04

605 41 1
                                    


Unexpected

NAPAHAWAK ako sa ulo ko. Madaling araw na akong nakauwi dahil nakisali pa ako sa after party sa anak ni Tita Remi. Tita Remi is my Mom's sister. Katulad ko, galit rin siya kay Papa kaya ako lang ang imbitado.


Hawak ko ang aking ulo habang nagtungo sa kusina. Kunot-noong nagtungo ako sa main door nang may marinig na katok.


I gulped.



"Ikaw na naman? Baka iisipin ko na talaga Atriju na may gusto ka pa sa akin dahil sa mga galawan mo."


Tinaasan niya ako ng kilay.



"I'm here to give you this adobo. Niluto 'to ng girlfriend ko at inutusan niya lang din naman akong ibigay sa'yo. Magkakilala pala kayo ni Gina."


"Wala akong kakilala dito kaya hindi ko alam ang pinagsasabi mo."



"Magkatabi kayo ng unit at nanghiram ka daw sa kanya ng laptop last month dahil nasira ang sa'yo. She's the girl that you caught in the balcony making out with me," he grinned.


Napabuga ako ng hangin. Kailangan pa talagang ipaalala? Saka hindi ko naman talaga kilala ang babaeng 'yon. Nabasag ko yung laptop ko no'ng time na 'yon kaya wala akong choice kung hindi ang pakapalan ang mukha.



Masyadong emergency kaya nakihiram na ako. Besides, hindi ko na inalam kung anong pangalan ng babae. I'm not interested anyway, kaya bakit kailangan ko pang kilalanin?


Inilipat ko ang adobo sa mangkok. I blew air that made my natural bangs fly. Hinugasan ko muna ang tupperware at lumabas. Kinatok ko ang katabing unit but I didn't heard any response. Baka may ginagawa na naman sila.



Mahina kong pinihit ang doorknob at hindi naman locked. My gaze unconsciously roamed to the entire room. And I saw him. It was Atriju sitting on the couch, busy on his phone while his airpods are on. He might have felt someone's presence because he immediately stood up without a word.


"Ah..." I paused. "Ibabalik ko na sana itong tupperware. Saka kanina pa ako katok nang katok."



"And why did you go in when no one opened it? Maybe, if you were in another unit you would have been scolded," he said momentarily.


Mahinang kinagat ko ang ilalim ng pisngi ko. May gana pa talaga siyang pangaralan ako.


"Pakilagay na lang do'n sa mesa sa kusina," dagdag niya.



Nagtungo ako sa kusina at agad inilagay ang tupperware sa mesa. Medyo malaki-laki ang unit dito kaysa sa akin. Even the kitchen ay sakto lang ang kaluwagan.

Tears of Change ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon