YesDALAWANG buwan na ang lumipas simula nang makalabas si Abby sa ospital. Sa loob ng isang buwan ay wala siyang kinakausap. Kapag bumibisita ako ay palaging nasa loob lamang siya ng kanilang kwarto habang nagluluksa. Mabuti nga at sa pagbisita ko sa kanya kanina ay okay na siya.
Nakasandal ako sa headboard ng kama habang nagbabasa ng comments sa mga video'ng na-post ko sa facebook page ko. Parami nang parami ang kumokontak sa akin pero hindi muna ako nag-abalang sagutin ang isa sa mga 'yon. Tinatamad pa ako.
Hanggang ngayon patuloy pa rin sa akin sa panliligaw si Atriju. Palagi niya akong binibisita dito sa condo ko pagkatapos ng trabaho niya. Naging busy rin siya dahil na-i-release na ang isang movie na shinoot nila last year. Saka last year 'di pa kami close nun.
Ginulo ko ang aking buhok nang hindi ko makasya ang isa kong shorts. Medyo tumaba na talaga ako. Nakakairita! Pinili ko na lang ang magsuot ng pant skirt at pinaresan ng eyelash knit sweater.
Kakatapos ko pang magbasa sa isang librong galing kay Atriju. At ngayon, parang gusto kong maglibot. Medyo madilim na sa labas kaya mas magandang magmumuni-muni sa oras na 'to.
Sumakay ako sa kotse ko at nagmaneho papunta sa malapit na cafe. Pagpasok ko sa loob ay naiinis akong napatingin sa mga table na lahat ay may naka-occupy na. Nagmartsa ako sa last row nang makitang isang lalaki lamang ang nakaupo at may dalawang bakanteng upuan pa.
"Paupo dito," wika ko.
Natigil ito sa ginagawa sa laptop. He nodded as he closed his laptop. Napataas ako ng kilay. Nag-order muna ako ng hot coffee at naupo na.
I read a funny meme and can't help but to slightly chuckle. I cleared my throat when I noticed the stranger staring at me. Nagulat na lamang ako nang nginisihan ako nito.
"Hindi mo ba ako naalala Miss?" tanong nito.
"Pardon?"
"I'm Zadz..."
My lips parted when I realized something. Ah, siya yung kapatid ng isang kliyente kong debutante.
"Yeah, naalala na kita."
"At hindi lang 'yon," he said and shook his head. "But never mind."
Naaliw akong nakipagkuwentuhan sa kanya. Medyo may naalala akong tao sa kanya. Sandali akong napatigil at nanlalaki ang mga matang tinitigan ng maayos ang mukha nito. Kahit wala siyang suot na braces at glasses ay siyang-siya talaga 'yon. O baka magkamukha lang talaga sila?
"Oh my God! Sabihin mong mali ako..."
"What?" nakangisi nitong tanong na parang alam na rin kung ano ang sasabihin ko.
"I-Ikaw si Z, 'di ba?"
"Finally, napagtanto mo na rin," he heaved a sigh and nodded.
BINABASA MO ANG
Tears of Change ✔
General FictionHUMILIATION SERIES #2 Tanya doesn't want commitment. She's not into a real serious relationship because she's terrified that she might end up getting married. But everything became intense when she met her persistent suitor again. She found him pass...