13

436 30 0
                                    


Rooftop

NAKANGITI akong naupo nang pinaghila ako ng upuan ni Atriju. May mga pagkain na ang nakalahad sa glass table dito sa dining. Sa gilid naman ay nakatayo ang may edad na babae na sumalubong kay Atriju kahapon.



"Hoy Atriju, patatayuin mo lang si Manang?" I whispered.



"Manang, sabay na po kayo sa amin," nakangiti kong wika na halata namang ikinagulat nito.



"H'wag na po Ma'am."


"Manang Lena, upo na kayo," sabat ni Atriju.



"Ah, sige po Sir!" gulantang na wika nito.


Sinamaan ko ng tingin si Atriju.


"What?" nakakunot-noong tanong niya.


"Ganyan talaga kayong mayayaman noh? Wala kayong pakialam sa mga yaya," naiinis kong bulong.


Sa akin lang naman kasi, tutal nag-iisang yaya lang naman ang meron siya dito dahil hindi naman siya madalas dito kaya dapat malapit ang loob niya sa matanda.


He just shrugged and continued eating. Si Manang Lena naman ay parang kinakabahan, halatang hindi komportable.



"Uuwi ka na ba pagkatapos? Do you have any plans for today, Tanya?" Atriju suddenly asked.



"Wala naman. Ikaw ba?" kaswal kong tanong.



"Dito na muna ako. Ihahatid kita pauwi kung gusto mo ng umuwi," he said and sipped his coffee.


Tumango ako. Nalungkot ako bigla. Kapag sa condo kasi ay minsan nakakabagot lalo na dahil ako lamang mag-isa doon. Gusto ko tuloy sabihing dumito muna pero mukhang nakakahiya naman.


Pagkatapos naming kumain ay naiwan na si Manang Lena doon, naghuhugas. Ako naman ay nagtungo sa kwarto niya para kunin ang sling bag ko. Hindi ko alam kung ano ang isusuot ko ngayon. Hindi ko naman nalabhan ang suot ko kagabi.



I putted a little bit of liptint on my lips bago ako bumaba. I felt a bit conscious knowing that I'm not wearing a bra. Mamaya na siguro ako magsuot kapag uuwi na ako.


Mula sa hagdanan ay natanaw ko si Atriju na nakaputing sando na lamang. May hawak siyang towel. Natutop ko ang labi ko nang magtama ang mga mata namin. Bumaba na ako at lumapit sa kanya.



"Let me guess, maliligo ka sa pool noh?"



"Saan?" he raised his eyebrow.


"Bakit? Wala bang swimming pool dito? Ang laki ng mansyon tapos–"



Tears of Change ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon