HugsNAUNA nang bumalik ang mga kasamahan ni Zadz sa Maynila pagkatapos manatili dito ng tatlong araw.
"Gusto ko lang magtanong hija," wika ni Lola Lustre.
"Sure po."
"Ano bang ginagawa mo dito? Ang ibig sabihin ko'y, may trabaho ka pero bakit nandito ka at sumama kay Jerbi? May iniiwasan ka ba roon?"
Napailing ako.
"Hindi literal na iniiwasan, La. That feeling, you're totally lost? Wala naman na po akong problema sa buhay siguro yung mga nangyayari lang pero hindi ko alam, para kasing wala ako sa sarili."
"Poor little lost soul," nakangiti nitong tugon.
"Ganyan rin ako noon hija. Mga ilang bansa na nga ang napuntahan ko para lang sumaya pero wala, e. But then, I realized being happy is to be contented. Sometimes we're looking for something but failed in recognizing the presence of others and the things we had. You're lost maybe because you let yourself being wrapped by your breakdown..."
Natahimik ako at hindi nakapagsalita. Nagpaalam si Lola Lustre na maliligo muna kaya naiwan akong mag-isa sa salas. Si Jerbi kasi may pinuntahan. At may ginagawa naman ang mga katulong dito kaya wala akong makausap.
"Bored?"
Napalingon ako kay Zadz. Basa ang buhok niya kaya halatang kakatapos niya pang maligo.
"May malinis na ilog dito. Baka gusto mong pumunta do'n?"
I shrugged.
"Tapos na akong naligo."
He snapped his fingers.
"Para hindi ka na matulala diyan, manungkit na lang tayo ng bunga ng mangga. Na-miss ko na ring kumain ng indian mango."
I agreed. Pumunta kami sa likuran. Binigyan niya ako ng mahabang kahoy na parang may basket ang sa huli nito na kung saan ay itatapat mo sa bunga tapos dapat maipasok mo ang mangga at hilahin para mapitas.
Hindi ko pa nasubukan ang ganito. I watched Zadz first, getting the mangoes easily. Because I'm already curious of how it works and if I can do it, kaya ginaya ko na rin si Zadz.
Medyo mabigat ang kahoy at hindi madaling maipwesto nang maayos sa bunga ng mga mangga.
I glared at Zadz when I heard him chuckling.
"Ang payat mo kasi kaya nabibigatan ka."
"What?! I'm not that thin! Sexy at physically fit ako noh," I whined.
"Ako na ang kumuha at maupo ka na lang diyan, mahal na prinsesa."
Pareho kaming nakasandal sa puno ng mangga habang kumakain ng kuha niyang mangga. Syempre hinugasan muna namin ang mga 'to at gumawa rin naman siya ng sauce. Medyo nangingilo na nga ang ngipin ko dahil napadami na ang naubos ko.
"Don't forget to drink more water after eating these."
Ibinaba ko ang manggang nakagatan ko na.
"Ayoko na. Sumakit na yung ngipin ko," nakangiwing wika ko.
Natatawa niyang inagaw sa akin ang hawak kong mangga at kinagatan ang parteng may kagat ko.
BINABASA MO ANG
Tears of Change ✔
General FictionHUMILIATION SERIES #2 Tanya doesn't want commitment. She's not into a real serious relationship because she's terrified that she might end up getting married. But everything became intense when she met her persistent suitor again. She found him pass...