19

382 25 1
                                    


Jealous

WALANG imik kong pinagmamasdan si Atriju. He's putting a belt on his pants while staring at his reflection in the mirror. He even gently brushed his wet hair kaya napakurap na rin ako ng mata habang nakatingin rin sa salamin.



It's my fifth day here in his mansion. Napanguso na lamang ako nang maalala ang nakakahiyang pangyayari kaninang umaga. Pareho naming natuklasan pagkagising na natagusan ko ang puting beddings ng kama niya. As in, ang daming dugo ang nagkalat!



Tinawag pa ni Atriju si Manang Lena upang labhan ang beddings. Sa loob-looban ay gusto kong magsisigaw sa hiya dahil iba ang mapanuring tingin sa amin ni Manang. Baka iniisip pa nun na na-devirginized ako ni Atriju. Nakakainis! Akala ko tuluyan nang nawala ang mens ko kaya nga hindi na ako nag-napkin kagabi pero bumalik pala!


May lakad kami ngayon. Kikitain ni Atriju si Dixell dahil may pag-uusapan sila at ako naman ay biglang nag-volunteer na sumama.


"Saan mo gusto pumunta pagkatapos ng usapan namin ni Dixie?" he asked.



I raised my brow.


"Dixell ang pangalan ng babaeng 'yon, 'di ba?" I curiously asked.


"Well, Dixie ang tawag ko sa kanya," he shrugged.


Nanliit ang mga mata ko. Ay, wow! Nickname basis pala ha?


"Oh, bakit ganyan itsura mo?" tanong niya at naupo na rin sa dulo ng kama, katabi ko.


Nagkibit-balikat lang ako at hindi na siya pinansin. Pakunwaring may binabasa ako sa hawak kong cellphone at hindi siya narinig.


Napairap ako nang agawin niya sa akin ang cellphone at sinamaan ako ng tingin.


"I'm talking to you Tanya."


"I'm talking to you Tanya," I mimicked what he said to annoy him.


Akala ko ay maiinis siya pero bigla niyang pinisil ng malakas ang pisngi ko. Pakiramdam ko ay sobrang nabinat ang balat ko. Pinanlisikan ko siya ng mata kaya tawang-tawa niyang ibinaba ang dalawa niyang kamay.


"Next time, stop repeating everything I'll say. You're just too cute while pouting your lips. I can't stop pinching your cheeks that hard again."



Nasa isang restaurant na kami at hinihintay ang pagdating ng Dixell na 'yon. Ako na ang nahiya sa sobrang tagal niyang dumating. Nailagay na ng waiter ang mga order namin sa mesa habang wala pa rin ang anino ng babaeng 'yon.

Tears of Change ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon