"ENDORSER?" Tama ba ang narinig niya from Nevada? May gusto daw kumuha sa kanya bilang endorser ng isang clothing line. "Sigurado ka bang ako ang gusto nila sa limang lalakeng na-feature sa magazine ninyo?"
Nakita na niya ang kopya ng Sparkle Magazine. Pinagkaguluhan na nga sa barracks nila earlier dahil nakabili si Lester nang mapadaan ito sa convenience store matapos mag-jogging. Kahit na-excite ang mga mistah niyang piloto dahil nasa magazine siya, nangako ang lahat na walang magpo-post sa social media dahil baka maging big deal pa yun sa ibang tao.
"Ikaw lang naman ang military pilot among the five men that we featured. They want you to be the face of their new men's line." Bagama't pormal ang expression ni Nevada, hindi naman ito nakasimangot o nakakunot ang noo.
"I don't know. Baka kasi hindi na ako payagan. I mean, yung pictorial pa nga lang at pagkaka-feature sa akin sa magazine, marami nang dinaanang proseso at pirmahan. Nagkaroon pa ng deliberation bago ako binigyan ng go-signal na magpapictorial at magpa-interview," paliwanag niya.
Totoo namang kinailangan niyang magpaalam sa Air Force kung puwede siyang i-feature sa magazine at pinayagan naman siya. Pero hindi siya sigurado sa endorsement na sinasabi ni Nevada.
"I am willing to send letters of request to the AFP Headquarters and the Philippine Air Force. Ako ang magpapaliwanag sa kanila. I'm sure makikita nila ang positive effect ng gagawin mo if ever," wika ni Nevada.
Sasagot na sana siya pero biglang tumunog ang cellphone niya. Tumingin muna siya kay Nevada at humingi ng isang minuto para masagot ang phone.
"Bok, huwag kang magre-react. Stay cool and just smile. Huwag ka ding magpahalata na kami lang ang kausap mo. Kunwari ay si Colonel Gatchalian." Shocked si Junie nang makilala ang boses ni Zack sa kabilang linya.
Agad siyang napatayo at tumingin sa paligid. Wala siyang choice kundi maki-ride on sa mga mistah na matitigas ang ulo.
"Yes, Colonel Gatchalian," aniya. "Nasaan po kayo?" Narinig niyang napahagikhik si Zack.
"Nasa pinakatagong bahagi ng restaurant bok."
Nagpalinga-linga siya at nag-excuse muna kay Nevada para makalayo sa table at masigurong hindi siya maririnig ng babae.
"Bok, sinabi ko naman sa inyo na huwag na kayong sumunod! Kaya ko na to," wika niya sa phone. Nakita na niya kung saan nakapuwesto ang mga mistah pero hindi siya lumapit- baka makita pa sila ni Nevada.
"Anong kaya mo? E mukhang papayag ka na agad sa gustong mangyari ni Vee!" Boses ni Timmy ang narinig niya. "Oo nga bok, dapat magpahabol ka din ng konti sa kanya kasi may kailangan siya sa'yo. Malaking bagay ang endorsement kaya for sure, hindi siya titigil hangga't di ka niya napapayag!" Si Zack uli yun.
"Teka, paano nyo nalaman ang tungkol sa endorsement?" May bolang kristal na ba ngayon ang mga mistah niya? May super powers na di niya alam?
"Bok, ano ka ba. Siyempre nilagyan ka namin ng bugging device!" Natawa si Zack sa kabilang linya. Shocked siya!
"Anong bugging device? Paano---"
"Biro lang bok. Hindi naman kami si James Bond!" Lalong natawa si Zack. "Nasa kabilang table si Baby Girl, bukas ang cellphone niya kaya naririnig namin kayo."
Nilingon niya ang table nila ni Nevada-- true enough, may customer ngang nakaupo sa likurang bahagi ni Nevada, at walang iba kundi ang kapatid na babae ni Timmy! Napailing na lang siya at natawa. Nagpaalam na siya sa mga mistah at agad na bumalik sa table nila ni Nevada.
"Pasensiya ka na ha, importanteng tawag kasi yun," aniya.
"It's okay, I understand." Ngumiti pa ang babae sa kanya. "Basta yung sinabi ko sa'yo, please, just let me know kung ano ang process para mapayagan ka ng Air Force na mag-endorse ng clothing line."
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: JUNIE
RomanceThe fly boys are back. Meet Junie, one of the Cavaliers and a member of the Philippine Air Force.