JUNIE winked at Mags. Kitang-kita yun ni Nevada at hindi na niya ma-delete sa utak niya ang eksena. Hindi tuloy niya mapigilang mapaisip habang nakatingin kay Mags then kay Junie.May something ba sa kanila? Mag-ex ba sila? What's their story?
Then nakita niyang nag-thumbs up sign si Mags kay Junie at napangiti pa ang lalake kaya lalo tuloy siyang na-curious. The way the two look at each other, ramdam niyang may something talaga! Hindi niya ma-explain, pero alam niyang kung ano man yun, hindi na agad niya gusto.
"Are you okay?" Napalingon siya kay Fonzy na nakahawak sa balikat niya. Napilitan siyang ngumiti. "Bigla kang natahimik."
"I'm okay. Actually, I feel good. Maayos ang photo shoot," sagot niya. Wala siyang balak umamin na affected siya sa nakikita niya kina Junie at Mags!
"I agree with you. To be honest, I was kinda hesitant when I heard na dito ang photo shoot ninyo..." Medyo hinawi pa ni Fonzy ang buhok niya. Hindi na siya umalma. "Alam mo na... military base tapos andito pa siya---"
He looked at Junie kaya mabilis niyang iniba ang topic.
"How did you even find out na dito ang photo shoot? Sino ang nagsabi sa'yo?"
"Come on Vee, do I even have to remind you who my parents are?"
"Well.... no need. Nawalan nga ako ng mga clients when your mom—"
"Stop right there." Inilapit ni Fonzy ang hintuturo nito sa may bibig niya in an attempt to keep her quiet. "Mom wants to apologize to you personally. Sabi niya, babawi siya sa'yo. Please forgive her."
"Wala na sa akin yun. Nag-move on na nga ako, di ba?"
"Still, I want you and my mom to be in good terms, please?"
"I'm not in bad terms with anyone," aniya. Lumapit siya kung saan naroroon ang water dispenser at kumuha ng tubig para hindi na humaba ang usapan nila ni Fonzy tungkol sa mother nito.
Then nakita niyang tumayo na si Rye at nag-stretching- palatandaang break-time muna. For some strange reason ay nakaramdam siya ng excitement nang makitang naglalakad si Junie palapit sa direksyon niya.
MALAPIT nang ma-bad trip si Junie. Hindi kasi nakaligtas sa kanya ang pagiging sweet ni Fonzy kay Nevada. Gusto tuloy niyang magsisi kung bakit hinayaan pa niyang makapasok ang lalake sa loob ng air base.
All is fair in love and in war, he reminded himself. Besides, he's an officer and a gentleman. Hindi siya gagawa ng mga bagay na ikakapahamak ng iba.
Nang makita niya kaninang nakatingin sa kanya si Mags ay kinindatan niya ito. Grateful siya sa babaeng mistah dahil alam niyang pati ito ay naroroon para sumuporta sa kanya. He needed a friendly face dahil tuwing napapatingin siya kay Nevada, parang laging inis sa kanya ang babae.
Laging nakasimangot, parang 24/7 na mainit ang ulo. Mabuti na lang at nakita niyang nag-thumbs up sign sa kanya ang babaeng mistah- ibig sabihin ay everything is under control kaya napangiti siya.
Nang sabihin ng photographer na pwede silang mag-break muna bago magpalit ng panibagong outfit ay natuwa siya kahit papano. It was his chance na makalapit kina Nevada. Pero bago siya nakarating sa babae ay hinarang na siya nina Lester at Timmy.
"Bok, gusto ko nang ipadampot sa MP yang ex ni Vee. Ang angas," reklamo ni Lester.
"Shhh. Baka marinig ka," saway niya sa mistah.
"Andaming comment sa buffet, bok. Gusto ko nang patulan at pagsabihan e. Hindi naman siya invited dito pero feeling close!" pabulong na wika ni Timmy. "Sarap hampasin ng helicopter!"
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: JUNIE
RomanceThe fly boys are back. Meet Junie, one of the Cavaliers and a member of the Philippine Air Force.