03

726 48 0
                                    


Fling

NAPAHINGA ako ng maluwag nang matapos na ako sa ginagawa ko. I'm done establishing the event's budget. And the next thing that I should need to do is to book a venue for that event. I already organized and assigned my team kung anong gagawin nila in that event.



Napagpractisan na rin ng debutante ang unang gagawin niya.



It's the debut of Tita Remis' daughter. At ipinagkatiwala niya sa akin lahat. Even her daughter, ako na rin ang pinadesisyon sa lahat basta maging successful lang ang event.



Kinuha ko ang remote and opened the tv. Niyakap ko ang throw pillow habang naghahanap ng channel na may magandang palabas.



Pagkatapos kong manood ng isang palabas ay mabilis akong natapos sa pagligo at kasalukuyan na ring nakabihis.



Nang makalabas na ako ng elevator ay taas-noo akong lumabas sa exit ng building. Nakangiti akong pumasok sa loob ng BMW ko. Yes I bought a car already using that big amount of money that I received from Papa for all these years. Medyo malaki pa nga ang sobra e.



Akalain mo naman kasi na sa mga nagdaang taon ay ni piso ay wala akong ginalaw. And finally, nagamit ko na nga. Sayang naman kasi kung hanggang display lang ang malaking pera na 'yon sa bank account ko.



Pagkapasok ko pa sa Commune ay sinalubong na agad ako ng yakap ni Abby. Mapang-usisa pa siyang sumilip sa labas.



"Char, may sasakyan na siya! Sana all BMW," pagbibiro niya.



"Tumahimik ka nga diyan!"



Pareho kaming nag-order ng Pesto Penne Pasta at Cappuccino. Sa taas kami pumwesto dahil mas masarap kasi sa ambiance. And this Commune is one of our favorite cafe here in Makati.



"What?!" malakas na sigaw ni Abby.



Ikinuwento ko kasi sa kanya ang paghatid ng mga groceries ni Atriju sa unit ko pero hindi ko sinabi sa kanya na may nangyaring halikan. Aasarin niya lang ako kapag nagkataong malaman niya.



"Bakit ka naman gulat na gulat diyan?"



"Tanya, patulan mo na lang kasi. Bagay naman kayo!"



I rolled my eyes. Hanggang ngayon ba naman, hays.



"Kung gusto ko nga lang, why not 'di ba? At sana noon pa."



"Ano ba kasi ang ideal guy mo para mahanapan na kita."



"Wala pa nga sa isip ko."



"Jusko naman Tanya! Ikakasal na ako pero ikaw, NBSB pa rin? Nakakatawa!"



Sinimangutan ko siya. Hindi naman ako nagmamadali sa ganyang bagay. Wala pa talaga sa isip ko ang pumasok sa seryosong relasyon.

Tears of Change ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon