IT'S been three weeks since mangyari ang suntukan incident sa Villamor Air Base. And three weeks na ding walang balita si Nevada from Junie- like he just vanished from the face of the earth! Gusto man niyang tawagan ang lalake at kumustahin-- hindi niya magawa out of shame and pride.Ako pa ba ang maghahabol sa kanya? Alam naman niya kung paano ako makikita o makakausap, bakit hindi niya magawa? Himutok ng loob niya. Totoong napipikon na siya sa ginagawa ni Junie sa kanya. One minute he was so into her then the next minute, naglaho na lang ang lalake na parang bula.
Matapos niya akong halikan sa harap ng lahat, tapos ngayon ay deadma lang? Ano yun, nagpaasa lang? Dali-dali niyang binura sa utak ang huling naisip. Hindi ako umaasa!
"The latest copy of Sparkle Magazine is out!" Naputol ang pagmumuni-muni niya sa desk nang marinig ang boses ni Rye. "Available na siya guys! Basahin nyo dali, mainit-init pa!"
Nakaramdam siya ng excitement sa sinabi ni Rye. Dali-dali siyang nagpunta sa circulation section para kumuha ng kopya ng magazine. Hindi na siya nagulat nang makitang halos lahat ng staff doon ay nagbabasa ng kopya- at nasa page kung saan naroroon ang article at mga pictures ni Junie.
"Akala ko sa pelikula lang at libro may ganitong lalake... meron pala in real life!" bulalas ng isang staff.
"Oo nga e. Nakita ko siya nung pictorial, mas guwapo sa personal!"
"Credentials and achievements pa nga lang niya, nakaka-in love na. Tapos ganyan pa ang porma. Nasaan ang hustisya?"
Nagtawanan ang mga staff, halos lahat ay kinikilig. Ni hindi nila napansin si Nevada sa isang sulok. Tahimik lang kasi siya habang nagba-browse ng magazine. Somehow she felt a certain pride inside dahil sa mga naririnig niya about Junie.
"Kaso may nililigawan na daw to e," komento ng isa.
"Narinig ko nga din. At taga-dito daw ha!"
"Hindi... ang alam ko, ex-boyfriend daw yan nung bago nating stylist! Or parang childhood sweetheart yata... ganun."
"Talaga ba? E bakit niya pinakawalan? Sino ang ipinalit niya, yung anak ng artista?"
"Break na sila nung anak ni Amanda kaso parang---"
"Ehem." Hindi na nakatiis si Nevada. Tumikhim siya ng malakas para maging aware ang mga chismosa na naririnig niya ang pinag-uusapan! Natigilan naman ang lahat nang makita siya, ang iba ay bumalik sa sarili nilang table. Ang iba naman ay kaswal
"Correction lang po. Childhood bestfriend ng kapatid ko si Junie at never kong naging boyfriend. Pero tama kayo na break na kami ni Fonzy." Ngumiti muna siya bago tuluyang lumabas ng circulation office.
Halos kakaupo pa lang niya sa may work space niya nang biglang magpatawag si Shane ng emergency creative meeting. Agad naman siyang sumunod sa conference room, bitbit pa rin ang copy ng Sparkle Magazine.
"Andito na pala si Nevada, tamang-tama," bungad ni Shane nang makita siya.
Nakita ng dalaga na nakatingin sa kanya ang lahat ng tao sa loob ng conference room. Bigla tuloy siyang kinabahan. For some strange reason ay kakaiba ang naramdaman niya ng mga oras na yun. Like something was about to happen.
"First of all, congratulations sa inyong lahat for a job well-done. The management is very happy with our latest issue. Mabenta daw and nag-stir daw ng renewed interest among advertisers," ani Shane na hindi na nagpaligoy-ligoy pa.
"Sana mas matuwa pa sila at magpa-bonus," wika ng isang staff. Nagkatawanan tuloy ang lahat.
"Well, sana nga," sagot naman ni Shane. "But for now, ang concern ko ay ang isa nating client."
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: JUNIE
RomanceThe fly boys are back. Meet Junie, one of the Cavaliers and a member of the Philippine Air Force.