Chapter Eight

3.8K 133 8
                                    


NANLILIIT na ang pakiramdam ni Junie habang nasa harap ng camera at napapaligiran ng mga ilaw. Kung hindi lang talaga siya napasubo dito sa pictorial ni Nevada, baka kanina pa siya nag-walk out at tumakbo palayo. Pero tuwing napapasulyap siya sa direksyon ng babae ay lumalambot ang puso niya at lumalakas ang loob niya na magpatuloy sa pag-ngiti kahit deep inside ay natutunaw na siya sa hiya.

Ang ipinagpapasalamat na lang niya ay solo niya ang kahihiyang nararamdaman dahil walang nakakaalam sa mga mistah niya tungkol sa kanyang napasok na sitwasyon. Tanging si Zack lang ang pinagsabihan niya at sumumpa ang lalake na hinding-hindi ibubulgar ang kanyang magazine pictorial.

"BOK?"

Tumigil yata ang paghinga ni Junie nang marinig ang pamilyar na tawagan nilang magmi-mistah. Pag-angat niya ng tingin ay nakita niyang nakatayo sa harap niya si Tristan, ang kanyang mistah na member ng Philippine Navy.

Juskopo! Bigla siyang napaatras at muntik pang matisod. Kakapasalamat lang niya na walang mistah na nakakaalam sa ginagawa niya ngayon, pero eto at nasa mismong harap pa niya ang isang mistah!

"Bok, anong ginagawa mo dito?" Nagawa niyang itanong nang mahimasmasan!

"Totoo pala ang sabi ni misis na nandito ka!" Nakangisi si Tristan habang nakatingin sa kanya.

"Misis?" Hindi makapag-isip ng maayos si Junie. Sumenyas siya sa photographer na magbreak muna siya.

"My wife Shane. Siya ang editor ng Sparkle Magazine." There was a hint of pride sa boses ni Tristan. "Ayoko nga sanang maniwala sa kanya but she told me na ngayong araw ang photo shoot mo so I had to come." Tinapik pa siya ng lalake sa may balikat. "Ayos bok, model ka na. Sunod niyan, mag-aartista ka na!"

"Patay." Nanghihina siyang napaupo sa couch malapit sa make-up area. "Bok, huwag mo namang sasabihin sa ibang mistah. Alam mo naman, aasarin ako ng mga yun," pabulong na wika niya kay Tristan.

Natawa ng malakas ang lalake. "Hindi naman bok. Slight lang."

Nai-imagine na niya na magiging topic siya ng mga mistah. Malamang na magiging laman siya ng iba't ibang chat groups nito. Namutla siya sa naisip. Parang gusto na lang niyang magtago sa kuweba!

"Huwag ko na kayang ituloy to?" Bigla niyang nasabi. "Bok, alam mong hindi ako umaatras sa kahit anong misyon ha. Pero eto..." Napatingin siya sa paligid.

Ibang-iba ang atmosphere sa loob ng studio kumpara sa nakasanayan niya sa mga military bases. Colorful, maingay, masaya, maliwanag-- everything is just opposite sa mundo ng mga sundalo.

"Parang nabigla ako bok... di ko ini-expect na ganito. Tapos, ngayon ko lang naisip ang full impact nito."

"Teka, anong huwag ituloy? Anong pinagsasabi mo na nabigla ka?" Seryosong tanong ni Tristan. Halatang naalarma ito sa sinabi niya. "Bok, kung anuman ang iniisip mo-- huwag na huwag kang aatras at baka pagbintangan ako ni Shane na nakialam sa trabaho niya."

Inakbayan siya ni Tristan at iginiya palayo sa mga staff. Bumulong ito sa kanya.

"Papatayin ako ni Shane kapag hindi mo itinuloy to. Bok, damay-damay tayo nito kapag nagkataon!"

"Nabigla nga ako sa desisyon ko. Ngayong nakita kita, mas narealize ko na hindi ako dapat pumayag---"

Tinakpan ni Tristan ang bibig niya! "Bok, tama na! Huwag ka nang magsalita para mabuhay tayong dalawa. Ayan na si Shane, palapit!"

Nakita nga niyang naglalakad ang babae palapit sa kanila. Nasa likod ni Shane si Nevada.

"Hi Junie." Ngumiti sa kanya si Shane saka binalingan si Tristan. "Hon, may problema ba? Bakit natigil ang photo shoot?"

The Cavaliers: JUNIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon