27

306 22 0
                                    


Video

ISANG linggo na kaming nandito sa mansyon ni Atriju. Nakasandal ako sa dibdib niya habang pareho kaming nakasawsaw sa jacuzzi niya dito.



Pinalagyan niya kasi ng jacuzzi ang balcony niya sa kwarto kaya nakakatuwa at the same time nakakainggit. And honestly, this jacuzzi is already our cuddling place for the past days.


Humihikab akong napapikit ng mga mata at mas lalong idiniin ang ulo sa dibdib ni Atriju. I felt his warm lips touching my neck. Hinarap ko siya at agad na sinunggaban ng halik. He groaned and pulled me closer to deepen the kiss.


I smirked. I pulled away at tumayo paalis sa jacuzzi.


"I'm sleepy, bye!"


Palihim akong napangisi at pumasok na sa loob. I took a quick shower. Pinatuyo ko muna ang buhok ko bago nahiga sa kama. Ngunit unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko.


Si Atriju agad ang hinahanap ko nang hindi siya makita sa kwarto. Hindi man lang niya ako tinabihan! I hugged Zari na lang before leaving the room.


Nakasimangot akong bumaba ng hagdan habang rinig na rinig ang tunog ng tsinelas ko sa bawat pagtapak pababa ng hagdan. Napakunot ako ng noo nang hindi ko siya nahagilap sa salas pati rin sa kusina.



"Manang, si Atriju po?"


Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagbuga ng hangin ni Manang Lena.



"May kausap na babae po Ma'am..."


Agad nagsalubong ang mga kilay ko.



"Sino po? Saan po sila?"


"N-Nasa garden Ma'am Tanya. Rinig ko pang nagsisigawan sila kanina. Saka, h'wag po sana kayong magalit, Ma'am...."



Napalunok ako.



"Bakit po Manang? May dapat ba akong ikakagalit?" masungit kong tanong.


"Nakita ko po si Sir na hinalikan niya ang babae. Kahit amo ko po si Sir Atriju, karapatan ko pa ring sabihin sa'yo ang totoo dahil girlfriend ka niya..."


I laughed sarcastically. Si Atriju? Humalik sa babae? E patay na patay nga yon sa akin!



"Nagkamali ka lang Manang. Baka ibig sabihin mo kamo ay ninakawan siya ng halik ng babae."



Umiling lamang si Manang Lena at nakayukong nagpaalam na dahil may lilinisin pa. Mabigat ang loob akong pumunta sa garden. Mas lalong bumigat pa nang makita ko kung sino ang kasama niya.

Tears of Change ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon