oo nga e. Kayo, dito lang ba?"
"Baka umakyat na din ako mayamaya," sagot nito sa kanya. "Uy, same floor kami ni Junie ha."
Biglang kumabog ang dibdib niya sa narinig. "Talaga? Anong room siya?"
"Room 3001. Sa kanya ibinigay yung suite room sa dulo," ani Rye bago tuluyang bumalik sa mga kausap nito.
Nagpalinga-linga siya. Wala na sa venue ang lalake so naisip niyang umakyat na ito sa kuwarto. Kaya naman mabilis pa sa kidlat na lumabas siya ng ballroom! Hindi na siya nagpatumpik-tumpik. Halos takbuhin niya patungong 30th Floor kung saan naroroon ang suite room ni Junie dahil gusto niya talagang makausap ang lalake! Todo ang dasal niya habang naglalakad patungo sa kuwarto nito na sana ay harapin siya ni Junie.
Nakatatlong pindot din siya sa buzzer ng kuwarto nang magbukas ito. Ganun na lang ang gulat niya nang makitang si Freya ang nasa pinto. At dahil maluwag ang pagkakabukas ng pinto, agad niyang nakita si Junie ay nakadapa sa kama, hanggang beywang ang kumot at walang damit pang-itaas.
"S-sorry, akala ko kuwarto ni Rye--" Nanlamig ang buong katawan niya sa nakita. Napaatras siya.
"It's alright. Nasa kabila yata siya," nakangiting wika ni Freya. Nakatapis lang ito ng tuwalya.
"Sige ha. Goodnight." Hindi na niya hinintay pang makasagot ang babae. Tumalikod na siya at umalis.
Sa loob ng elevator ay saka siya napaiyak.
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: JUNIE
RomanceThe fly boys are back. Meet Junie, one of the Cavaliers and a member of the Philippine Air Force.