17

378 28 0
                                    


Zari

MALAKI ang ngiti kong inaabot ang mga bunga ng bayabas. Medyo nahihinog na ang iba at madali kong naaabot dahil hindi naman kataasan ang puno nito. Nasa likurang bahagi ako ng mansyon. Luckily, ang garden dito ni Atriju ay hindi lamang puro mga bulaklak ang meron kundi may ibang prutas at mga gulay ring nakatanim.


"May magnanakaw pala dito," natatawang wika niya.



Inismiran ko lang siya at nagpatuloy sa pagkuha ng bunga.



"Okay na 'yan. Hilaw pa naman yung iba," he casually said at kinuha sa akin ang mga bunga at inilagay sa hawak niyang maliit na basket.


"Mag-swimming na naman tayo mamaya sa pool dito, Atriju! Medyo nagsawa na ako sa rooftop."


Maganda sigurong maligo sa pool habang kumakagat-kagat ng bayabas.



"Ang dali mo naman palang magsawa," natatawa niyang wika.


Hindi ko siya pinansin at patuloy na naglilibot sa buong garden. May nakita akong dalawang bunga ng papaya kaya mabilis kong tinawag si Atriju na mabagal na naglalakad papalapit.


"What? Papaya na naman ba ang napagtripan mo?"


Itinuro ko ang bunga ng papaya.



"Kunin mo ang dalawang bunga na 'yan. Masarap pa namang kilawin 'yan."


Itinagilid ko ang ulo para sulyapan siya dahil nanatili siyang walang imik. Napansin ko ang titig niya sa likuran ko at medyo nakabuka pa ang bibig.


"Namamangha ka ba sa pwet ko? Do I have a nice ass?" nakangisi kong tanong.


Napalunok siya kaya hindi ko na napigilan ang paghagalpak sa tawa. Interesado pala 'to sa pwet ko?!



"Pwede mong hawakan kung gusto mo," pagbibiro ko.


"It's not about your fluffy butt. There's actually a red stain..."


Nawala ang ngiti ko. Red stain?! Nanlaki ang mga mata ko at sinubukang hagilapin at masyadong itinagilid ang ulo para makita ang sinasabi niya. Napatikom na lamang ako ng bibig nang may makita nga. Shit! Natagusan ako!



Tuwid ko siyang hinarap. Nakakahiya! Puting shorts pa naman ang suot ko ngayon kaya malinaw ang pulang bakas ng dugo. Napanguso ako at tiningnan siya na parang nakikipag-usap gamit ang mga mata.

Tears of Change ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon