Chapter Twelve

3.8K 138 13
                                    

PAKIRAMDAM ni Nevada ay biglang nag-slow motion ang paligid niya. Right there and then ay gusto niyang tumakbo para makalayo sa awkward na sitwasyon pero hindi niya magawa. Ni hindi pa nga nabibitiwan ni Junie ang kamay niya! Kitang-kita naman niya ang expression ni Fonzy. It was a mixture of shock, hurt and anger. Sa likod ng lalake ay naroroon ang dalawang mistah ni Junie na napanganga dahil sa narinig.

"Why did you kiss her?" Narinig niyang tanong uli ni Fonzy. Nakatingin ito kay Junie then tumingin sa kanya. There was confusion in his eyes too. "What's going on, Vee?"

"This is just a misunderstanding," sa wakas ay nasabi niya. Binawi niya ang kamay mula kay Junie saka nilapitan si Fonzy. "Halika na, umalis na tayo."

"No, I want to know what's going on. I thought he's your brother's bestfriend. Bakit ka niya hinali--" Hindi na niya pinatapos ang sinasabi ng lalake. Hinablot niyang bigla ang kamay nito.

"FONZY, AYOKO NG ESKANDALO!" Madiin ang pagkakasabi niya, saka hinila na ang lalake palayo sa CR.

Naiwan si Junie at ang mga mistah nito. Lihim siyang nagpasalamat na hindi na nito naisipang sumunod pa at dagdagan ang drama- otherwise ay baka mawalan na siya ng ulirat! Mabuti na lang at nakapag-bill out na sila bago pa man niya naisipang mag-CR kaya agad silang nakalabas ng restaurant. Habang naghihintay ng sasakyan mula sa valet attendant ay muli siyang binalingan ni Fonzy.

"What was that all about, Vee?"tanong nito sa kanya. "Is there something I should know?"

Ayaw na muna sana niyang magsalita dahil mas gusto niyang kalimutan ang insidente pero alam niyang hindi titigil si Fonzy kaya tiningnan niya ito ng diretso.

"It was just a kiss, Fonzy. We kissed, that's all."

"But why?" Nakita niyang namula si Fonzy, pinipigilan ang sariling emosyon.

"I also don't know. Hindi ko alam kung paano nangyari, but it happened. Now, can we move on?" Napabuntong-hininga siya. Feeling niya ay kakapusin siya ng hangin.

"There must be something. Things like that do not just happen. You don't just kiss randomly," wika ni Fonzy na hindi pa rin mapakali.

"Look, Fonzy. We broke up, remember? Kung anuman ang ginawa ko during the time na break tayo, wala ka na dun, di ba? It's not like I had an affair while we were together."

Hindi nakasagot si Fonzy sa sinabi niya. She took advantage of the situation at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Besides, as far as we both know, we're not even back together. This is just a friendly date. Di ba?"

Nakita niyang napayuko si Fonzy. "You're right. I... I overreacted. I'm sorry."

Nakaramdam siya ng awa sa lalake pero hindi siya nagsisisi na pinrangka niya ito. There was silence between them for a whole minute. Mabuti na lang at dumating na ang kotse. Ipinagbukas siya ng pinto ni Fonzy bago ito sumakay sa driver's seat.

Bago pinaandar ni Fonzy ang kotse ay binalingan siya nito. "Pasensiya ka na sa akin. I was jealous."

Tumango lang siya, not really knowing what to say.

"Okay lang kung gusto ka ng Junie na yun," wika ni Fonzy. "I believe that all is fair in love and in war."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Vee, I love you. And I will do everything to win you back. We belong together. At hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba."


"HUWAG mong hayaang makalayo, bok!" Si Lester ang nagsalita kahit halos dumikit na ang mukha nito sa bintana ng sasakyan dahil masikip sa puwesto nito.

The Cavaliers: JUNIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon