BackNARINIG ko kay Lola Lustre na may mag-asawang nagrenta sa Kuweba Pool ng dalawang araw. Malaki daw ang ibinayad kahit hindi naman gano'n kamahal ang entrance fee. Mapilit daw ang babae kaya tinanggap na lang ni Lola.
Napaghandaan naman namin ni Zadz. Naglagay kami ng malaking tent at mga kagamitan sa loob para may matulugan ang mag-asawa. Besides, may cr rin naman dito kaya hindi na sila mahihirapan.
"Again, thanks for promoting this place," wika ni Zadz.
Kanina pa siya salamat nang salamat sa akin. Simula kasi nang mag-post ako ng mga larawan ng Kuweba Pool sa page ko ay marami ang namangha. Minsan nga ay dito na nag-ha-honeymoon ang bagong kasal.
"Tumahimik ka nga diyan. Saka hindi mo ba ma-mi-miss ang lugar na 'to? Babalik na tayo bukas sa Maynila..."
Ngumisi siya.
"Bibisita naman ako palagi dito, Tanya. After all, I'm the owner of this Kuweba Pool."
I nodded.
"Pwede ka namang sumama sa akin kapag bumibisita ako dito. Lola will really miss you. She's already fond of you."
"Pwede rin naman."
Paglabas namin ng Kuweba Pool ay siyang pagpasok naman ng mag-asawa. Jerbi assisted them.
I startled.
"Tanya! Finally, we met again!"
Namimilog ang mga mata ko habang hindi makapaniwala sa babaeng nasa harapan ko.
"G-Gina?"
"Naalala mo pa pala ako!" she turned her head to her husband.
Pansin kong mukhang hindi pinoy ang asawa niya. Or maybe half-blood?
"Siya pala ang naging asawa mo..."
"Yes. And he's a pure German but his heart is as pure as a Filipino. By the way, nakita ko 'tong lugar sa page mo. Pag-uwi namin dito sa Pilipinas, we both decided to go here agad!"
Napanganga ako. That means, she's following my page.
"Kumusta na pala kayo ni Atriju? Bakit hindi kayo magkasama? I heard that he's dating an architect but I didn't believe it because I knew it was you who he was dating," she bubbly said.
Hindi naman agad ako nakasagot. Kung gano'n, totoo ngang may nililigawan si Atriju? At alam niya ring naging kami? Nasa ibang bansa siya sa oras na 'yon kaya paano siya nagkaroon ng ideya?
"We already broke up, Gina..."
Her eyes widened.
"Ano?!"
"Yes. So, enjoy your stay here with your husband..." ang tanging nasabi ko at nauna nang umalis.
Naglakad lamang ako pabalik ng mansyon. Hindi naman gano'n kalayo at mas nakakagaan sa pakiramdam na sumasalubong sa akin ang ihip ng hangin. Mabagal akong naglakad at minsa'y napapatingin sa mga puno ng mga prutas na may mga bunga na. Mas healthy talaga kapag dito sa probinsya dahil hindi mausok at masusustansya rin ang makakain.
Parang naninibago ako sa mga naglalakihang gusali na nadadaanan namin sa bawat pag-andar ng taxi'ng sinasakyan namin.
"Sure kang kina Zadz ka muna mananatili, Tanya?" tanong ni Jerbi.
BINABASA MO ANG
Tears of Change ✔
General FictionHUMILIATION SERIES #2 Tanya doesn't want commitment. She's not into a real serious relationship because she's terrified that she might end up getting married. But everything became intense when she met her persistent suitor again. She found him pass...