38

339 18 0
                                    


Contented

NAKAUPO ako sa sofa at agad na napatayo nang makitang bitbit niya si Zari. Hindi lang si Zari dahil may isa pa siyang bitbit na pusa na sobrang itim ang balahibo.



"Look at Zari, tumaba siya katulad mo."



I frowned.



"May isang pusa ka rin."



"Yeah. Meet Yarzu, Zari's boyfriend," he said, chuckling.



"Yarzu?"



"Yes. It came from your second name. I just replaced the a to u."



"Ma'am Tanya!"



Patakbong lumapit sa amin si Manang Lena.



"Ma'am ba't ganyan na ang pisngi mo? Masarap siguro ang mga pagkain do'n noh?"



Inaano ba sila ng pisngi ko?



"Manang naman, e. Hindi na ba ako maganda?"



"Mas lalo ka ngang gumanda Ma'am at ang cute mo palang tibgnan kapag ganyan ka-chubby ang pisngi mo."



"Sige na nga lang, Manang."



Atriju chuckled.



Pagkaalis ni Manang Lena ay laking gulat ko nang inilagay niya sa hita ko ang dalawang pusa. Ramdam ko ang matulis na kuko ni Yarzu dahil nakaikling shorts lamang ako at kasalukuyan nitong kinakamot ang legs ko.



"Atriju, ano ba 'yan!"



"Makinis daw kasi at masyadong flawless."



My face heated.



Ibinaba niya ang mga ito sa sahig at tumabi siya sa akin. Ah, I really missed the ambiance of this mansion together with his presence.



"I'm missing you so much," he said lowly as he hugged me and buried his face on my neck.



Napasinghap ako nang maramdamang namamasa ang leeg ko. I pressed my lips when I heard his sob. He cried?!



"A-Atriju?"



"You don't know how much it hurts when I set you free that time. You fucking don't know what I feel..." his voice broke.



His hug deepened as he sobbed more. Sabi nila kapag umiiyak na ang lalaki sa harapan mo ay mahal na mahal ka daw niyan. But even he won't cry, just by his actions I can feel his love.



Nararamdaman kong nanatili pa rin ang pagmamahal niya sa akin, walang nagbabago.



"H'wag ka na ngang umiyak diyan. Alam ko namang mahal mo 'ko, e."



He pulled away. I helped him wiped his tears. Lord, ba't ganito? Lunod na lunod ako sa kanya. Hindi man lang nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya.



Hindi ako makapaniwala na sa laki ng katawan niya ay iyakin rin pala. And just because of a girl. I don't know if I should cry also because of happiness or because of how lucky I am that I found someone like him.



"Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan tuwing naririnig ko kay Jerbi kung gaano na kayo kalapit ng Zadz na 'yon. Jerbi also told me that the two of you always roamed there around. Hindi ako makatulog sa kakaisip kung ano ang ginagawa niyo. Kung tuluyan na ba akong nabura sa puso mo dahil sa presensya ng lalaking 'yon."



Tears of Change ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon