22

338 28 1
                                    


Caught

NASA loob ako ng mini-library dito ni Atriju. Dito na rin kami nag-almusal kanina habang nagbabasa ng napili kong libro.



"Won't you be late to your schedule?" I asked him while he's fixing his necktie.



"Nothing to worry. It's just a lunch meeting."



"Mamayang hapon ha? Samahan mo 'ko." I reminded him.



"Sure."


Nakayuko lamang ako habang nagbabasa. Naramdaman kong lumapit siya kaya mabilis akong nag-angat ng tingin na pinagsisihan ko. Sabay ng pag-angat ng ulo ko ay siyang paglapat naman ng labi niya sa akin.


What the! Sumusobra na talaga siya ah!


"Atriju..." I mumbled in an annoyed tone.



"Supposedly, I planned to kiss you in your cheek but you lifted your head. So, that wasn't my fault."


I scoffed and glared at him.



"So kasalanan ko pa?"



"Maybe," he grinned.


"Umalis ka na nga! Kagigil!"


"Sus. Nanggigigil ka lang sa kagwapuhan ko," pagmamayabang niya at nakangising nilingon ako bago lumabas.



Mahinang napasabunot ako sa buhok at pinigilan ang sariling sumigaw. Grabe na talaga si Atriju. Porke nanliligaw siya ay malaya na agad niya akong hinahalikan na hindi man lang ako aware?


Nang malapit ko nang makalahati ang librong binabasa ko ay tumayo muna ako at nag-stretching bago lumabas. Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng fresh milk. Good boy talaga ang Atriju'ng 'yon.



K

aramihan kasi ay fresh milk ang laman ng fridge niya pero may mga beer in can rin naman pero mabibilang lamang. Sa akin kasi ay puno ang isa kong fridge ng mga alak. Lalo na ngayon, dahil pinagbabawalan niya akong uminom kaya hindi ko pa nagagalaw ang mga 'yon.



Paglabas ko sa kusina ay may narinig akong kumatok. Huh? Baka may naiwan siya kaya bumalik.



Padabog akong lumapit sa main door at nakabusangot kong binuksan ang pinto. Nagulat ako nang babae ang tumambad sa harapan ko. Si Tiana na magkasalubong ang kilay.


"Pati ba naman dito sa condo niya ay makikita rin kita?" inis na usal nito.



"Ano bang ginagawa mo dito?"


"Palabasin mo muna si Atriju at kailangan ko siyang makausap!" pagtataray nito.



Tears of Change ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon